Skip to playerSkip to main content
Aired (November 2, 2025): SA PATULOY ANG PROTESTA LABAN SA MINAHAN SA DUPAX DEL NORTE, TATLO SA MGA RESIDENTE ANG INARESTO MATAPOS ANG TENSYON SA BARIKADA.

Tensyonado ang sitwasyon sa Barangay Bitnong sa bayan ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya nitong October 17, nagkagirian sa pagitan ng mga nagpoprotesta at kapulisan. Tatlo sa mga residente, dinakip at pinosasan pa ng mga pulis.

Ang puno’t dulo ng gulo, ang pagtutol ng mga residenteng sa nakaambang operasyon ng minahan sa kanilang bayan.

Hindi pa man daw kasi nagsisimula ang pagmimina, nararanasan na ng mga residente ang epekto nito sa kanilang pananim.

Sa likod ng alitan, mga tanim na nasira, kabuhayang nalusaw, iimbestigahan ito ni Jessica Soho maging ang mga alegasyon ng panlilinlang.

Panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho Special Reports. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Meron ng dalawang minahan sa probinsya ng Nueva Vizcaya,
00:07na balak pang dagdagan ng pangatlo sa bayan naman ng Dupacs del Norte.
00:14Pero ngayon pa lang, mariin na itong tinututulan ng mga residente.
00:19Tensyonado ang sitwasyon sa barangay Bitnong sa bayan ng Dupacs del Norte, Nueva Vizcaya, noong October 17.
00:35Sa itinayo kasing barikada ng mga residente para harangin ang mga empleyado ng isang mining company
00:42na nagsasagawa ng exploration sa kanilang bayan.
00:49Nagkagirian sa pagitan ng mga nagpo-protesta at ang mga pulis.
01:02Tatlo sa mga residente, binakip at pinusasan pa.
01:14Ang punot dulo ng gulo.
01:16Ang pagtutol ng mga tigad Dupacs del Norte sa nakaambang operasyon ng Google Corporation sa kanilang bayan.
01:27Hindi pa man daw kasi nagsisimula ang pagmimina.
01:32Nararanasan na ng mga residente ang mga masamang epekto nito.
01:36Nang dahil kasi sa mga ginawang paghuhukay para pag-aralan ang potensyal ng kanilang lugar para maging minahan.
01:45Ang mga dapat sana'y aanihing luya ng mga magsasaka.
01:50Ma'am, ayan.
01:52Sira na.
01:53Nalusaw.
01:54Ah, oo nga.
01:55Nabulok na.
01:56Hindi na mapapakinabangan.
01:58Hindi na, ma.
01:58Ito ang maanghang na isyong kinakaharap ngayon ng mga magsasaka ng luya sa tinawagpamanding ginger capital ng Pilipinas.
02:12Itong lunes, bumiyahe ako pa Nueva Vizcaya para siyasate ng issue.
02:22Dito pa lang sa kalsada, may mga makikita ng tarpaulin na nagpapahayag ng protesta ng mga residente sa pagmimina.
02:32Exploration permit pa lang yung ibinigay sa isang British company.
02:36Wala pang minahan dito sa bayan ng Dupax del Norte.
02:40Pero ngayon pa lang, tumututol na ang ilang mga residente.
02:45Ayaw nila ng minahan sa kanilang bayan.
02:48Doon po tayo papunta ngayon sa lugar kung saan meron silang kilos protesta.
02:55Dito sa sityo na Ruron, muling nagtipon-tipon ang mga residente.
03:01Dagnaan daw na ako.
03:04Kumusta kayo dito?
03:06Ako.
03:06Deproductin ang madam.
03:08Tagaptin kami masay.
03:09Lagitin-tagitin-inang tayo madam.
03:11Nga nakasaga na nga talagang lumaban.
03:14Kahit senior citizen po sila, handang lumaban po mga yan.
03:18Attorney, ano po mangyayari ngayong araw na to?
03:20Andi dito po kami ngayon dahil nga meron po kaming pre-prepare na papeles,
03:26legal na papeles na pipirmahan ng mga naririto.
03:31May permit to explore na yung Google.
03:33So ang balak nyo, may petisyon.
03:36Hinihingi namin na ito ay may i-withdraw yung permit dahil maraming violation si Google.
03:48Kasama rito ang tatlo sa mga magsasakang binakip at pinusasan sa dispersal nitong October 17.
03:55Ikwento nyo nga ho, ano nangyari sa inyo nung nagprotesta ho kayo?
04:00Nasa gilid po ako, hinablot ako ng Google company po.
04:04Sinala ako nung sa maraming mga polis po.
04:09Pandak niya, hindi polis siya.
04:12Hindi na kayo stambay na polis.
04:13Diya ka pinusasan.
04:14Ay, pinusasan na ka?
04:16Apay ka no?
04:17Niya yung bagadang arason.
04:18Nakaharap po kasi yung mga senior citizen.
04:28Dinidepensa ko sila kasi habang umaabante yung mga polis, sila yung naihipit.
04:32Kaya medyo nasa harap ako.
04:34Hinihinatak ako.
04:35Doon ako pinagtulungan, hawak-hawakan.
04:39Parang pumalag pa naman po ako noon.
04:41Pero nung talagang napasasan na po ako, doon na po ako kumalma.
04:44Para ma-implement namin yung TRO, kailangan nang gumamit ng reasonable force
04:50para ma-polis yung mga nagbabarikada noon po.
04:54Anong masasabi niyo sa ginawa sa inyo?
04:57Habang kinakapanayam ko ang mga residente,
05:00May mga pumapasok na mga 4x4 na sa Wogle down,
05:11nagdadala ng krudo para magamit daw nila sa pag-explore
05:16doon sa gusto nilang mga i-check na mga pwede nilang pagminahan.
05:21Alam niyo ba kung anong sabi nilang mamimina raw dyan?
05:24May iba-ibang gold daw eh.
05:26Nagsimula ang problema ng mga Tigadupaks del Norte
05:30sa taong 2022 nung nagsumitin ng Exploration Permit Application
05:35ang Wogle Corporation sa MGB o ang Mines and Geosciences Bureau
05:41ng DENR o ng Department of Environment and Natural Resources.
05:45Ang target daw rito ang minahin, ginto at tanso.
05:51Makalipas ang mahigit tatlong taon,
05:54ditong August 2025, inilabas na ang Exploration Permit
05:59na nagpapahintulot sa kumpanya na mag-explore
06:02sa limang mga barangay sa Dupaks del Norte.
06:07Agad sinimulan ang Exploration sa Sityo Quion sa Barangay Bitnong.
06:12Mula sa kinatatayuan ng aming team,
06:15makikita ang mga tolda sa isang bahagi ng kabundukan.
06:21Maririnig din ang tunog ng mga makina
06:24habang binubutas nila ang bundok.
06:26Sa kabilang bahagi naman,
06:29may mga nakatayuring asul na tolda.
06:32Ayon sa mga residente,
06:34yun ang mga lugar na na-explore na raw ng Wogle.
06:39Sa proseso ng Exploration,
06:42naguhukay at nagbubuta sa lupa
06:44para makakuha ng mga sampol.
06:47Susuriin ito para malaman
06:48kung saang parte ng bundok mayaman sa mineral.
06:52Pero kahit mga hukay palang
06:54ang ginawa sa Sityo Quion,
06:56nagdulot na raw ito ng perwisyo sa mga taniman.
07:02Isa sa mga naapektuhan
07:03ang magsasakang si Tatay Gregorio.
07:09Luya ang itinatanim ni Tatay Gregorio,
07:12katulad ng maraming mga magsasaka rito.
07:14Wala na akong pagkuna ng punan.
07:16Wala naman magpawatangat.
07:18Ganitong hirap nga.
07:19Di balik akong mawalan ako ng kalabaw.
07:21Basta may maitanim siya na akong luya.
07:23Pero dahil sa isinagawa rito ng exploration,
07:27karamihan sa mga aanihin sana niyang luya.
07:30O, bulok na.
07:32Baka nangitin na ma'am yan.
07:34Wala na.
07:35Nabulok at nalusaw.
07:37Ito na, nanilaw na.
07:41Hindi niya nalang inani kasi nasira na eh.
07:44Nasira na.
07:45Pagka nagdilaw na ito ma'am,
07:47wala na.
07:48Hindi ko nalinisan at sayang rin lang ang pagod ko.
07:50Bulok na ma'am.
07:51Ah, oo nga.
07:54May uut na.
07:55Nabulok na.
07:57Ang epekto niya.
07:57Hindi na mapapakinabangan.
07:59Hindi na ma'am.
08:01Ano nangyari po dito sa inyong taniman?
08:04Nagtabas po sila ng daan dyan.
08:06Hindi naman lang pinaalam.
08:07Ngayon sinabi ko sa kalala,
08:09trespassing pa kayo,
08:10bakit hindi ninyo pinaalam sa akin.
08:11Ano bang ginawa daw ho?
08:13Dito sa nilagay?
08:14Nagbutak dyan ma'am.
08:16Nalinagyan ng yung ayodon.
08:18So, parang asin daw.
08:19Tapos yung kuryente,
08:21dinanan dyan sa gitna.
08:23Tuloy daw,
08:24nagbutas na naman sila dyan sa may tubigan ko.
08:27So, sa ilalim ho nito,
08:28may mga butas na ho?
08:30Maditik daw ma'am kung mayroong
08:31ginto sa ilalim.
08:33Tapos sabi nyo ho,
08:34may pinadaan din ho silang mga kable ng kuryente?
08:37Mayroon ma'am.
08:37Dito dumaan dyan sa gitna ma'am.
08:39There is to down.
08:40It could be possible na
08:41ang activities na yun yung nagkakos,
08:43especially with the salt.
08:44Ang salt kasi nakaka-affect siya
08:46sa absorption ng plants.
08:48If nagiging saline yung water.
08:50Limang dekada nang nagsasaka si Tatay Gregorio.
08:54Ito na yung mina.
08:55Ano masasabi nyo ho?
08:56Ay, ayaw po namin sana
08:57para hindi masira itong kabuhayan namin, ma'am.
09:00Ay, paano yung mga anak ko?
09:02Mga apo ko?
09:03Sa dami ng anak ko,
09:04talaga kulang pa ito.
09:06Ano, ipamanakos sa kanila?
09:07Sa kumunhon,
09:08ganito rin yung problema doon.
09:11Yung kalamansi naman doon,
09:12yung pinoprotektahan nilang,
09:14pangunahin nilang produkto.
09:15So, dito naman sa Dupax del Norte,
09:18Luya.
09:19So, parang laging laban ito
09:21ng mga maliliit,
09:23laban sa mga malalaki.
09:24Dahil sa pagkasira
09:26ng kanyang mga pananim,
09:27humihingi ngayon siya
09:29ng danios
09:30mula sa Wugo.
09:31Pinabayad ko.
09:32Halos nangiyak niya
09:33kailangan ka doon sa opisya nila,
09:35maawa naman kayo.
09:36Biniyari din yung 190.
09:38Ang hinaing ni Tatay Gregorio
09:40at ng iba pang mga residente,
09:42walang konsultasyon sa kanila
09:44bago inilabas
09:45ang exploration permit
09:47ng Wugo Corporation.
09:48Nag-consult ko ba kayo
09:50nung kumpanya?
09:51Wala ko.
09:53Kwento po ni attorney,
09:54ang claim nung kumpanya
09:55ng Wugo,
09:57nagpa-consult naman daw sila,
09:59nag-comply daw sila doon.
10:00Wala pong nangyaring
10:02genuine consultation, madam,
10:03kasi nga po,
10:05ang ginawa nila,
10:05halimbawa po dito mismo
10:06sa porokyon na ito,
10:08nagkaroon ng presentation,
10:09mag-pre-preset lang yung kumpanya,
10:11pero nung kakain na po sila,
10:13kumuha sila ng listahan daw
10:14ng mga kakain.
10:16Pero yun na yung ginamit nila.
10:17Panlilin lang yan
10:18kasi walang actual,
10:20genuine public consultation po
10:22na nangyari talaga.
10:24Isa sa mga pumirma
10:26sa Diomano Attendancy
10:28ang magsasakang si Rodolfo.
10:30Ma'am,
10:31naghikayat sila
10:32ng maraming tao
10:33na sabi nila
10:34may wat-watan daw
10:36sa Barangay Hole.
10:37Wat-watan
10:37at pakanda.
10:39At magpakain.
10:40Pinapirma kami
10:40para alam nila
10:41yung papakainin nila.
10:43Yun pala
10:44ang gagawin nilang
10:45consultation.
10:46Bakit ayaw nyo
10:47ng minahan
10:48dito sa inyong buhay?
10:48Ay ma'am,
10:49marami akong napuntahang minahan,
10:50nagtrabaho ako,
10:51hindi man umasinsuang buhay ko.
10:53Saan,
10:53saan ho ba kayo
10:54nagtrabaho?
10:54Nakarating ako ng
10:55Sambuanga, ma'am,
10:56nakarating ako ng Surigao,
10:58nakarating ako ng Butwan,
10:59nakarating ako sa Bulacan.
11:01Minero din ho kayo?
11:02Nag-dra-drive po ako
11:03ng mga equipo, ma'am.
11:05Nag-opert ako.
11:06Sa nakita nung hunin nyo
11:07dun sa mga lugar na yon?
11:08Wala mang nangyari
11:10kasi kawawa yung
11:10mga iniwan namin daw.
11:12Kasi nag-iba na ang bundok nila.
11:14Kaya ayaw nyo rin
11:14humangyari dito?
11:15Ayaw namin dito, ma'am,
11:16kasi ang kabuhayan namin
11:18dito masisira.
11:19Inform dapat yung komunidad.
11:21Kung na-violate ito,
11:22they can ask for the revocation
11:24ng mining exploration permit
11:26administrative.
11:28Pwede mong maging ground din
11:30na mag-file ka ng kaso sa korte
11:33para ipatigil yung ongoing project.
11:36At hindi lang daw kulang
11:37sa konsultasyon ng mga residente.
11:39Anong basis po ninyo
11:41for the petition?
11:42Paglabag doon sa implementing rules
11:44ng Philippine Mining Act
11:45doon sa local government code
11:47of 1991.
11:49Iyon lang po ba yung
11:50violation nila?
11:51Isa pa pong violation nila,
11:52nagputulong sila ng kahoy
11:54dito pa sa lugar,
11:55dito sa kiyon,
11:56nang wala pong permit sa DNR.
11:58Kung sa bayan ng Dupacs del Norte,
12:01hinaharang ang pagpasok ng minahan,
12:06sa ilang karatig bayan,
12:10meron ng dalawang large-scale mining
12:13na ilang taon nang nag-ooperate.
12:18Sa barangay Runruno
12:20sa bayan ng Quezon,
12:22naroon ang
12:22FCF Minerals Corporation.
12:25Pinahintulutan nilang aming team
12:26na ikutin ang kanilang mining site
12:29kasamang ilan nilang tauhan.
12:31Ang minimina nila rito,
12:32ginto.
12:37At molybdenum,
12:39chemical element
12:40na inihahalo sa bakal
12:42para mas maging matibay
12:44at hindi agad kalawangin.
12:45October 2009 daw,
12:48nung nabigyan ang FTAA
12:49o ng Financial or Technical Assistance Agreement
12:53ng MGB,
12:54ang FCF Minerals,
12:56ang sakop ng kasunduan,
12:58mahigit 3,000 hectares
13:00sa barangay Runruno.
13:012016 naman,
13:03nung nag-operate
13:04ang kanilang open pit mining.
13:06At mula raw nung nagsimula ito,
13:08malaki ang ipinagbago ng lugar.
13:11Mula 2009,
13:13ang bundok na hukay,
13:15na patag,
13:16at nakalbo.
13:18Or progressive rehabilitation.
13:19So first po,
13:20yung una ay yung slope stability
13:22or slope stabilization.
13:24Pangalawa po ay yung planting,
13:26mga fast-growing trees.
13:28Yun po yung una naming mga tinatanim.
13:30So deserves umbrella tree po.
13:32Total rehabilitated na po namin
13:34is nasa 72 hectares na po.
13:36Sa pagsisiyasat ng aming team,
13:39na lamang ang FCF Minerals,
13:42subsidiary ng kumpanyang
13:44Metals Exploration PLC
13:46na nakabase sa United Kingdom.
13:49Sa isang pahayag,
13:50nilinaw ng FCF Minerals
13:52ang ugnayan nila
13:53sa Wogle Corporation
13:55at kung magiging ekspansyon ba ito
13:58ng minahan.
14:00Ang FCF Minerals Corporation
14:02at Wogle Corporation
14:03ay mga affiliate companies
14:05sa ilalim ng iisang grupo.
14:07Sa kasalukuyan,
14:08ang aktibidad ng Wogle Corporation
14:10sa Dupax del Norte
14:11ay exploration lamang.
14:14Dito naman,
14:15sa barangay Didipio
14:16sa bayan ng Kasibu,
14:18nag-ooperate ang Oceana Gold,
14:20ang kanilang minimina,
14:22ginto at tanso.
14:24Ayon sa nakalap na dokumento
14:26ng aming programa,
14:27taong 1994 pa rin,
14:29nag-ooperate rito ang Oceana Gold
14:31sa ilalim pa ng Administrasyong Ramos
14:34na ang tawag noon,
14:35Climax Arimco Mining Corporation.
14:38Pero ang kanilang kasunduan
14:40na pasunaraw noong June 2019,
14:43nirinung July 2021
14:45sa ilalim na ng Administrasyong
14:47ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
14:49Kaya, tuloy ang kanilang operasyon
14:52hanggang ngayon.
14:53Katulad ng FCF Minerals,
14:55malawak rin ang lupa
14:57at kabundukang sakop
14:59ng Oceana Gold.
15:02Sa drone footage na ito,
15:04makikita ang lawak
15:06at lalim ng hinukay na pit mine,
15:09bagay na naka-apekto na raw
15:11sa maraming residente,
15:12katulad ng magsasakang si Angelina.
15:15Yung tubig namin parang lumalabas
15:17ang may puti-puti
15:18at saka namamantika yung tubig.
15:21Tapos yung inumin namin,
15:22parang iba ang lasa.
15:24Hindi na kami nakapagtanim ng palaya
15:26kasi walang tubig.
15:27Kung wala kami namang pagtrabahuan,
15:29talagang utang talaga.
15:31Sa ipinadalang pahayag
15:32ng Oceana Gold,
15:34sinabi nilang nananatili silang
15:36tapat sa bukas na komunikasyon
15:38sa ligtas at responsabling pagmimina
15:41at sa patuloy na pakikipag-ugnayan
15:43sa kanilang host
15:45at mga karating na komunidad
15:46para raw matiya
15:48ang sama-samang pag-unlad
15:50at pangangalaga sa kalikasan.
15:52Ang ganitong nangyayari
15:54ang gusto sanang iwasan
15:56ng mga tigadupaks del Norte.
15:59Kaya nagbarikada sila.
16:01Hinarang ang mga sasakyan
16:03at empleyado ng Wuggle
16:04na labas-masok sa sityo Kion.
16:07Gayunman,
16:08nag-apply ng TRO
16:09o ng Temporary Restraining Order
16:11ang Wuggle sa korte.
16:13Sa inilabas na TRO
16:15ng Regional Trial Court Branch 30
16:18ng Bambang,
16:19pinigilan ang mga residente
16:20na maglagay o gumawa
16:22ng harang sa mga daan
16:23papunta sa exploration sites.
16:30Bagay na nagresulta sa girian
16:33at dispersal nitong October 17.
16:36Hanggang October 30 lang kasi eh.
16:37Yung TRO.
16:40Pagka wala pang nai-release
16:42na preliminary injunction yan,
16:43pwede na silang magbarikada ulit.
16:45Kaya ho sila nandito ngayon
16:46dahil inihahanda na namin
16:47yung aming petisyon
16:48para sila ay pumirma.
16:50We strongly stand against the mining.
16:53Ang simbahan po,
16:54nakikinig po sa hinahing
16:55ng ating mga mamayan,
16:57lalong lalong na mga farmers.
16:58Ito po ay isang napakalaking issue
17:01kung saan ang ating mga kababayan
17:03ay mas lalong maghihirap
17:05dahil po mawawala sa kanila
17:07ang kanilang kabuhayan.
17:09Sinasabi ho nila,
17:10meron naman daw mga responsible miners.
17:13Di po kami niniwala
17:14sa responsible mining.
17:16Alam din po natin
17:17na kapag nasira po yung kabundukan,
17:19hindi na po natin may babalik sa dati.
17:21The Vice Mayor and the members
17:23of the Sanggunen Bayan,
17:24pumayag sila na pumirma
17:25doon sa Petition for Cancellation
17:28of Exploration Permit
17:29ni Wugel
17:31na ifafile nila yan
17:32doon sa MGB sa Manila.
17:34Except the Mayor.
17:35Hindi po namin kailangan ng mina
17:36dito sa bayan ng Dupac, Stenorte.
17:38Ang masasabi ko po ay
17:39marami lang po
17:41ang hindi nakaintindi
17:42sa mga actions namin
17:44bilang municipal officials.
17:45Yung pagbisita ng Wugel
17:47sa bayan namin is
17:48hindi naman po iligal.
17:51Pinapalabas po
17:51ng ibang tao
17:53na dahil po sa certification na yun
17:56ay na-approve yung
17:57Exploration Permit.
17:58Kaya ko po ginawa yun
17:59ay meron naman po
18:01nangyaring meeting doon
18:02sa Sanggunen Bayan.
18:03Kaya I certified it
18:04at nangyari.
18:05Ayaw namin na mamimina
18:07yung aming lupa.
18:08So that's why I filed
18:09the House Bill
18:10for the expansion
18:12and protection
18:13of the watershed
18:14kasi that area
18:15hindi pa covered
18:16yung watershed yan.
18:17Kinuha na rin namin
18:18ang panig
18:19ng Wugel Corporation
18:20sa pamagitan
18:21ng affiliate nito
18:23na FCF Minerals
18:24pero hindi sila
18:26nagpaunlak
18:26ng on-cam interview.
18:29Gayunman,
18:29naglabas sila
18:30ng statement.
18:31Ang paratang na nalinlang
18:33ang mga barangay representatives
18:35at ginamit ang
18:36attendance sheets
18:37bilang pahintulot
18:38para sa aplikasyon
18:39ay hindi totoo.
18:40Attendance sheets
18:41when you serve only
18:42as records of presence
18:44in meetings or IECs,
18:46not as consent
18:46or legal endorsements.
18:48Sinagot din ang Wugel
18:49ang aligasyon
18:50ng anti-mining group
18:52na walang nangyaring
18:53konsultasyon
18:54bago inilabas
18:55ang Exploration Permit.
18:57Taliwas ito
18:58sa katotohanan.
18:59Bahagi ng aming
19:00na-submitting requirements
19:01sa MGB Regional Office
19:03ang mga
19:03Certificate of Consultation
19:05mula sa
19:05Sangguniang Bayan
19:06ng Dupak
19:07sa Norte
19:07at apat na barangay
19:09na sakop
19:09ng proposed area
19:10bilang pre-approval requirements.
19:12Sinubukan din namin
19:14kuna ng pahayag
19:15ang DNR-MGB
19:17at sa isang statement
19:18sinabi nilang
19:19hindi nararapat
19:20sa ngayon
19:21ang agarang pag-suspinde
19:23sa mga aktibidad
19:24ng Exploration
19:26dahil hindi raw
19:27napatunayan
19:28ang mga aligasyon
19:29ng malawakang
19:30pagputol ng puno
19:32at panghimasok
19:33sa mga lupain doon.
19:35Samantala,
19:35ayon sa datos
19:36mula 2021
19:38hanggang 2023
19:39hindi umabot
19:41sa 1%
19:42ang kontribusyon
19:43ng pagmimina
19:44sa GDP
19:45o Gross Domestic Product
19:47ng Pilipinas.
19:48Ibig sabihin,
19:50hindi malaki
19:50ang nakukuhang
19:52benepisyo
19:52mula sa pagmimina.
19:54Kaya ang tanong
19:55sa pangkalahatan
19:57na babalansi nga ba
19:58ng mga minahan
19:59ang naidudulot nilang
20:01pagkasira
20:02sa kalikasan?
20:03Ang magbe-benefit
20:04lang nito actually
20:05ay yung proponent
20:06ng project
20:07o yung korporasyon
20:09na nagtutulak nito
20:10paano magkakaroon
20:12ng responsible mining
20:13kung ang impact mo
20:14both socio-economic
20:16at sa human rights
20:17at maging sa kapaligiran
20:21talagang malaki.
20:22Sa pagmimina,
20:23ayaw ko talaga
20:24at masisira
20:25itong kabuhayan namin dito.
20:27Sa kami pupunta.
20:28Kutkutin sa ilalim,
20:29huwag mawalang kami
20:30ng tubig.
20:31Mas titira kami
20:32dito sa ibabaway
20:33kung gumuhoyan di,
20:34malilibing kami
20:35ng buhay.
20:35Kailangan bang
20:37mawasak
20:38ang mga kabuhayan
20:39at kalikasan
20:40alang-alang
20:42sa pagunlad?
20:44Ito na ang tunay ginto.
20:46Kahit di ka na magmina.
20:48Oo.
20:49Oo, talaga yung ginto.
20:51Kapag naubos ang lupa
20:52at nalaso ng tubig,
20:56paano na
20:56ang kinabukasan?
20:58Alangga po,
21:14ikaw ako.
21:15Alangga ako man,
21:16kaula.
21:17Huwag ka nang siman.
21:19Naharap ko ito eh.
21:21Para kayo lahuladan.
21:23Hindi ko na ho alam,
21:24hindi ko na itindihan
21:25kung ano nungyayari
21:26sa kanya.
21:27Makasiguro kayong
21:28gagawin namin
21:28ng lahat para sa kanya.
21:31Wala ka ba talaga
21:31nakita?
21:32Wala ka narinig?
21:35May kumagalan
21:36na verbalang
21:37dito sa atin.
21:45Ang mga nangangambang
21:46puso't isip,
21:48ginagamit nila
21:48ng demonyo
21:49para kumapit
21:50sa kaluluwa ng tao.
21:52Alam mo,
21:53kung sino yung dapat
21:54mong ipagdasal
21:54na hindi mo makita?
21:56Si Pochong.
22:02Kumakain ng patay,
22:04may mata ng pusa,
22:05may paktak ng panguke,
22:07lumalakas kapag
22:08kapag kapilugan
22:08ng buwan.
22:12Pag-iingat ka
22:13sa mga susunod
22:13ko sasabihin.
22:18Do you know about
22:20the Pochong?
22:21Please repent
22:22from talking
22:23na po, Pochong.
22:25Ito baka patrakid
22:26sa atensyon.
22:28Mother X,
22:29yan po bang
22:30pinakamatinding sanig
22:31na naharap ninyo?
22:32Hindi ako titig
22:37hanggang hindi
22:38ako makapalingil.
22:40Hindi tayo papatalo.
22:42Nakampilati ng Diyos.
22:44Huwag sumang makita
22:45sa atin!
22:46Ha?
22:47Manosunod ang kalulungan mo,
22:49silpilar mo!
22:51Papatawad sa Diyos,
22:52alatang lumalamin
22:52sa katya!
22:54Huwag!
22:54Ito po si Jessica Soho
23:07at ito
23:09ang Gabi
23:10ng Laging.
23:11Thank you for watching
23:23mga kapuso!
23:25Kung nagustuhan niyo po
23:26ang videong ito,
23:27subscribe na
23:28sa GMA Public Affairs
23:30YouTube channel
23:31and don't forget
23:32to hit the bell button
23:34for our latest updates.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended