Skip to playerSkip to main content
Pinakakasuhan ng plunder at iba pang asunto si dating senador Bong Revilla ng ICI dahil sa alegasyong hinatiran siya ng pera ni ex-DPWH Usec. Roberto Bernardo. 9 iba pa ang pinakakasuhan. Sagot ni Revilla, handa siyang sagutin ang mga paratang kapag binigyan ng pagkakataon ng Ombudsman... bagay na 'di umano ginawa ng ICI. Pinaiimbestigahan din ng ICI sina Sen. Chiz Escudero, Sen. Mark Villar at sina dating senadora Grace Poe at Nancy Binay para sa case buildup.


Sa gitna niya, hindi lang mga palyadong proyekto kontra baha ang pinuna ng COA sa 2024 Audit Report nito sa DPWH. Meron din umanong mga accomplishment reports na pineke dahil 'di naman talaga natapos ang mga proyekto at may mga hindi siningil ng penalty kahit delayed ang mga proyekto. Hinimay rin ng GMA Integrated News ang tinatawag na "allocable funds" sa National Budget na tinawag ni Sen. Ping Lacson na bagong anyo ng pork barrel.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagandang gabi po, Luzon, Visayas at Mingdanao.
00:10Pinakakasuhan ng plunder at iba pang asunto si dating Sen. Bong Revilla ng ICC o ng ICI
00:19dahil sa aligasyong hinatiran siya ng pera na isang dating Public Works Undersecretary.
00:24Sagot ni Revilla, handa siyang sagutin ang mga paratang kapag binigyan ng pagkakataon ng ombudsman.
00:30Bagay na, hindi umunog ginawa ng ICI.
00:33Pinayimbestigahan din ng ICI sina Sen. Cheese Escudero, Sen. Mark Villar
00:38at sina dating Sen. Grace Poe at Nancy Binay para sa case build-up.
00:43Nag-resign naman sa komisyon si ICI Commissioner Rogelio Singzon.
00:48At nakatutok si Joseph Moro.
00:50Si dating Sen. Bong Revilla, ang pinakamalaking pangalan sa ikawalong referral
00:58sa ombudsman ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
01:03Ang rekomendasyon ng ICI, kasuhan siya at siyam na iba pa ng plunder,
01:08direct o indirect bribery at corruption of public officials.
01:11Ang kakustisya ay strikto.
01:14Ilan sa mga pinagbasehan ng rekomendasyon ng ICI ay yung mga sinumpaang salaysay
01:20ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na isinumitin niya sa komisyon.
01:26Sa pagharap niya noon sa Senado, sinabi ni Bernardo na personal siya naghatid ng kahong-kahong pera
01:31kay Revilla sa bahay nito sa Cavite noong 2024.
01:35125 milyon pesos daw ang kanyang dinala noon.
01:39Iba pa raw ito sa 250 milyon pesos na hinatid rin daw niya sa bahay ni Revilla
01:43bago magsimula ang kampanya para sa 2025 elections.
01:48Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalitan ni Revilla na kahit handang humarap sa ICI,
01:52hindi raw binigyan si Revilla ng pagkakataong magsalita para depensahan ang sarili.
01:57Ang mga nagdawit daw sa pangalan ni Revilla ay kasama sa mga bumuo at nagpatakbo ng sindikato
02:04at siya raw na kinabang sa bilyong-bilyong pisong pondo.
02:07Handa raw siyang saguti ng mga paratang oras na mabigyan ng pagkakataon ng ombudsman.
02:13Bukod kay Revilla, pinakakasuhan din ang ICI sa ombudsman
02:17ang mga binanggit ni Bernardo na mga tauhan at kaibigan ng ilang kasalukuyan at dating senador.
02:23Kabilang dyan ang kaibigan at campaign donor ni Sen. Chisa Scudero na si Maynard Ngu,
02:29pinsan ni Sen. Mark Villar na si Carlo Aguilar,
02:32e di dating Sen. Nancy Binay na si Carline Nyap Villar,
02:35staff di dating Sen. Grace Po na si J.Y. De La Rosa at isang Mrs. Patron.
02:41Dawit din ang mga opisyal ng DPWH na si Naming Maropa Regional Director Gene Ryan Altea,
02:46NCR Regional Director Gerard Opulencia at District Engineers Manny Bulusa na Truel Umali.
02:52Why did we give weight on the fee david of Joseph Bernardo?
02:58Well, I see sincerity on this part.
03:05Wala mang inerekamendang kaso, pinaiimbestigahan naman ang ICI sa ombudsman
03:10para sa case build-up si na Escudero, Villar, Binay at Po.
03:14Sa salaysay ni Bernardo, sinabi niya naghatid siya ng kabuang 280 milyon pesos para kay Escudero
03:20na inihatid niya sa building na pagmamayari ni Ngu.
03:24Si Villar naman, kumikbak umano sa mga pondo sa maintenance ng mga creek at iba pang daanan ng tubig,
03:30pati na raw ang pondo para sa EDSA.
03:32Ang komisyon, idinaan raw sa pinsan nitong si Carlo.
03:35Si Binay, aabot naman daw sa 15% ang diumanoy kickback na kinukubra raw ng aid nitong si Yaf Villa.
03:42Si Po humiling daw ng mga proyekto kay Bunuan sa pamamagitan ng kanyang staff na si Dolorosa
03:48at nakakuha raw ng 20% na kickback na kinulekta raw ng isang misis patroon.
03:54Sabi ngayon, ipo ang rekomendasyon ng ICI ay patunay na walang katotohanan ang mga bintang ni Bernardo
04:00at walang ebidensyang susuporta sa paghahain ng kaso laban sa kanya.
04:05Sinisika pa namin makuha ang pahayag ni na Escudero, Villar at Binay
04:09pero dati nilang itinanggi ang mga paratang ni Bernardo.
04:13Nagsumite naman ang dagdag na ebidensya ang ICI sa Ombudsman
04:17laban kina dating Akobical Representative Saldico, dating DPWH Secretary Manuel Bunuan,
04:23dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, Bernardo, COA Commissioner Mario Lipana, Alcantara, Hernandez at Mendoza.
04:32Sa gitna nito, inanunsyo naman ni Justice Reyes na nag-resign na si ICI Commissioner
04:37at dating DPWH Secretary Rogelio Singson, efektibo December 15
04:41pero posible namang hanggang December 31 pa siya manatili sa komisyon.
04:46He mentioned the very intense and stressful ICI work has taken its toll on this aging body.
04:54Kinihingan pa namin ang pahayag ang 77 years old na si Singson.
04:58Ayon kay Reyes, hindi naman raw maapektuhan ang pag-re-resign ni Singson
05:02ang trabaho ng ICI at depende sa Pangulo kong tatanggapin pa.
05:06We can continue investigative work on a table basis, not hearing basis.
05:13Umupo pa si Singson kanina sa hearing ng ICI kung saan humarap si Napasigloan District Representative Roman Romulo
05:20at Bulacan First District Representative Danilo Domingo.
05:24Pero humingi sila ng executive session sa ICI kaya hindi ni-livestream ang kanilang testimonya.
05:30Kapwa sila idinawit ng mag-asawang diskaya na umalihumingi ng kickback bagay na itinanggi ng dalawa.
05:36Sir, DPWH sa amin po yun. Hindi po yung staff ko.
05:40Things with them?
05:41Sila po ang DPWH sa Pasig po. Yes, hindi nila Pasig. Pasig, yung buong district.
05:47Authorized? No, I'd never authorized anyone.
05:49Authorized what?
05:50Yung tinatawang, di ba? Wala po, tabalang ganun.
05:53Sir, sabi ni Bryce, isa daw po kayo sa mga kong na nangyingi ng komisyon?
05:57Hindi po totoo yan at yun po ay pinatunayan ko sa investigasyong naganap na yun po ay walang katotohanan.
06:04Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
06:10Bagong uri ng pork barrel, ganyan tinawag ng isang senador ang allocable funds o termino para sa discretionary fund ng DPWH na naka-assign sa mga congressional district.
06:24Pero paano nga ba yan posibleng mabahiran ng katiwalian?
06:27Atin pong himayin sa pagtutok ni Sandra Aguinaldo.
06:32Substandard?
06:33Sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee at maging sa mga pagdinig kaugnay sa national budget, may salitang pirming na babanggit.
06:42On top of the allocable.
06:44Allocable.
06:44Allocable.
06:45Allocable.
06:46Nagkaroon nga ng biru-biruan na ang allocable ay pondong inaalok sa mga mambabatas.
06:53Parang ano yun? Inalok?
06:55Pero ano nga ba ang allocable funds?
06:59Paliwanag ng DPWH, ang allocable funds ay mga discretionary fund ng DPWH na naka-assign sa mga congressional district.
07:09Ipinipresenta ito sa mga mambabatas na pwedeng pumili ng proyekto mula sa isang menu mula sa mga district engineer.
07:17Ang siste, ipapasok na ang proyekto na nais na mga mambabatas sa National Expenditure Program o yung President's Budget na isusumite ng Malacanang sa Kongreso.
07:29Ibig sabihin, wala pa man sa Kongreso na kasuksok na sa President's Budget ang mga proyektong gusto ng mga mambabatas.
07:39Nauna ang pondo kahit wala pa man ang proyekto.
07:42Kaya sabi ni Sen. Panfilo Lacson, pwedeng mapasukan ng katiwalian.
07:46Dito sa allocable, ang sindikato dito DPWH at saka yung mambabatas.
07:53Totoo. Sila lang nag-uusap. Misan, ano na eh, nag-a-advance na. Allocable pa lang, NEP pa lang, may advance na yung contractor na 10%.
08:02Ibig sabihin, hindi pa nga naipapasa yung batas at hindi pa nag-deliberate sa both houses.
08:09Tukoy na nila kung sino ang contractor.
08:10Naintriga ang ilan sa paraan ng pagtukoy ng DPWH sa allocables.
08:17Hindi kasi pantay-pantay ang pondo ng mga distrito.
08:20Ayon sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism,
08:24mula 2023 hanggang 2025, pinakamalaki umano ang allocables na napunta
08:30kina Presidential Sun, Ilocos Norte, Representative Sandro Marcos
08:35at later Representative Ferdinand Martin Romualdez.
08:38Paliwanag noon ni DPWH Secretary Manuel Monoan, may formula umano silang sinusunod.
08:46Meron kami kasing the allocation, your honor, under the NEP,
08:52meron yung allocation formula that we have been using
08:55and this will determine actually what would be the allocable amount per legislative district po.
09:09Pero kung ano ang formula ito, tila iilan lang sa DPWH ang nakakaalam.
09:15Sir regarding allocable, department po ang formula ng district office.
09:22Again, again.
09:23Department po yung nagpo-formulate.
09:26In the district?
09:27Yes po.
09:28Sabi ni Laxon, dapat galing sa Regional Development Council
09:32ang mga panukala kung anong proyekto ang kailangan ng mga lokal na pamahalaan.
09:37Aniya, lalabas tuloy na ang allocable fund na nauso nitong 2022,
09:42ang bagong uri ng pork barrel,
09:45dahil tulad ng pork barrel, may say ang mga mambabatas kung saan ito ilalaan.
09:50Talagang di hamak na mas masama kasi yung dating pork, nung legal pa,
09:53nakalimit yung bawat senador, 200 million.
09:57Yung sa house naman, I think 70 million.
10:01Lalong napasama kasi unconstitutional, nawala na ng ceiling.
10:05Kasi piguusapan na natin dito, 10 billion, 14 billion, 5 billion.
10:11Sa 2026 budget, sinasabing meron pa rin allocable na ayon kay Senadora Loren Legarda ay nasa 400 billion pesos.
10:23Sinabi naman ni DPWH Secretary Vince Dizon na titiyakin niyang wala ng allocables sa 2027 budget.
10:32Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
10:37Hindi lang mga palyadong proyekto kontrabaha ang pinunah ng COA sa 2024 audit report nito sa DPWH.
10:45Meron din umanong mga accomplishment report na pineke dahil hindi naman talaga natapos ang mga proyekto.
10:53At may mga hindi siningil ng penalty kahit delayed ang mga proyekto.
10:58Nakatutok si Maki Pulido.
10:59May mga proyektong palyado, pineking accomplishment reports, at hindi paniningil ng penalties sa contractors.
11:10Ito ang findings ng Commission on Audit sa pinakahuling audit report nito sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways para sa taong 2024.
11:19Hindi lamang para sa mga flood control projects, kundi pati sa ibang uri ng istruktura gaya ng kalsada, school buildings, tulay at iba pa.
11:27Sa 747 infrastructure projects ng DPWH, nakita ng COA na hindi nasunod ang mga probisyon sa kontrata dahil kulang sa pangangasiwa at pagbabantay.
11:38Ang kabuang halaga ng mga proyektong ito, nasa halos 6.5 billion pesos.
11:43Pinunan ng COA ang mga structural defect gaya ng cracks, paggamit ng substandard na materyales, at iba pa.
11:49Sa mga locally funded projects tulad ng mga farm-to-market road at school building, nakita ng COA na hindi na ipatupad o hindi maayos ang pagpapatupad ng mahigit 2,500 projects na may kabuang halaga ng mahigit 138 billion pesos.
12:06Sabi nito, dahil sa mga technical defects at deficiencies ng mga proyektong ito, maaaring makompromiso ang kaligtasan ng publiko.
12:14Kung hindi raw ito agad kukumpunihin, maaaring mas masira kaya masasayang ang pondo ng bayan.
12:20Pinunan rin sa COA report ang mga peking accomplishment reports sa DPWH Region 4B, 6, 10 at Cordillera Administrative Region.
12:30May nakitang halos 2 billion pesos na halaga ng mga proyekto na'y dineklara ng 100% completed, kahit na hindi pa ito tapos o kaya ay may depekto ang proyekto.
12:41Sa kabila nito, nabayaran ng buo ang kontraktor ng 48 proyekto ng mahigit 2 billion piso.
12:48Naka-highlight din sa report ng COA ang mahigit 1.5 billion pesos na advance sa mga kontraktor, na hindi na nabawi kahit kumpleto na ang proyekto, tinapos o tatapusin na ang kontrata.
12:59Sa ilalim ng batas, kung bigo ang supplier na ipatupad kung ano ang nasa kontrata, sa kabila ng time extension, maaaring na itong patawan ng penalty.
13:08Pero nakita ng COA na marami sa mga kontraktor ng DPWH projects ang hindi rin pinatawan ng liquidated damages,
13:16kahit lagpas na sa isang libong araw ang delay.
13:20Ang iba naman, mas mababa pa ang penalty sa dapat na halagang siningil sa supplier o kontraktor.
13:26Sa tugon ng DPWH, sinabi nitong may 450 billion pesos para sa halos 11,000 na infrastructure projects
13:34na hindi pinanukala ng DPWH at sumulput na lang sa General Appropriations Act pagdaan sa Kongreso.
13:41Ito raw ang dahilan kung bakit limitado ang kanilang kahandaan para ipatupad ang mga proyekto.
13:48Sinisikap pa namin kunan ng pahayag si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan
13:52ang nakaupong kalihin noong panahong sakop ng COA Audit Report.
13:56Para naman kay kasalukuyang DPWH Secretary Vince Disson,
14:00kailangan talagang maayos ang budget process at matiyak na may plano
14:04at kailangan ng proyekto bago ito paglaanan ng budget.
14:07Yun talaga ang punot dulo nun eh. Kung magiging stricto tayo na kailangan ang mga project
14:13para mapondohan ito sa budget, e kailangan kasama sa mga plano ng mga probinsya, ng mga region,
14:21kailangan ng mga proyekto, kailangan yan ng masusing mga pag-aaral.
14:25Yun ang magiging solusyon para hindi na maulit yung nakita natin.
14:29Para sa GMA Integrated News, Makipulido Nakatutok 24 Oras.
14:33Mahigit 58,000 magsasaka ang nakatanggap ng cash assistance pero napag-alamang hindi kwalifikado.
14:42Batay sa 2024 Annual Audit Report ng Commission on Audit sa Department of Agriculture,
14:47hindi sila kwalifikado sa Rice Farmers Financial Assistance dahil hindi sila reyestrado sa programa,
14:53kulang sa dokumento o hindi naman talaga magsasaka.
14:57Meron din naman ng farmer beneficiaries na namatay na inactive o hindi kabilang sa master list ng mga kwalifikado.
15:05Sa kabila niyan, nakatanggap sila ng 5,000 pisong ayuda.
15:08Ang iba nga, dobling cash assistance ang natanggap.
15:11Habang ang mahigit 48 magsasaka naman,
15:14hindi nakatanggap ng cash assistance kakit kwalifikado
15:17dahil sa kakulangan sa koordinasyon at field validation.
15:21Sub indo by broth3rmax
Be the first to comment
Add your comment

Recommended