00:00Narita na ang PTV Balita ngayon.
00:02Naranasan sa iba't ibang bayan sa Palawan ang pananalasa ng Bagyong Tino.
00:07Marami sa kanila ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa Araceli, Buswanga, Linakpakan, Rojas Magsaysay, Dumaran, Taytay, Koron, Kulyon, Kuyo at Kagayansilyo.
00:20Ang iba naman ay nakatira sa kanilang mga kamag-anak.
00:23Patuloy naman silang tinutulungan ng mga lokal na pamahalaan.
00:27Sa ngayon, kansilado rin ang klase ng mga estudyante sa labing-anim na bayan.
00:34Patuloy ang pamahagi ng pagkain at iba pang tulong ng Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Tino.
00:43Umapot na sa mayigit 123,000 na family food packs at halos 2,000 ready-to-eat food boxes
00:51ang nailabas ng kagawaran para ipamahagi sa mga apektadong residente
00:55kabilang sa nabigyan ng tulong ang mga residente sa Calabar Zone, Bicol, Western Visayas, Negros Island, Central Visayas, Eastern Visayas at Caraga.
01:06Nabigyan din ang ready-to-eat food ang mga residente sa National Capital Region, Calabar Zone, Bicol, Western Visayas, Negros Island, Eastern Visayas at Zamwanga.
01:17Sa matala, nabigyan naman ang pagkain ang mahigit isang daang pasaherong na-stranded sa Pilarport sa Sorsogon.
01:26Posibleng maging super typhoon ang binabantay ang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility ayon sa pag-asa.
01:34Base sa latest advisory ng pag-asa, namataan ang bagyo sa layang 1,835 kilometers silangan ng northeastern Mindanao na may lakas na 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong maabot sa 70 kilometers per hour.
01:51Kumikilis ito sa bilis na 10 kilometers per hour.
01:53Inaasahang papasok ang nasabing tropical depression sa PAR sa biyernes ng having gabi o sabado ng umaga at posibleng itong mag-landfall sa northern o central Luzon.
02:05Sakaling pumasok ito sa PAR, tatawagin itong bagyong uwan.
02:10At yan ang mga balita sa oras na ito.
02:13Para sa iba pang-update, i-follow at i-like kami sa aming social media sites at PTVPH.
02:18Ako po si Naomi Tiburcio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.