- 3 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Nagbitiw bilang mambabatas si Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sabay sa deadline ng Kamara ngayong araw para umuwi siya ng Pilipinas. Dahil aniya 'yan sa banta sa kanyang buhay at pamilya. Pero tuloy ang reklamo laban kay Co sa Kamara kahit pa nag-resign na.
Sabi ni House Speaker Bojie Dy, tinanggap na niya ang resignation ni Co pero pag uusapan pa ng Kamara kung ano ang magiging susunod na hakbang o proseso at kung idaraan pa ito sa manipestasyon ng plenaryo.
Itinuro naman ni Sen. Chiz Escudero si dating house speaker Martin Romualdez na nasa likod ng umano'y scripted na imbestigasyon sa flood-control projects. Si Romualdez, tinawag na script ng DDS ang pahayag ni Escudero.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Sabi ni House Speaker Bojie Dy, tinanggap na niya ang resignation ni Co pero pag uusapan pa ng Kamara kung ano ang magiging susunod na hakbang o proseso at kung idaraan pa ito sa manipestasyon ng plenaryo.
Itinuro naman ni Sen. Chiz Escudero si dating house speaker Martin Romualdez na nasa likod ng umano'y scripted na imbestigasyon sa flood-control projects. Si Romualdez, tinawag na script ng DDS ang pahayag ni Escudero.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Good morning, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:09Nagbitiw bilang mambabata si ako Bicol Partylist Representative Zaldico
00:14sabay sa deadline ng Kamara ngayong araw para umuwi siya ng Pilipinas
00:19dahil anya yan sa banta sa kanyang buhay at pamilya.
00:23Pero tuloy ang reklamo laban kay Ko sa Kamara kahit pa nag-resay na.
00:27Humiling na rin ang DOJ ng Blue Notice mula sa Interpol
00:31para matukoy kung nasaan si Ko.
00:33Nakatutok live si Sandra Aguinaldo.
00:36Sandra!
00:39Vicky Emil, nagbitiw na nga bilang kongresista itong si Congressman Zaldico
00:45pero ayaw na rin sa ilan sa kanyang mga kasamahan dito
00:48hindi man siya humarap sa Ethics Committee
00:51ay hindi pa rin niya basta-basta maiiwasan ang mga kaso laban sa kanya.
00:57Ngayong araw ang deadline na ibinigay ng Kamara para magbalikbansa
01:03si ako Bicol Partylist Representative Zaldico
01:07sa gitna na investigasyon kaugday sa mga anomalya sa flood control projects.
01:12Pero sa halip na magpakita sa Kamara si Ko
01:14isinumite kaninang hapon ang kanyang resignation letter bilang miyembro ng Kamara
01:19naka-address ito kay Speaker Faustino D. III
01:23at sa Committee on Ethics and Privileges.
01:26Sabi ni Ko, effective immediately ang kanyang irrevocable resignation
01:30dahil saan niya ay mga banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.
01:35Binanggit din niya nga muna'y pagkakait umano ng due process sa kanya.
01:39Ang Ako Bicol Partylist daw ang pipini ng kanyang magiging kapali.
01:42Ayon kay Ko, ipatatanggal na rin daw niya ang kanyang gamit sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa.
01:48Matatandaang noong Hulyo pa naka-medical leave si Ko
01:51sa gitna ng kontrobersya sa mga flood control projects.
01:55Si Ko, ang dating chairman ng makapangyarihang House Committee on Appropriations
01:59na nagbalakas sa 2025 national budget na nabahira ng issue ng budget insertions.
02:06Nagtungo ng Amerika si Ko para magpagamot pero binawi kamakailan ni Speaker D ang kanyang travel authority.
02:13Sa pinakahuling impormasyon ay wala na sa Amerika's Ko na sinasabing nasa bansang Spain ngayon.
02:19Sa kanyang sulat, sinagot din ni Ko ang ethics complaint na isinampalaban sa kanya ni Rep. Toby Tiangco.
02:26Aniya, walang basihan ng oksasyon ni Tiangco na siya ang mastermind
02:30at nagpahintulot ng last-minute insertion at realignment sa 2025 General Appropriations Act o GAA.
02:39Lahat daw ng items sa 2025 GAA at may Cameral Report
02:43ay inaprobahan sa plenary sessions at sumunod sa proseso ng Kongreso.
02:48Improbable o malabo daw kung hindi man imposible na siya lang mag-isa
02:53ang naglagay ng mga naturang insertion nang walang approval ng Senado at Kamara.
02:58Kalaunan, pinirmahan daw ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
03:04na nangangahulugan umanong na suro ito ng mabuti ng Pangulo.
03:08Mainam daw nahintayin na lang ng Ethics Committee
03:11ang desisyon ng Supreme Court at ombudsman sa mga kaso o kaugnay nito.
03:16Iginit ni Ko na bumiyahin siya dahil sa dahilang medikal
03:19at wala naman daw requirement na magsabit siya ng medical certificate.
03:24Hindi rin daw totoo ang paratang ni Tiyanko na dinidisplay nila ng kanyang pamilya
03:29ang kanilang maggarbong pamumuhay.
03:32Itinanggi rin ni Ko na kumita siya bilang kongresista mula sa mga proyekto
03:36ng San West Inc. na dati niyang pag-aari.
03:40Sasagutin daw niya ang mga wala o manong basehang akusasyon
03:43sa tamang panahon at forum.
03:45Sagot naman ni Tiyanko sa pagre-resign ni Ko,
03:48hindi pa rin ito makaliligtas sa mga kaso.
03:52Pag-iwas yun sa mas marami pang tanong sa Ethics Committee.
03:57Kahit naman mag-resign siya, hindi naman siya makakaiwan.
04:00Wala pang pahayag sa ngayon si Speaker Faustino D.
04:03Bagong mag-resign si Ko, sinabi ng Ethics Committee ngayong araw
04:06na magsasagawa sila ng hearing kaugnay sa reklamo ni Ko.
04:10Hindi pa maliraw sa ngayon kung ano ang susunod na hakbang ng kumite.
04:14Kinakailangan niya umuwi at harapin ito.
04:16Mahalaga yung kanyang sasabihin para ipaliwanag
04:18ano ba talaga ang nangyari at sino ba dapat ang managot
04:21at bigyan ng parusa.
04:22Ayon na rin kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia,
04:26tuloy pa rin ang mga kaso laban kay Ko.
04:28Humiling na rin ang DOJ ng Blue Notice mula sa Interpol
04:32para kumalat ng karagdagang impormasyon
04:34ukol sa aktibidad at lokasyon ni Ko.
04:38I don't expect him to come home.
04:39I mean, the way that everything is right now,
04:43I don't think he will just go home.
05:09Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
05:13Pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa Ombudsman,
05:19si dating Congressman Zaldico,
05:21kaugnay sa maanumalyang proyekto sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
05:25Dawit din dyan ang labimpitong iba na karamihan ay opisyal ng DPWH.
05:31Nakatutok si Jonathan Andal.
05:32Kumpleto ang tatlong miyembro ng ICI o Independent Commission for Infrastructure
05:41nang ipasa sa Ombudsman ang mga inirekomenda nilang sampahan ng reklamo.
05:46Una sa listahan ng kareresign lang na kongresista na si Zaldico
05:50na itinuturong mastermind sa korupsyon sa mga flood control project.
05:54Posible pong magsampa ng kaso paglabag ng Anti-Corrupt and Corrupt Practices Act
06:05sa Procurement Law po sa violation ng Revised Penal Code
06:11specifically sa provision ng malversation and falsification.
06:17And of course, isa po dito ay yung paglabag sa Code of Conduct of Public Officers and Employees.
06:27Kabilang sa basihan ng rekomendasyon,
06:29ang flood control project sa Nauhan, Oriental, Mindoro
06:32na ginawa ng Sunwest Incorporated, dating pag-aari, NICO.
06:36Ginamitan kasi yan ng substandard na materyales,
06:39particular ng sheet pile o bakal,
06:41na tatlong metro lang umano ang haba imbes na labing dalawang metro.
06:45Kaya nalugi ang gobyerno ng 63 milyong piso.
06:49Kulang-kulang din umano ang dokumentong ibinigay ng Sunwest ng bayaran ng DPWH.
06:54Tulad ng mga madilim na literato para ipakita ang usad ng konstruksyon.
06:59Pare-pareho lang umano ang mga literatong ginamit sa magkaibang progress billing
07:02na ginawang batayan sa pagbayad sa Sunwest.
07:05May mga posible rin umanong pinekeng sertifikasyon ng ilang opisyal ng DPWH
07:10na posible umanong nakipagsabuatan sa mga opisyal ng Sunwest
07:14para mailusot ang bayad sa proyekto.
07:17Bukod kay ko, inirekomenda rin ng ICI na kasuhan ng ombudsman si Engineer Gerald Pakanan,
07:23dating Regional Director ng DPWH Mimaropa na nakakasakop sa Oriental Mindoro,
07:28pati ng dalawang Regional Directors doon na si Gene Ryan Altea at Ruben Santos Jr.
07:33at siyam na iba pang opisyal ng DPWH.
07:36Damay din sa rekomendasyon ng ICI si Aderma Anjili Alcazar,
07:41ang Presidente at Chairman of the Board of Directors ng Sunwest,
07:44pati na ang apat na miyembro ng Board of Directors nito.
07:47Ang ICI nga, gaya po sa parating sinasabi, ay nagbabasi po sa ebidensya.
07:53The stronger the evidence we have, the more complete our evidence we have,
07:58that's the time that we will file our recommendation to ombudsman.
08:02Hindi po kami, hindi po basta-basta kaming nagre-rely o umaasa sa mga single testimony
08:10o sa isang affidavit po lamang.
08:12Sabi ng ICI, ipapatawag nila si Ko at ang iba pang posibleng sangkot.
08:17Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang mga inirekomenda ng ICI na kasuhan ng ombudsman.
08:23Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
08:28Iniimbestigahan ang PNP ang umunoy pagre-recruit at pagbabayad ng 3,000 piso
08:32sa ilang kabataan para manggulo noong September 21.
08:37Panawag naman ng isang grupo, imbestigahan ng mga polis at panagutin dahil sa marakas na pag-aresto.
08:44Nakatutok si June Veneration.
08:50Sa araw mismo ng gulo sa Maynila, kasabay o kasulod ng mga protesta noong September 21.
08:58Nagkabigayan umuno ng pera sa mga nanggulo, base sa imbestigasyon ng PNP.
09:02Ang mga kabataan na ito ay online na narecruit sila ng isang organized group.
09:07Ito po ay patuloy na iniimbestigahan.
09:09Nabilikan sila ng 3,000 HP.
09:12Patuloy na iniimbestigahan ng PNP kung sino ang nasa likod ng recruitment.
09:17Galon din ang mga video online na nagpapakitang nagkabigayan ng pera.
09:21Marami pong lumalabas ng mga video o vloggers na lumalabas.
09:25May mga sinasabog sila na pera na di umano.
09:27Ito ay galing naman sa SOGO mismo.
09:28At mayroon naman nakiklaim na sinasabi na ito ay binigay ng 3,000 during the day po.
09:34Wala silang ibang pinaprotektahan.
09:37Pero para sa mga militanteng nagrally sa harap ng kamkrami,
09:40ang mga polis ang dapat imbestigahan at palagutin sa marhas umunong pag-aresto sa mga nagprotesta noong September 21.
09:47Aligasyon nila, may isang nasawi sa pagpaputok ng baril mula sa hanay ng pulisya.
09:57Bukod pa umano ito sa isang biktimang nasawi sa pananaksak noong araw na iyon.
10:01Biktima nga dito si Eric Saber na isang construction worker no walang kinalaman sa rally.
10:08Uuwi lang galing sa trabaho.
10:11Siya po ang naging isang casualty sa pamamaril ng kapulisan.
10:14Sabi nila na nagpaputok daw ang Pilipino, ang member ng PNP, kasama din yan yung bumamit ang Tegas.
10:20Pero lahat lang po yan ay wala pong katotohanan.
10:24Para sa GMA Integrated News, June Vanalasyon na Katutok, 24 Horas.
10:30Ipinalit ng Pangulo si dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong
10:37sa komisyong nag-iimbestiga sa mga flood control project.
10:40Nag-resign si Magalong dahil nalabuan umano sa posisyon dahil advisor lang siya at hindi investigator.
10:49Ang paliwanag ng palasyo sa pagtutok ni Ivan Mayrina.
10:52Si dating PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.
10:59ang bagong special advisor at investigator ng Independent Commission for Infrastructure or ICI
11:05kapalit na nagbitiyo na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
11:08Nagpasalamat ang palasyo sa tulong ni Magalong sa komisyon
11:11na mahalagaan nila sa kampanya nito laban sa korupsyon sa mga infrastructure project.
11:16Ayos sa Pangulo, welcome pa rin ang anumang may tutulong ni Magalong kahit hindi na bahagi ng ICI.
11:21Ginagalang po ng Pangulo ang naging desisyon po ni Mayor Magalong.
11:27Kinikilala naman po ng ating Pangulo ang kagalingan ni Mayor Magalong.
11:32Pero si Mayor Benjamin Magalong nalalabuan.
11:35Shinare niya mga kumakalat na pakahayag ni Palace Press Officer Claire Castro.
11:39Sa unang anunsyo kasi, special advisor at investigator ang posisyon niya.
11:44Special advisor and who will act as investigator for the ICI.
11:49Pero kalaunan,
11:50Liliwanagin po natin ang pagtalaga po sa kanya ng Pangulo ay bilang special advisor
11:55at hindi po lead investigator or in any other form na pag-iimbestigahin.
12:02Hirit ni Magalong, kung ganito ang clarity, baka next month, kayo nang humusga.
12:08Pero si Castro nanindigang itinuwid na ng Pangulo ang naunang anunsyo
12:11dahil hindi nagbiti si Magalong bilang Baguio City Mayor.
12:14Noong hindi po nag-resign si Mayor Magalong bilang mayor,
12:22sinabi po ng Pangulo na ang kanyang magiging papel ay special advisor.
12:27He refused to resign as mayor of Baguio.
12:33So with that, nakita po ng Pangulo ang maaaring maging conflict.
12:38Sa kanyang pahayag noong biyernes, sinabi ni Castro na ipinag-utos ang Pangulo
12:42ang pag-review sa pananatili ni Magalong sa ICI
12:45dahil sa punan ng ilan sa posibleng paglabag sa konstitusyon
12:48at gayon din ang duda sa kanyang independence bilang bahagi ng ICI.
12:53Pero giti Magalong, walang conflict of interest sa kanyang papel sa ICI
12:57at pagiging mayor, kaya siya nagbitiw.
13:00Para sa GMA Integrated News,
13:02Para hindi magamit sa pamumulitika,
13:09mananatiling pribado ang mga pagdinig
13:11ng Independent Commission for Infrastructure
13:14ayon sa Executive Director nito.
13:17Tiniyak din ang komisyon
13:18na hindi nadodoble ang kanilang imbestigasyon
13:21ang pagsasasasat ng Justice Department.
13:26Nakatutok si Joseph Moro.
13:32Balik Independent Commission for Infrastructure o ICI
13:35sinadating DPWH Bulacan 1st District Engineer Bryce Hernandez
13:39at JP Mendoza.
13:41Ikatlong beses na silang ipinatawag ng ICI.
13:44Tikom ang bibig ng dalawa
13:45pero buong hapon silang kinausap ng ICI.
13:49Dumating rin si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia
13:52para makapagpulong sa ICI.
13:54Simula noong September 19
13:56na magsagawa ng pagdinig ang ICI,
13:58bawal ang media sa loob.
13:59Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka
14:03mananatili raw pribado
14:04ang mga pagdinig ng ICI.
14:07Ito ay sa harap ng mga panawagan
14:09na gawing publiko ang mga pagdinig.
14:11We don't want the commission to be used
14:13for any political agenda or leverage.
14:16Kaya nag-iingat po kami.
14:18Lahat po ng mga binibigay po ng mga informasyon
14:20ay kailangan po namin i-verify
14:21at in fact kailangan po makolaborate.
14:24Ayon sa Independent Commission for Infrastructure o ICI
14:27ay hindi nila nadodoble ang trabaho ng DOJ
14:30sa pag-iimbestiga at paghahain ng reklamo.
14:33I think complimentary.
14:35Nakita naman po ninyo kanina ni CSOJ
14:37na pumunta dito kanina
14:38at nag-submit ng mga affidavit.
14:43And for us, that's very important.
14:44Close coordination with the government agencies,
14:48whether legislative or investigative,
14:51is very valuable for us
14:53because the more information that we get,
14:56the more basis we will have
14:57to file cases against those
14:59who's responsible for this mess.
15:01Ayon kay Rimulya,
15:02maaaring idiretsyo ng ICI
15:04ang mga reklamo nila sa ombudsman
15:06kung sangkot ang mga opisyal ng gobyerno
15:09at sa DOJ.
15:10Walang conflict,
15:11pero mostly with the ombudsman yan
15:12kasi syempre,
15:14there's always a working between government,
15:16a government person
15:17behind every transaction and every case.
15:21Pero kailan ba makakakita ang publiko
15:24na may makakasuhan at malilitis
15:26sa Sandigan Bayan?
15:27Everything is due process.
15:29Siyempre naiinip tayo
15:30pero sinasabi ko nga,
15:31proseso lahat yan.
15:33I mean,
15:34paano kami nakapag-file ng kaso
15:35kayo atong ang tatlong taon
15:36nang inintay namin.
15:38After one year,
15:39may nakuha kami mga tips.
15:41Sir, this one will take three years?
15:43Hindi naman, hindi naman.
15:44Mas matindi yun eh.
15:45Para sa GMA Integrated News,
15:47Joseph Morong,
15:48nakatutok 24 oras.
15:51Itinuro ni Sen. Cheese Escudero
15:53si dating House Speaker Martin Romualdez
15:55na nasa likod ng umunoy
15:57scripted na investigasyon
15:59sa mga flood control project.
16:01Sabi pa ni Escudero,
16:03ginamit ng kongresista
16:04ang national budget
16:05para itulak ang impeachment
16:07ni Vice President Sara Duterte.
16:10Tinawag naman ni Romualdez
16:11na script ng DDS
16:13ang mga pahayag ni Escudero
16:15na malinawa niyang isinusulong
16:17ang personal na ambisyon.
16:18Nakatutok live
16:20si Mav Gonzales.
16:21Mav!
16:25Vicky, tumayo kanina
16:26ang ilang minority senators
16:28para umalma
16:29dun sa itinatakbo
16:30ng mga investigasyon
16:31sa flood control projects
16:32ang itinuro nila
16:33na scriptwriter o manunito
16:34si dating House Speaker
16:36Martin Romualdez.
16:37Tumayo sa sesyon kanina
16:43si Sen. Cheese Escudero
16:44para sabihin
16:45inililihis daw
16:46ang investigasyon
16:47sa flood control projects
16:49mula sa mga tunay
16:50na dapat tinutumbok nito.
16:51Isang tao lamang
16:53ginumpangulok
16:54ang nasa likod
16:56ng script
16:57at sarswelang ito.
16:58Sasabihin ko
16:59Martin Romualdez.
17:03Puna ni Escudero,
17:04mga pangalan ng senador
17:05ang binabanggit
17:06ng mga testigo
17:07sa Senate Blue Ribbon Committee
17:08pero nasaan-aniya
17:10ang mga kongresista.
17:11Klarong-klaro po
17:12ang script nito.
17:15Ipitin
17:15ang tatlong dating
17:16DPWH officials
17:18pakantahin sa kanila
17:20mema,
17:21memabanggit lang na senador
17:23habang pinagtatakpan
17:25ang mga congressman
17:26na tunay
17:27nakasabwat nila.
17:30Kapanipaniwala ba
17:31na wala silang kinausap
17:33na kahit isang
17:35kongres mang nakaupo
17:36na totoong may hawak
17:38ng mga distrito.
17:40Sinigundahan din ni Escudero
17:41ang pahayag
17:42ni Navotas Representative
17:43Toby Tshanko
17:44na ginamit
17:45ni dating House Speaker
17:46Martin Romualdez
17:47ang national budget
17:47para itulak
17:48o manunoon
17:49ang impeachment
17:50ni Vice President
17:51Sara Duterte.
17:52Sabi nila,
17:53pumirma kayo
17:54dahil kung hindi,
17:55hindi lalabas
17:56ang pondon
17:57nyo na naka-FLR
17:58bago mag-eleksyon.
18:00Subalit,
18:01ginong Pangulo,
18:01hindi ito umubra.
18:03Hindi ito umubra
18:04dahil tinanggihan ito
18:05ni PBBM.
18:07Sinabi niyang
18:08walang ganyang uri
18:09ng usapan
18:10at sinabi niyang
18:12hindi niya gagawin yun.
18:14Kaya't haga ngayon,
18:15nananatili pa rin
18:16for late release
18:17ang mga kwestiyonabling
18:19pondo nila.
18:20Puna pa ni Escudero.
18:22Nagkataon labagi
18:23noong Pangulo
18:24na ang mga nakaupong
18:25senador
18:26na dinidiinan
18:27sa ngayon
18:27bumoto kontra
18:29sa depektibong
18:30impeachment
18:30ni Vice President
18:32Duterte
18:33o talagang
18:34tinumbok lang kami.
18:36In other words,
18:37Mr. President,
18:39are we truly
18:40for transparency
18:41and accountability
18:42or are we merely
18:44offering a politically
18:45convenient
18:46sacrificial lamb
18:47in an attempt
18:48to appease
18:49the rage
18:49of the people?
18:51Kaya hiling niya,
18:52investigahan lahat
18:53ng nabanggit
18:53na personalidad,
18:55hindi yung pinagdidiskitahang
18:56mga senador lang.
18:57At dapat
18:58kasama dito
18:59si Martin Romualdez.
19:01Habang nagsasalita
19:02kanina si Escudero,
19:03ay nasa session hall
19:04si Vice President
19:05Sara Duterte
19:05at nakikinig.
19:07Sagot naman ni Romualdez,
19:08hindi expose,
19:09kundi isang
19:10DDS script
19:11ang talumpati
19:11ni Escudero.
19:13Imbes na magpaliwanag,
19:14nanisiraw ang senador.
19:15Malinaw raw na
19:16para ito isulong
19:17ang kanyang personal
19:18na ambisyon
19:19at pumosisyon
19:20bilang kaalyado
19:21ng Vice President
19:21sa 2028.
19:23Patuloy raw makikipagtulungan
19:24si Romualdez
19:25sa lahat ng patas
19:26na investigasyon.
19:27Hinihinga namin
19:28ng payang dito
19:29si Escudero.
19:30Sa gitna naman
19:31ng mga kwestiyon
19:31sa kundibilidad,
19:33ipinagtanggol ni
19:34Senador Rodante Marcoleta
19:35si Orly Guteza,
19:36ang testigong kanyang
19:37iniharap
19:38sa Senate Blue Ribbon Committee.
19:39Maski ang mag-asawang
19:40diskayang araw,
19:41itinuro na si Romualdez.
19:43Siya ang kauna-unahang
19:44nagbigay ng statement
19:46na kung saan
19:47binanggit ang labimpitong
19:48congressmen.
19:52Ngunit,
19:53nakakapagtaka.
19:55Hindi na po natin
19:55tinutuntun
19:56yung labimpito na yun.
19:58Kagaya na nga
19:58ang sinabi ng
19:59Senate President,
20:00napupunta na,
20:01natutuon na
20:02yung pagtuntun
20:02sa mga kasama natin dito.
20:05Bakit po?
20:07Natatakot ba tayo
20:08kay Martin Romualdez?
20:10Siguro po,
20:12yun iba sa inyo,
20:12natatakot.
20:13Question din ni Marcoleta
20:14kung bakit pagkatapos
20:16basahin ang kanilang
20:17affidavit sa Senado,
20:18ay hinahayaang
20:19dalhin agad
20:20sa Department of Justice
20:21ang mga testigo
20:22bago pa silang
20:23matanong ng mga senador.
20:24Tayo po ang merong
20:25legal and physical custody.
20:29Hindi ko maintindihan
20:30kung bakit dadalhin niya
20:31sa kanyang opisina
20:33at pagbalik niya,
20:34meron na siyang
20:35supplemental affidavit.
20:36Ano po ba itong
20:39nangyayari sa atin?
20:41Meron na ba tayong
20:41alituntunin?
20:42Meron na ba tayong
20:43agreement
20:43sa pagitan ng DOJ
20:45at ang paglilit,
20:47ang pag-imbestigan
20:48ginagawa natin
20:49sa Blue Ribbon Committee?
20:52Hindi ko na po
20:53maintindihan
20:54kung ang Blue Ribbon Committee
20:56is the investigative arm
20:58of the Department of Justice.
21:00Nasan na po
21:01ang separation of powers?
21:03Vicky, bago naman
21:08yung sesyon kanina
21:09ay nakipag-meeting
21:10si Vice President
21:10Sara Duterte
21:11sa ilang minority senators
21:13kabilang na si
21:14Escudero at Marcoleta.
21:15Vicky?
21:16Maraming salamat
21:17sa iyo,
21:17Mav Gonzalez.
21:19Aminado ang
21:20House Ethics Committee
21:21na nawala na sila
21:22ng jurisdiksyon
21:23sa pagbibitiyo
21:24ni ako,
21:24Bicol Partylist
21:25Representative Zaldi Ko.
21:27Pino na naman
21:28ng House Speaker
21:29ang dipagpapadala
21:30ng medical certificate
21:32ni Ko
21:32gayong medical
21:33ang dahilan
21:34ng kanyang leave.
21:36Nakatutok live
21:36si Marise Umali.
21:38Marise.
21:41Vicky,
21:42tinanggap na rao
21:43ni House Speaker
21:44Faustino D. III
21:46ang biglaang
21:47pagbibitiw
21:47ni Aco Bicol Partylist
21:49Representative Zaldi Ko.
21:51Ikinagulat daw
21:55ng pamunuan ng
21:56Kamara
21:56ang timing
21:57ng immediate
21:58and irrevocable
21:59resignation
22:00ni Ko
22:00sa mismong araw
22:01ng deadline
22:02na ibinigay nila
22:03sa kanya
22:03para humarap
22:04sa mababang kapulungan
22:05ng Kongreso
22:06at harapin
22:07ang mga
22:07aligasyon
22:08ng anomalyang
22:08ipinupukol
22:09sa kanya.
22:10Dahil sa pagbibitew,
22:11sabi ni House
22:12Ethics Committee
22:12Chairman J.C.
22:13Avalos,
22:14wala na raw
22:14kapangyarihan
22:15ang komite
22:16na ipagpatuloy
22:17ang investigasyon
22:18laban sa kanya.
22:19Ang DOJ
22:20o ang Independent
22:21Commission on
22:22Infrastructure
22:23o ICI na lamang
22:24ang maaaring kumilos
22:25ukol sa mga reklamo
22:26laban sa kanya.
22:28Ayon kay Speaker D.
22:29Bagamat inanggap na niya
22:30ang resignation ni Ko,
22:31pag-uusapan pa raw
22:32ng Kamara
22:33kung ano
22:33ang magiging
22:34susunod na hakbang
22:35o proseso
22:36at kung idaraan pa ito
22:37sa manifestation
22:39ng plenaryo.
22:40Pino na rin ni D
22:41na wala man lang
22:42ipinadala
22:43ang medical certificates
22:44si Ko
22:44kayong medical
22:45ang dahilan
22:46ng kanyang leave.
22:47Wala pa raw
22:47silang
22:48impormasyon
22:48kung nasa
22:49Pilipinas na si Ko
22:50pero base sa records
22:51ng immigration
22:52hindi pa ito
22:53nakikitang pumasok
22:54sa bansa.
22:55Narito po ang
22:56pahayag
22:56ni House Speaker D.
22:58Kaya
22:59ang tingin namin
23:01dito
23:01ay
23:02bahala na
23:04ang Department
23:05of Justice
23:06at ganoon din
23:07ang ICI
23:08kung anong
23:09pwede nilang
23:10ipataw
23:10pero kailangan
23:11talagang bumalik siya
23:12sa lahat ng
23:13parang na magawa.
23:14Dapat mapabalik siya
23:16at managutan siya
23:17sa mga issues
23:18laban
23:18kay congressman
23:19sa haldi ko.
23:25Vicky,
23:26sinabi naman
23:26ng camera
23:27na sa ngayon
23:27ang prioridad nila
23:28ay maipasa
23:30ang pambansang budget
23:31para sa 2026.
23:32Katunayan,
23:32hanggang sa mga
23:32sandaling ito
23:33ay nagpapatuloy pa rin
23:34ang plenary hearing
23:35para sa budget
23:36ang Department of Agriculture
23:38at nakatakda pang sumalang
23:39ang Department of Health
23:40at DPWH.
23:42Vicky?
23:43Maraming salamat sa iyo,
23:44Mariz Umali.
23:45Goal
23:50Goal
23:51in
23:51Goal
23:52And
23:52Facebook
23:52Is
23:53Will
23:53Goal
23:54Goal
24:02Goal
24:02Goal
Be the first to comment