Skip to playerSkip to main content
Ininspeksyon ng transportation department ang kahandaan ng Ninoy Aquino International Airport para sa dagsa ng mga pasahero ngayong Undas na inaasahang aabot sa mahigit isang milyong katao. Sinuyod naman ng MMDA ang mga kalsada malapit sa mga sementeryo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00In inspection ng Transportation Department ang kahandaan ng Ninoy Aquino International Airport para sa dagsa ng mga pasahero ngayong undas na inaasahang aabot sa mahigit isang milyong katao.
00:14Sinuyod naman ng MMDA ang mga kalsada malapit sa mga sementeryo.
00:18At nakatutok si Darlene Kai.
00:20Sinuri ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang kahandaan ng NIA Terminal 3 sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa paparating na undas.
00:32Kabilang sa sinilip ang bagong bukas na mezzanine food hall, gayon din ang mga check-in counter.
00:37Pati ang self-check-in kiosks na malapit na raw magamit ng mga pasahero, kung saan maaaring iproseso ng mga pasahero ang kanilang pag-check-in sa flight nang hindi na pumupunta sa counter.
00:47I-input lang nila ang booking information at isaskan ng passport at mapiprint na rito ang kanilang boarding pass at mga tag na ilalagay sa mga bagahe.
00:56Ito po yung sinasabi natin na gusto natin ng world-class facilities. Ginagawa na po ng NNIC yan.
01:03Pangako ng pribadong kumpanya na namamahala sa NIA, mas maginhawa ang biyahe ngayong darating na undas.
01:09Wala nang traffic ang kalye papunta sa airport. Number one, wala nang traffic ang departure and arrival curbside.
01:18Number three, mabilis ang check-in ng airline. On-time schedule ng mga flight. Better customer experience.
01:25Inaasahan daw ng pamunuan ng NIA na mas darag sa yung mga pasahero ngayon kung ikukumpara noong nakaraang undas.
01:31Pero nakahanda naman daw ang paliparan para rito.
01:331.35 million o 135,000 kada araw ang inaasahan nilang pasahero sa NIA mula October 27 hanggang November 5.
01:43Mas marami sa mga pasahero nito sa parehong panahon noong 2024. Sa kabila ng dami ng pasahero.
01:49Maluwag na maluwag na tayo ngayon. Improve ng gusto ang passenger experience.
01:53Dito natin makikita ang pakikipagtulungan ng mga airlines at other stakeholders.
02:00Sapat din umano ang kanilang mga upuan. Kamakailan lang ay nanawagan si Kapuso Actress Bianca Umali sa pamunuan ng NIA
02:07na maglagay ng dagdag na upuan sa NIA Terminal 3 para hindi na kailangan sa sahig umupuang mga pasahero.
02:14Nakakita nyo naman ang dami nating mga renovations na ginagawa.
02:18So magbabord up tayo sa ibang facilities. Kailangan i-adjust natin ang mga silya.
02:22So may raming mga upuan pero ugali talaga ng ating mga pinayon eh ng mga kasama natin.
02:28Kahit na nakikita naman nila na mayroon pang available seats sa mga malalapit na lugar,
02:33e talagang mas gusto nilang umuupo sila dun sa iba ba. Marami pa tayong mga upuan dito.
02:37Nauna nang nag-inspeksyon ng Transportation Department sa mga bus terminal.
02:41Tuloy-tuloy na ang pagbabantay hanggang undas.
02:44Sa mga susunod na araw naman po ay sa ating mga pantalan.
02:48Pero meron na tayong off-plan undas. Nakaredy ng LTO, LTFRB, lahat nating mga cost guard.
02:54Sa mga expressways na handang-handa na po kami.
02:57Ang MMDA naman, sinuyod ang palibot ng Manila North Cemetery at iba pangkansada sa Metro Manila bilang paghahanda sa undas.
03:05Pinaghahatak ang mga iligal na nakaparada tulad sa Blooming Treat.
03:09Sa Aurora Boulevard naman, kinumpis ka ang ilang lamesang nasa sidewalk.
03:14Kinausap din ang mga nakatira malapit sa Manila Chinese Cemetery.
03:17Dahil alam naman po natin, marami sa ating mga kababayan, definitely babiyahe po at dadagsa po ang mga tao sa mga bus terminals.
03:25Hindi lang po mga pampublikong transportasyon na terminal ang ikiklir po natin.
03:29Also yung mga ruta po natin from mabuhay lanes, alternate routes, and definitely yung mga kalsada na malapit po sa mga sementeryo.
03:36Mula mahigit 25,000 naman ay itinaas na sa 31,000 ang mga polis na magbabantay sa nasa 5,000 sementeryo sa buong bansa.
03:44Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended