Skip to playerSkip to main content
Dahil ginagamit sa emergency, hindi uubrang i-zero ang unprogrammed appropriations sa panukalang 2026 budget, ayon sa Palasyo at ilang mambabatas. Kaya ang isang senador, may iminungkahi.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil ginagamit sa emergency, hindi uubrang is zero ang unprogrammed appropriations sa panukalang 2026 budget,
00:10ayon po yan sa palasyo at ilang mambabatas.
00:13Kaya ang isang senador may iminungkahi.
00:16Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:21When we discussed the budget finally, on second reading, before third reading, there should be no unprogrammed funds.
00:28Kami-kabila ang mga panawagan sa Senado at Kamara para gawing zero ang unprogrammed appropriations sa panukalang 2026 budget.
00:38Sa unprogrammed appropriations na kalista, yung mga programang mapopondohan lang pag may sobrang kita ang pamahalaan.
00:45Sa mga nakaraang budget, dito inilista ang ilang flood control project.
00:49Ang gusto talaga natin ay talagang zero para bang ang power of the force na punta na sa DBM.
00:55Kasi diba parang sila na yung nagde-decide kung paano gagamitin at saan dadalhin based on their conditionalities.
01:03Pero sa halos 250 billion pesos na halaga ng nakalista sa 2026 unprogrammed appropriations,
01:10hindi pa bababa sa 41.7 billion pesos ang tinapyas kahapon.
01:16Ang naalis, 35 billion pesos para sa sagip o strengthen assistance for government infrastructure and social programs.
01:25at 6.7 billion pesos na emergency health care workers allowance.
01:31Sabi ng Malacanang at ng isang opisyal ng House Committee on Appropriations,
01:35hindi talaga uubrang zero ang unprogrammed appropriations,
01:40lalot dito inililista ang panggasto sa kalamidad o emergencies.
01:44Parang hindi po yata maaari mangyari yan.
01:46Marami po nagiging programa ang gobyerno at maaari pong magamit po ito sa pangangailangan
01:54kung may kailangan mga emergency cases or situations.
01:57But tandaan po natin, hindi naman po ito nagagas na basta-basta.
02:00There are calamities that have impacted our communities most that are unexpected.
02:06Dito rin inililista ang pondong sagot ng gobyerno sa mga proyektong katuwang ang mga dayuhang bansa.
02:14Mungkahi ng isang senador.
02:16Foreign-assisted projects and facts, yun na lang ang ititira natin.
02:20Ang unprogrammed appropriations ang isa sa mga tinawag ng People's Budget Coalition na pork barrel.
02:26Pero sagot ng isang vice chair ng House Committee on Appropriations.
02:31When you say pork barrel kasi unclassified talaga yan eh, without any purpose or any use.
02:37Walang general description.
02:39Just that nakalaan lang dyan sa isang portion, isang agency.
02:45So wala pong pork barrel?
02:46Sa palagay ko po, wala naman.
02:48We are confident to say na wala pong pork barrel.
02:50Sa ngayon, napapanood na ng publiko ang deliberasyon sa panukalang budget sa camera via live stream.
02:57Pero mula lang sa committee hearings hanggang sa plenaryo.
03:01May resolusyon ng inihain para isa publiko rin ang budget deliberations ng bicameral conference committee.
03:08Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended