Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Hi guys! Good morning guys!
00:03Good morning guys!
00:04Sa video na ito ng vlogger na si Emma Amit,
00:07magiliw niyang ipinapakita ang buhay sa tabing dagat sa Puerto Princesa, Palawan.
00:15Ang huling content na kanyang ipinost, kumakain sila ng mga lamang dagat.
00:20Pero ang kanyang sigla, hindi na muling masisilayan matapos siyang pumanaw
00:25dahil sa hinihinalang pagkain ng nakalalasong devil crab.
00:29Ayon sa kapitan ng barangay Luz Viminda,
00:31February 6 nang lutuin ni Emma ang mga alimangong nahuli ng kanyang asawa.
00:36Nakasalo pa umano nito sa pagkain ang kanyang kaibigan na dumalaw pero...
00:53Pero si Emma tuloy pa rin daw sa pagkain.
01:25I-diniklara na siyang death on arrival.
01:27Sabi ng barangay, isinugod din sa paggamutan ng kanyang kaibigan
01:32pero magaling na ito at nakauwi na ng bahay.
01:34Hindi naman ang piliyong ating gobyerno sa pagpaalala.
01:38Kaso lang ma'am dahil siguro na malibutan yung itsura
01:41ng devil crab na yun at nakita nila talagang
01:45napakampakang yung natural ng crab.
01:48Kaya siguro, ang pinahin sa ema.
01:51Kinumpirma ng kapitan na si Emma na ang ikatlong namatay sa kanilang barangay
01:55dahil sa pagkain ng devil crab.
01:57Ayon sa profesor ng UP Marine Science Institute,
02:01ang mga phytoplankton na kinakain ng devil crab
02:04ang nagiging sanhi kung bakit ito nakalalason.
02:07Mismong crab ay hindi gumagawa ng lason.
02:10Pero dahil may mga mikroorganismo na gumagawa ng lason
02:13na nakakain ng crab,
02:15ito ay pwedeng maipon doon sa mismong crab.
02:18Dahil madami yung microorganisms na gumagawa ng lason sa reef,
02:22mas madali itong maipasa doon sa mga crab
02:24na nakatira din sa mismong reef.
02:26Ang neurotoxin anya ang nadudulot ng mga sintomas
02:29tulad ng paralisis at depende anya sa dami ng toxin
02:33ang bilis ng epekto nito sa tao.
02:36Isang bagay yan na dapat tingnan ng before.
02:38Malaman sana kung saan madami at mataas
02:41yung toxin na available sa environment
02:44para mas mabigyan ng pansin kung
02:46hindi yung mga komunidad na dapat talagang pagbawalan.
02:48Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Mimaropa,
02:52nagbabala na hindi lahat ng makukulay na alimango
02:55ay ligtas kainin, bagkus ay nakamamatay.
02:58Kabilang dito ang Devil Reef Crab at Green Egg Crab.
03:02Ang mga itoan nila ay may mga lason
03:04na maaaring magdulot ng pamamanhid,
03:06pangihina at respiratory paralysis.
03:10Kahit lutuin at pakuluan,
03:12hindi a nila nawawala ang lason nito.
03:14Para sa GMA Integrated News,
03:16Von Aquino, Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended