00:00Inututukan ng Philippine National Police ang search and rescue operations
00:04maging ang pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng Bagyong Tino.
00:08Yan ang ulit ni Ryan Lesigues.
00:13Nananatiling payapa ang sitwasyon sa mga lugar na matinding hinagupit ng Bagyong Tino.
00:17Ayon kay Directorate for Police Community Relations o DPCR Executive Officer Police Colonel Jesse Tamayo,
00:24walang naitatalang looting sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
00:27Katunayan, mas bumaba pa raw ang mga naitalang krimen matapos ang bagyo.
00:32Sa kabila nito, ay hindi pa rin nagpapakakampante ang pambansang polisya.
00:36Kung kaya't itinaas pa rin nila sa full alert status ang alerto sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.
00:42As of now, yun yung magandang balita natin dahil binagyo tayo and we expect na wala tayong any report,
00:54particularly in 8 Focus and base na rin sa datos natin and the report of our field units,
01:01wala tayong any reported na incident or crimes.
01:06What about looting, sir?
01:08Looting, as of now, based on the report, wala din tayong any reported looting.
01:15Una nito ay agad pinakilos ni PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartates Jr.
01:21ang lahat ng tanggapan at unit ng polisya sa mga apektadong lugar na paigtingin
01:26ang search at rescue operations sa mga sinalanta ng bagyong Tino.
01:30Pinatitiyak din ni Nartates ang mabilis na pamamahagi ng relief goods sa mga inilikas na pamilya at individual.
01:36Sa ngayon, mahigit 10,000 polis at mahigit 300 mobile ang ipinakalat para sa evacuation, rescue operation at iba pang humanitarian assistance kasunod ng pananalasan ng bagyo.
01:48Yes, we all know naman ang ating PNP. Support lang tayo pagdating sa mga ganyang bagay.
01:54And lahat ng ating mga responses, this is in coordination with our local government, which are, they have the capability doon sa ating mga kagamitan.
02:10And tinatap din natin, of course, yung ating other government and other non-government agencies.
02:17Samantala'y pinag-utos din ni Lt. Gen. Nartates sa lahat ng tanggapan ng pulisya na magsagawa ng internal assessment upang matukoy ang operational na epekto ng bagyo sa kanilang tauhan.
02:29Sinisuguro natin yung ating police operations is tuloy-tuloy yun.
02:35Dahil sa ganitong mga sitwasyon na talagang kailangan yung ating kapulisan, kahit pa siguro merong damage, gagawa at gagawa ng ating mga kapulisan.
02:45Para sa gunon, tuloy-tuloy yung ating servisyo sa ating mga kababayan.