Skip to playerSkip to main content
DALAGITA MULA PALAWAN NA NGINANGATNGAT AT KINAKAIN ANG KANILANG DINGDING AT TILA PATI ISIPAN AY INAANAY, KUMUSTA NA NGA BA MAKALIPAS ANG WALONG BUWAN?

Paalala: Sensitibong paksa. Maging disente rin sa pagkomento.

Ang sahig at dingding ng isang bahay mula Palawan, butas-butas! Pero hindi ito gawa ng anay o insekto o ng isang malakas at malaking tao kundi ang buto’t balat at 17-anyos na si “Aurora.”

Sa pagkakatampok ng kuwento ni Aurora sa #KMJS, bumuhos sa kanila ang mga tulong. Makalipas ang walong buwan, kumusta na nga ba siya ngayon?

Panoorin ang video.

Sa mga gustong magpahatid ng tulong sa kanilang pamilya, maaaring magdeposito sa:

LANDBANK PUERTO PRINCESA, PALAWAN

ACCOUNT NAME: MARIA LYN B. DIOCADES

ACCOUNT NUMBER: 0466 4461 30

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00What's the scene?
00:07Parang dinaanan ng bagyo ang bahay na ito.
00:12Nagkalat ang mga piraso ng tela.
00:16Ang sahig at sawaling dingding, butas-butas.
00:21Pero hindi ito gawa ng anay o insekto o ng malakas at malaking tao.
00:27Kundi ng isang butot-balat na.
00:51Siya, ang 17-anyos na si Aurora. Hindi niya tunay na pangalan.
00:57Kailangan daw itong gawin. Dahil anuman ang mahawakan ni Aurora, kinakain niya.
01:10Kahit saig, kakainin niya. Kahit dingding, kahit damit, kahit kumot, kahit kulambu, ngat-ngat kahing ngat-ngat.
01:17Yung mga saig na po iyan, ma'am, natabla, ma'am. Gawa niya po iyan, ma'am. Pag nagawala siya, ma'am, binatuklap niya.
01:23Bilang isang magulang, matiyas mo ba yung magkita ang anak mong ganyan?
01:28Tukulang na ang itali mo yung buong katawan ng bulupot ng tali.
01:33Para makita mo na nasimte.
01:37Ano ba ang parang gusto niyang takasan?
01:41Ano ang umaanay sa kanilang tahanan at sa isipan ni Aurora?
01:47Ang dalaga, taga Rojas sa Palawan, ang mga sira at butas sa kanilang bahay, bakas ng makailang ulit niyang tangkang pagtakas.
02:07Yung wala pa po siyang tali, ito po, binali niya rin. Sinubukan niya rin pong lumusit dito, tayo nakita rin po siya ni mama.
02:17Ito po, nginat-ngat niya rin po. Pati nga po, ito yung pako eh. Buti na lang nga po, hindi naputol.
02:23Punit-punit ang mga kumot at tuwalya.
02:26Dahil mayat-maya raw niyang nginangat-ngat.
02:29Kaya labagman sa kanilang kalooban, nagdesisyon ang kanyang pamilya na itali na ang kanyang mga kamay at paa.
02:42Ito po kasi yung labid po, hinila niya po na karan bigla, kaya pagka nagkaroon po siya ng sugat.
02:54Isang madaling araw, si Aurora nakawala sa pagkakatali.
02:59Ang sakong kanyang nadampot, kanyang nginat-ngat.
03:13Ang nooy natutulog sa kabilang kwarto, ang kanyang nakababatang kapatid na si Ethan, na alimpungatan.
03:33Mula nung nawala sa katinuan ang kanyang ate Aurora, tila nabaligtad daw ang kanilang mundo.
03:55Nag-iinit po ng sabig pa rin, hindi po malamig kay ate bago mamaya po igigib na naman po ako para po ipaligo ko sa kanya.
04:11Lagyan ko po ng sabon kasi po para makakuha yung rumit.
04:33Ang gamit ni Ethan, sabong panlaba.
04:37Ayong tanggalo na natin ting.
04:40Go on ko na.
04:40Ayaw raw ni Aurora na sinusuotan siya ng damit, kaya madalas wala siyang saplot.
05:08Para hindi siya ginawin, pirmi siyang kinukumutan.
05:14Te, huwag mo ito ting-tanggalin, te, ah.
05:16Po.
05:17Ha?
05:17Huwag mo itong tanggalin, ah.
05:20Para hindi kalamigan.
05:22Ika.
05:23Ma, gluto lang muna ako ng ula, ma. Magkain ikaw, ah.
05:26Opo.
05:27Okay.
05:28Okay.
05:38Ang paborito pong ulam niya ate yung mga sinabawan po, mga tinola, mga sinigang.
05:49Nabusog ko wala.
05:50Opo.
05:51Au.
05:51Hindi po po ganyan si ate, naglaro po kami ditong dalawa, nag-iikot-ikotan, nag-habol-habolan po, nagtatagotaguan.
06:01Nung umpisa nang ginig sakit niya po ako, nagbago na po siya, masakit po sa akin yun si ate, hindi makalaro ka gaya ng ibang bata.
06:10Kaya po, yung ate ko po ganyan.
06:17Pag nag-apakayan po ako, sinasabihan ko po siya na magpagaling na siya.
06:22Hindi ko na yan po iniisip yung sarili ko, iniisip ko po si ate.
06:28Na kung paano siya gumaling.
06:34Matapos asikasuhin ang kapatid, tsaka palang naghanda si Ethan papasok ng espwela.
06:41Bye-bye, te.
06:42Bye-bye.
06:44Inihabilin muna ni Ethan ang kanyang ate sa kanyang nanay, Marialin.
06:49Nangkot po ako kasi yung ate ko po, hindi nakakapasok sa espwela.
06:53Ako po palagi araw-araw po.
06:55Ganun na lang ang pagpuporsig ni Ethan na makatapos para maabot ang pangarap niyang maging doktor.
07:03Para makatolong din po ako sa maraming tao.
07:06Pag gusto ko rin pong pagaling si ate.
07:08Ang kalunos-lunos na sitwasyon ni Aurora ipinarating sa aming programa ng midwife mula sa Rural Health Unit ng Rojas na si Rosana.
07:19Ang kondisyon ni Aurora, inilapit namin sa kinauukulan.
07:28Si Ethan ay binibigyan po siya ng full scholarship po hanggang makapag-college ka at makapagtapos ng pag-aaral.
07:36Salamat po dahil binigyan niya po ako ng scholarship po.
07:40Matutupad po, Nathan. Lagi po yung sinasabi niyang mag-aaral po daw siya ng doktor.
07:44Ma'am lang niya po talagang sinasabi yun.
07:46Kaya ate ako po yung magpapagaling kasi doktor na po ako.
07:50Sabi ko sana nga matupad.
07:51Binisita rin si Aurora ng kanilang health officer.
08:02Butot balad na nyo.
08:03Ayon kay Doktora Leipareño, si Aurora malnourished.
08:21Ipapacheck up po natin siya sa pediatrician at matitingnan rin po siya sa mental health facility ng Hospital ng Palawan.
08:29Nakikitaan natin siya ng tatlong kondisyon.
08:32Ang una naming napansin po sa kanya isang tinatawag na neurodevelopmental disorder.
08:36Ang kanyang mga kakayanan ay hindi akma sa kanyang edad.
08:40Pangalawa, disorganized behavior and disorganized speech.
08:44Ito po ay pasok sa schizophrenia spectrum disorder.
08:48Pusibling meron din daw itong eating disorder na kung tawagin, paika.
08:54Pagkain ng mga bagay na hindi akmang pagkain kagaya ng lupa at iba pang bagay na walang nutritional values at sa katawan na isang bata.
09:04Kunti-kunti po muna yung pagkain po niya hanggang po sa makaya po at ma-stabilize po yung kanya pong kalagayan.
09:11Ang unang response ay hindi itali.
09:14Ang unang response, syempre, dalin sa doktor para ma-evaluate siya ng mabuti.
09:19Isang reason kaya nagpapatuloy itong siguro pagpatali ng mga taong may mental health conditions ay unang-una ignorance.
09:26Hindi naman masama yung intention nila, pero yun talaga yung alam nilang pwedeng gawin para matulungan siya.
09:33Gusto mo na mag-uwi?
09:35Ayaw mo pang umuwi?
09:38Ayaw mo pang mag-uwi, te?
09:39Ayaw, dito ka lang?
09:44Magbagaling ka na ah.
09:49Matapos ang mahigit isang linggong pananatili ni Aurora sa ospital,
09:56pinayagan na siyang makauwi ng mga doktor para ipagpatuloy ang kanyang gamutan sa bahay.
10:08Daday!
10:09Sa pagkakatampok ng kwento ni Aurora, dito sa KMJS, bumuhos sa kanila ang mga tulong.
10:21Ito ang kanilang ipinantustos sa kanyang pagpapagamot.
10:25Laging pasalamat ko po, ma'am, sa KMJS po.
10:29Sa lahat-lahat po, ma'am, na susuporta po sa amin at nagbibigay po, ma'am, nagpapasalamat po talaga ako.
10:34Ngayon man, may panibagong pagsubok ang kanilang pamilya.
10:42Ilang buwan kasi matapos na maere ang kwento ni Aurora.
10:46Si Ethan, habang nag-iigib ng tubig, na aksidente.
10:51Nadulas po siya, ma'am, tapos yung kamay niya po napalo sa bato.
10:56Kaya naputol po talaga, ma'am, yung buto.
10:59Dinala po namin siya kaagad sa hospital.
11:00Ang braso ni Ethan, kinailangang operahan at lagyan ng bakal.
11:05400,000 po, ma'am, yung nagiging bill po namin, ma'am, sa hospital.
11:09Dahil dito, ang dumating sa kanilang mga donasyon na pampagamot sana ni Aurora,
11:15inilaan nila sa hindi inasahang gasto sa hospital ni Ethan.
11:20Skip po sa dibdib na yung hindi po para sa akin ay napupunta sa akin.
11:25Kasi po para po sa ating PWD yung pila na yun na gagamit po sa akin.
11:32Maswerte na lang daw at may ilan pa rin donasyon na pumasok na ipinambibili nila ng mga gamot ni Aurora.
11:42Kaya makalipas lang ang ilang buwang tuloy-tuloy na paggamot.
11:51Sumikat ang pag-asa.
11:55Sa pahintulot ng kanyang ina, handa na rin daw si Aurora na ipakita ang kanyang mukha.
12:07At magpakilala sa tunay niyang pangalan.
12:13Siya si Helen.
12:16Ang dalagang nooy butot balap.
12:19Nabusog sa pagmamahal.
12:36Makalipas ang walong buwan mula sa dating 16.5 kilos niyang timbang,
12:4130 kilos na siya ngayon.
12:45Kung dati, itinatalik siya sa kanyang kwarto para hindi makatakas.
12:52Ngayon, mas lumawak na ang kanyang mundo.
12:57Ayosin yung sinilas ha?
12:59Magkain pa?
13:00Oo, magbili tayo pagkain.
13:02Makakat na tayo.
13:02Malaya na kasi siyang nakakalabas.
13:04Ate Les, sanang ulam?
13:13Pabilig kami.
13:14Tuwing po lumalakad po ako na katulad po pupunta ng tindahan o mamalingke,
13:19nakakasama ko na po siya, mam.
13:21Nakikita ko po masaya po yung anak ko.
13:24Masaya lang po ako, mam.
13:26Yung anak ko po, mam.
13:28Hindi na po siya nakatali.
13:31Saan po kami, mam?
13:32Pumunta kasama po namin, mam.
13:34Tapos nagkikita ko po yung banding namin pamilya.
13:38Samantalang hindi po namin o nagagawa.
13:40Kung dati, si Ethan ang nag-aalaga sa kanyang ati Helen,
13:52bumabawi na raw ito sa kanya.
13:54Ang kanya ng ati Helen ang nag-aasikaso sa kanya ngayon.
14:01Parang bumaligtad na po yung mundo.
14:03Dati ako po yung nag-aigib sa kanya para makaligo.
14:07Ngayon po, siya po nag-aigib sa akin para makaligo.
14:11Hindi ko po siya binibigyan ng baldi po na malaki.
14:13Kasi ayaw ko po siya na baka mamaya madapa po siya mapilayan.
14:17Ang madalas nilang gawing magkapatid, magbasa.
14:29Ilipante.
14:30Ikaw?
14:30Ilipante.
14:32Ikaw.
14:32Kababoy.
14:32Si Ethan ang nagsisilbing guro.
14:36Yung ati ko po, hindi pa po nakapak sa paaralan.
14:41Hindi niya pa po alam kung paano magsulat, paano magbasa,
14:46kung ano mga pangalan ng mga hugis, mga kulay.
14:49Gusto ko po mam, makapag-aaral po siya mam.
14:51Kahit pa paano po mam, hindi naman huli ang lahat siguro mam pagdating sa pag-aaral.
14:55At kung dati, kinakailangan pang subuan ni Ethan ang kanyang ati Helen,
15:01Ngayon, katuwang niya pa ito sa paghahain.
15:12Butang mo de ang isang isang dire.
15:16Gusto mo pa kanon?
15:24Kanon pa?
15:31Sinamahan din ang aming team si Helen para sa kanyang follow-up check-up.
15:35Magaling na o.
15:37Magaling o.
15:38Palinit po ha.
15:40Natuwa po ako nung nakita ko siya.
15:42Halos dumoble yung timbang niya.
15:45Hopefully, in the next year or next few months,
15:48mag-normalize na yung takbo ng katawan.
15:52Hindi mo alam ang ngalan mo?
15:56Alam mo na rin?
15:58Hindi ko eh.
15:59Ngayon pong pangalawang assessment sa kanya,
16:01hindi na po natin nakikita yung mga sintomas na angkop sa schizophrenia spectrum.
16:08Pangalawa po, yung PICA disorder.
16:10Ito po yung pagkain.
16:11Hindi talagang pagkain.
16:13Hindi na rin po natin yung makita sa pasyente,
16:16lalo na natutukan na yung kanyang physical health.
16:19Ang naiiwan na lang po na kinoconsider natin na condition ng ating pasyente
16:23is ang neurodevelopmental disorder.
16:26Kasama na po dito ang intellectual disability and language impairment
16:32para alam nila what to expect sa kanilang pang-araw-araw po na buhay.
16:36Para kamustahin ang lagay ni Helen,
16:39sa araw na ito, meron siyang bisita.
16:43Walang iba, kundi ang naging tulay
16:45para maiparating ang kanyang kwento, si Rosana.
16:50Excited po kasi gusto ko rin bisitahin siya.
16:54At may dala po ako sa kanya na pasalubong.
16:57One, two, three.
17:01Hi!
17:02Hi!
17:04Sino yan!
17:05Sino yan!
17:06Kamusta?
17:07Ayun, puntaan mo dali.
17:08Sino yan!
17:08Uy!
17:09Kamusta?
17:10Ako!
17:11Malaki na siya.
17:12Mag-bliss ka muna!
17:13Mag-bliss mo na iba!
17:15Bliss mo na!
17:16Ha?
17:17Tapang mo na, ha?
17:19Papay!
17:20Oo?
17:20Gusto mo?
17:22Favorito mo yan, di ba?
17:24Namiss na kita!
17:26Ha?
17:26Ngayon lang ako nakabalik ulit sa'yo.
17:31Kasi nagkasakit din ako.
17:34Huwala na akong buhok, oh!
17:36Nagkasakit si tita.
17:41Pagaling ka, ha?
17:45Underdo po ako ng chemotherapy for six sessions.
17:49Kaya, ito po, yung tubo niya ngayon.
17:52Tumubo na rin yung buhok ko, awa ng Diyos.
17:54Kaya, ngayon lang ako nakadala ulit kay Helen.
17:57Masukap sa nga namin.
17:59Magpuntaan ma'am.
18:00Malami akong pinagdaanan kasi, Bi.
18:03Hmm, laki na ng pinagbago mo, ha?
18:05Ngayon, ha?
18:05Ngayon, ha?
18:08Kung din dahil sa'yo, hindi po bumaling pa.
18:11Kung di po na parating sa kanyang Diyos.
18:14Hindi po siya magiging ganito ulit.
18:16Salamat po sa nang humo.
18:18Okay lang.
18:19Basta alagaan lang natin ng maayos, si Bi.
18:22Salamat po nang lagi yung sinasabi sa akin.
18:24Hindi ko na pa talaga sa ulitin sa talit.
18:26Ha?
18:34Inilabas din ang aming team ang mag-iina.
18:37Buong akala ni Marilyn, ipapasyal lang namin si Helen.
18:40Ang hindi nila alam, dadalhin pala sila sa ASMES o sa Andres Soriano Memorial Elementary School,
18:49kung saan may nakaabang pang munting regalo para sa kanila.
18:55Surprise!
18:55Surprise!
18:58May handog kami sa inyo, be.
19:01Ano po, sumay dala tayong bigas, may mga pagkain na alam po gustong gusto mo, di ba?
19:06O may chinelas din, may diaper.
19:09Si Helen, opisyal na rin nilang in-enroll sa kanilang SPED o Special Education Program.
19:15Nagulit lang po talaga po po.
19:18Parang hindi ko pa mamakalain, meron pa na pong ganun mangyayari sa buhay namin.
19:23Mayroon po.
19:24Habang siya po ay nag-aaral na dito sa aming paaralan,
19:27i-recommend po namin siya na magkaroon ng assessment ng ating mga medical specialists
19:32para po sa mas maayos na intervention or ano pang recommendation ng ating medical specialists
19:40para po mapabilis ang pagkatuto ni Ellen Joy dito sa aming paaralan.
19:45At takot po ako na kung tumanda po kami, tapos maiwan po siyang mag-isa.
19:59Kung sa akin lang po sana, kung pwede po, hindi ko po siya ipaiwalay po.
20:05Ano na eh? Kabayo?
20:07Ilipante?
20:08Kababoy?
20:09Hindi ko po siya iiwan pag tumanda po kami.
20:13Sana po palagi kami magkasamili.
20:15O saan namin maghiwalay.
20:20Pangalawang buhay po ngayon, ma'am, ng anak ko yun.
20:22Kaya hindi ko po, ma'am, sasayagin yun.
20:24Gagawin po namin ang naat, ma'am.
20:25Magkasam, maging maabuti po siya, ma'am.
20:28May mga sugat na hindi nakikita.
20:32May mga kulungan na hindi bakal, kundi sariling katawan at isipan.
20:39Pero sa bawat kamay na handang umalalay,
20:43may liwanag na magbubukas tungo sa kalayaan.
20:50Eheheheh.
20:54Ah!
20:57Eheheheh.
21:04Tepe,
21:05pang ilan na ba yun?
21:07Patay ang kinakain.
21:09Buhay naman tayong lahat.
21:12Kapaginakabahan.
21:12Huwag mong kalimutan.
21:22Yan ang gustong mangyari ng kalaban.
21:26Wala na yun!
21:28May isa pa, Kain.
21:30Isang ano?
21:31Isang kagayang.
21:32Kapag nagpapakita daw si Pochong,
21:48may mamamatay.
21:51I hope our Lord is Jesus Christ.
21:53It's day of age!
21:55It's day of age!
21:56May nakita talaga ako.
21:57Verbala hindi.
21:58Mata-mata ng pusa.
22:00Tapos,
22:00kapag-apak ng pawiki.
22:02Ito ang tatos malata-mata po.
22:04Let us break!
22:06Thank you for watching mga kapuso.
22:19Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
22:22subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
22:25And don't forget to hit the bell button for our latest updates.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended