00:00Sila ang walong co-perpetrators o kasabwat-umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Crimes Against Humanity
00:07na pinangalanan ng prosekusyon sa International Criminal Court.
00:11Si Senador at dating PNP Chief Bato de la Rosa, dating CIDG Deputy Director for Operations at kalaunay naging Acting
00:17PNP Chief Vicente Danao.
00:19Ang namaya pa ng dating PNP Chief na si Camilo Cascolan, dating PNP Chief Oscar Albayalde,
00:25Senador at dating Special Assistant to the President Bongo, dating NBI Director Dante Giran, dating PIDEA Chief Isidro Lapeña, at
00:33si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
00:36Bukod sa kanila, meron pang ibang miyembro ng PNP at mga matataas na opisyal ng gobyerno na hindi pinangalanan sa
00:42dokumento.
00:43Sinubukan namin silang kunan ng pahayag pero wala pa silang tugon sa ngayon.
00:47Kagabi lang isinapubliko ng ICC ang mga pangalan nila sa DCC o Document Containing Charges.
00:53Noon na kasingin nilabas ng ICC ang dokumento noong September, redacted o tinanggal ang mga pangalan nila.
00:59Pagsapit ng Nobyembre, sinabi niya ombudsman Jesus Crispin Rimulia, may warrant of arrest na laban kay Sen. Bato.
01:05Simula noon, hindi na pumasok sa Senado si de la Rosa.
01:08Sa ngayon, wala pang kumpirmadong warrant of arrest laban sa walong pangalan.
01:12Pero posible rin umano silang ma-aresto, sabi ng isa sa mga abogado ng mga biktima ng war on drugs.
01:18Sa ngayon, wala tayong alam. Pero pwede rin meron na, kaya nga nagtatago.
01:24Pero ang iintayin po natin ay signed issued warrant of arrest.
01:29Hindi na raw nagulat ang kampo ng mga biktima sa mga pangalang inilabas ng ICC na kasabot umano ni Duterte
01:34sa crimes against humanity.
01:36Ang napansin lang daw nila, Davao Boys ang karamihan sa mga ito.
01:40Ibig sabihin talaga, mahigpit na mahigpit ang koneksyon dun sa Davao Death Squad Killings na ipinaparatang from 2011 to 2016.
01:51Tapos in-implement nila nationwide from 2016 to 2019.
01:55Ito ay mga polis Davao na ibinato sa iba't ibang unit.
02:00Pinilit siguraduhin or in-insure na may impunity.
02:04Na hindi lang yung tagagawa ng krimen, ang Davao Boys, kundi yung dapat mag-iimbestiga ng krimen, e Davao Boy
02:14din.
02:14Kaya may NBI, meron pong PIDEA, merong Secretary of Justice.
02:19Naging Davao City Police Chief si Nadela Rosa, Danau at Lapeña.
02:23Mula naman sa Davao Regional Police Office si Kaskolan, habang si Giran, Davao Regional Director ng NBI.
02:30Si Go, Longtime Aid at Assistant ni Duterte.
02:33Mula pa noong nagsisilbito sa Davao City LGU.
02:36Batay sa document containing charges mula 2011 noong mayor ng Davao City si Duterte hanggang 2019 na presidente na ito,
02:43nagkaroon umano si Duterte at mga kasabot niya ng common plan o kasunduan
02:48para in-neutralize ang mga kriminal na sangkot sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagpatay.
02:54Noong mayor pa siya, ginamit raw ni Duterte ang mga pulis at ilang civilian hitmen o ang DDS o Davao
03:00Death Squad para pumatay.
03:02Nang maging pangulo, inappoint ni Duterte ang kanyang mga co-perpetrator mula Davao City sa mga high-level national position.
03:10Dito na itaguyod raw nila ang isang network na kasama na ang estado tulad ng law enforcement agencies
03:16gaya ng PNP, PIDEA, NBI at maging Bureau of Corrections.
03:20Pinagalaw raw ang mga ito tulad ng DDS.
03:23Sa February 23 na magsisimula ang naudlot noon na confirmation of charges ni Duterte sa ICC.
03:30Dito tutukuyin kung may sapat bang basihan para litisi na si Duterte.
03:34Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
Comments