Skip to playerSkip to main content
Nasa loob na ulit ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Uwan kaya isinailalim sa wind signal no. 1 ang Batanes. Sa Cagayan, isinisisi sa illegal logging o pagputol ng mga puno ang malawakang pagbaha roon. Nasira rin ang UNESCO World Heritage site na... Batad Rice Terraces sa Banaue, Ifugao.


Bukod naman sa mga bahay na winasak ng daluyong... nakalbo rin ang mga bundok sa Catanduanes kung saan isolated pa rin ang ilang lugar. Nasira rin ang ilang kalsada sa Pangasinan-Nueva Vizcaya road na posibleng abutin pa ng isang buwan bago malagyan ng pansamantalang one way na daan. Sa gitna ng mga pinsala, iniimbestigahan ng DILG ang 24 na lokal na opisyal na wala sa bansa noong kasagsagan ng bagyo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Music
00:00Kasabay ng paglutang ng mga inanod na troso
00:13sa gitna ng Baha na Sumira,
00:15sa maraming bahay sa Tuwaw sa Cagayan,
00:18lumutang din ang problemang dulot ng illegal logging
00:21o pagputol ng mga puno.
00:24Isa yan, sa mga sinisisi,
00:26sa matinding baharo o noong Bagyong Uwan,
00:28nakatutok live si June,
00:31Veneracion June.
00:37Mel, kawalan ng flood control project
00:39at illegal logging ang sinisisi ng mga tagalito
00:42sa Tuwaw, Cagayan,
00:43sa sinapit nilang dilubyo
00:45na Sumira sa kanilang mga tahanan at kabuhayan.
00:52Sa kuha ng drone,
00:54makikita ang lawak at bilis ng pagkalat ng baha.
00:56Nang ubapaw ang Chico River,
00:58resulta ng ulang dala ng Bagyong Uwan.
01:02Sa pagpapatuloy ng clearing operations ngayong araw,
01:07truck-truck ng mga putik,
01:09putol na puno at troso ang nakuha sa barangay Barangkwag,
01:12bayan ng Tuwaw.
01:14Ang pamilya Kabunag,
01:16sa ilalim ng maliit na puno sa gilid ng kalsada
01:19ngayon pansamantalang nakatira,
01:20matapos anuri ng kanilang bahay.
01:22Pulo-puno na lang, sir,
01:24kasi wala na rin talaga kami materhan.
01:25Init talaga, sir.
01:27Kaya tinitiis din namin lahat, sir.
01:30Sana, sir,
01:31humingi kami ng tulong kahit pa paano, sir.
01:33Mabigyan din kami ng kahit punting tulong, sir.
01:36Dito man na sa gilid-gilid ng mga highway, sir,
01:40magtalagay na lang ako man ng tolda
01:42para may pagsilongan lang namin.
01:43Sa gitna ng trahedyang tumama sa kanila,
01:48hindi nila maiwasang maisip
01:50na kung nalagyan sana ng flood control project
01:53ang kanilang lugar.
01:55Baka hindi ganito ang sitwasyon nila.
01:58Mahirap na nga raw sila,
02:00lalo pa ngayon nagihirap.
02:01Dapat na ipinulasan nila, sir.
02:03Dapat dito nila ganyan, sir.
02:05Hindi sana kami abot ng ganito, sir.
02:08Kung may isip lang sila, sir.
02:10Kung may takot sila sa Diyos, sir.
02:11Pero wala, sir.
02:13Mga swapang, sir.
02:14Isa pa sa sinisisi ng mga tagarito
02:16ang mga trosong inadod ng Chico River
02:18at sumira sa maraming bahay.
02:21Yan, number one, sir.
02:22Kasi wala lagi ng trot.
02:24Sabay, pagbangga ng trosong,
02:26sabay ang bahay nila.
02:28Tahas ang sinabi ng vice-gobernador ng Agayan
02:30na ang mga trosong ay mula sa illegal
02:32laging sa mga kabundukan
02:33sa kalapit nilang probinsya
02:35ng Kalinga at Mountain Province.
02:37Halos kapuputo lang daw
02:38ng mga nakolektang trosong.
02:40We suffer the consequences
02:41of the denudation of forest in these areas.
02:45May mga flood control projects sa Agayan
02:47pero hindi malang daw binigyang pansin
02:49ang problema sa bayan ng Tuwao
02:51na nalalagay sa panganib
02:52kapag umapaw ang Chico River.
02:55If we were only consulted,
02:57if the local councils,
03:00development councils were consulted,
03:02this is, ito yung mga priority namin.
03:04It never reached
03:05yung mga decision makers natin,
03:08especially our lawmakers.
03:10Sila talaga may kasalanan dito
03:11kasi preventable talaga ito.
03:13And we have a lot of money for it sana.
03:15Mel, sa mga wala nang mababalikan dito sa bayan ng Tuwao
03:25ay nagahanap na ang lokal na pamahalaan
03:27ng resettlement area para sa kanila.
03:29Mel.
03:30Maraming salamat sa iyo,
03:32June Veneracion.
03:34Isolated pa rin sa supply
03:35ang ilang lugar sa Katanduanes
03:37dahil sa pinsalang iniwan ang bagyong uwan.
03:39Bukod sa mga bakay na winasak ng daluyong,
03:42nakalburin ang mga bundok
03:43at nadamay ang mga abakatnyog
03:45na kabuhayan ng marami.
03:47Nakatutok si Joseph Morong.
03:51Wala na ang bagyong uwan
03:53pero tila matatagalan pang malinis
03:55dahil sa dami ng samot-saring kahoy
03:57at iba pang debris na iniwan ito
03:59sa barangay Tublinang Karamuan, Katanduanes.
04:02Ilang araw na rin walang maayos na natutuluyan
04:05ang mga nakatira sa baybayin
04:07dahil sa pagwasak ng daluyong o storm surge
04:09sa kanilang mga bahay.
04:11Ang ilan walang nagawa
04:12kundi maghanap ng mga gamit na pwede pang isalba.
04:15Agadjong po ang mga kapatid na,
04:17hindi ko po alam lang kung saan magsisigslang.
04:22Meron kailangan ko po mam bumangon
04:25kasi may dalawang anak po ako.
04:27Gamit lang talaga ang kailangan namin
04:29kundyan.
04:32Baka sakaling may magandang pusto
04:35na tumulong man lang sa amin
04:37I'm going to be able to make it better.
04:55Kabilang din sa mga nawala ng bahay si Nolly, ngayong palapit ang Pasko, hindi siya nawawala ng pag-asa.
05:01Laban lang tayo kahit tayo ganito. Kahit kunting tulong, sama-sama tayo.
05:08Ilang, bangun tayo.
05:11Halos pareho mga imaheng matatanaw sa ibang coastal area sa probinsya tulad sa barangay Sabangan sa Karamuan pa rin.
05:18Halos wala, walang bahay na kira pa yun. Halos wala kung ano dyan natira. Halos ano yung kabahayan yan dyan dito sa dagat.
05:24At sa barangay Baldok sa bayan naman ng pandan. Pero mahalaga ang bawat kwento ng hamon para matugunan.
05:31Tulad ng kung paano may patatayo muli ang mga nawasak na tahanan.
05:34O may ibabalik ang dating mayayabong na bundok kung saan pa naman may mga puno at halaman tulad ng mga nyog at abaka na kabuhayan ng mga residente.
05:42Sa ngayon, nagtutulungan ng Department of Environment and Natural Resources, PDRRMO, at mga lokal na pamahalaan para sa rehabilitasyon ng mga gubat at bundok.
05:51Kailangang isabayan sa pagtugon sa mga pangangailangan.
05:55Paharapan lalo sa mga isolated pang bayan tulad sa HIGMOTO.
05:58Kakaunti na ang supply roon bagaman may nakahanda ng 500 food packs para sa mga binagyo.
06:04Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, Nakatutok 24 Horas.
06:08Inimbisigahan ang Department of Interior and Local Government ang 24 na lokal na opisyal na wala sa bansa noong kasagsagan ng bagyo.
06:19Posible silang maharap sa mga kasong gross insubordination at abandonment of duty.
06:25Nakatutok si Maris Umali.
06:27Ganito katindi ang dilubyong idinulot ng bagyong owan sa malaking bahagi ng Luzon.
06:36Pero sa gitna ng matinding pananalasa nito, walang ilang mga leader na mabayang hinahagupit ng bagyo.
06:42Kaya iniimbestigahan na ngayon ang Department of Interior and Local Government o DILG,
06:46ang 24 na local chief executives na bumiyahe pa rin pa Europa sa kabila ng direktibang nagbabawal sa mga biyahe
06:53mula November 9 hanggang 15 habang nananalasa ang bagyo.
06:57Despite the directive, umalis sila ng November 9 to 15.
07:02Ayan ang kailangan nilang paliwanag kasi clear-cut guidelines yan eh.
07:05Ayon kay DILG Sekretary John Vic Remulia, malinaw daw ang patakaran
07:09na kapag may national emergency, lahat ng mga opisyal mula gobernador, mayor hanggang konsehal
07:15ay dapat humingi ng pahintulot mula mismo sa DILG bago umalis ng kanilang lugar
07:20dahil sila ang kinakailangan manguna sa disaster response
07:24at dapat ding unahin ang pagsaservisyo sa kanilang nasasakupan.
07:27It is their moral duty to be cognizant or the approaching calamity.
07:34Lahat naman tayo nanonood ng balita. Lahat tayo nakikita sa internet.
07:39Alam naman natin liyong parating eh.
07:40May posibleng pa silang case ng gross insubordination, abandonment of duty, at saka may isa pa eh.
07:47Pero ayun pa yung makikita, nakikita namin ngayon.
07:51Karamihan daw sa mga ineimbestigahan ay mga mayor.
07:53Nilino naman ni Remulia, hindi kasama sa ineimbestigahan si Isabella Gov. Rodolfo Albano III
07:59at Batanes Gov. Ronald Aguto Jr.
08:02Yung dalawa pong yun ay nagpaalam sa akin na tumalis po sila ng November 8
08:06bago naman nilabas ang directive November 9.
08:08Ganito rin ang reklamo sa ilang opisyal sa Cebu
08:11nung pananalasan naman ng Bagyong Tino.
08:13Kahapon nagsampang abugadong si Atty. Julito Anyora Jr.
08:17ng mga kaso sa Visayas Ombudsman.
08:19Laban kina Cebu 5th District Representative Duke Frasco,
08:22Liluan Mayor Alju Frasco,
08:24Katmon Mayor Avis Ginoomon Leon,
08:27San Francisco Mayor Alfredo Arquillano Jr.,
08:30Todella Mayor Greman Solante,
08:32Poro Mayor Edgar Rama,
08:34Pilar Mayor Manuel Santiago,
08:35at Compostela Mayor Feliz Diorquino.
08:38Dahil sa pagbiyahe nila papuntang Europa,
08:40kahit napaparating na noon ang Bagyong Tino.
08:43I'm not in any manner connected to any politicians.
08:49I'm not in any manner connected to any groups.
08:53I filed this on my own volition.
08:55I filed this on my own judgments.
08:58Because I've seen the incompetence of these public officials.
09:02There is dereliction of duty here.
09:04Sa isang pahayag ipinaliwanag ni Cebu 5th District Representative Duke Frasco,
09:08na otorizado ng Kamara at opisyal ang kanyang naging biyahe sa London noong November 4
09:13bilang bahagi ng Philippine delegation sa World Travel Market.
09:17Agad din daw siyang nagbalik ng Pilipinas noong November 5
09:19matapos malaman ng tungkol sa malawakang pagbaha sa Cebu.
09:23Dagdag pa ni Frasco,
09:25ang reklamong inihain laban sa kanya sa Ombudsman
09:27ay batay sa erroneous assumptions o mali-maling paniniwala.
09:31Sinusubukan pa ng GMA Integrated News
09:33na makuha ang panig ng iba pang inireklamo.
09:35Kinumpirma naman ni Cebu Governor Pamela Baricuatro
09:38na inaprubahan niya ang pagbiyahe ng ilang alkalde ng Cebu.
09:42Pero Ania, prerogative pa rin na mga opisyal
09:45kung itutuloy nilang biyahe o hindi.
09:47That could have been avoided.
09:50So it's there, nasa nila, nasa ilang prerogative.
09:53They're insurable to the people.
09:55It's not for me to say.
09:56Para sa GMA Integrated News,
09:58Marise Umali, Nakatutok, 24 Oras.
10:05Nga kapuso, nasa loob na ulit ng Philippine Area of Responsibility,
10:10ang Bagyong Uwan.
10:11Huling namataan ang sentro nito,
10:13sa layong 210 kilometers northwest ng Itbayat.
10:18Ayon sa pag-asa,
10:19wala naman ang inaasahang epekto ang Bagyong Uwan sa halos buong bansa,
10:23maliban lang sa ilang bahagi ng northern Luzon
10:26na hagip pa rin ng mga kaulapan at malakas na hangin.
10:30Nasa ilalim ng wind signal number one, ang Batanes.
10:34Dito rin nananatili ang babala sa malalaking alun
10:38na delikado sa maliliit na sasakyang pandaga.
10:42Sa magiging pagkilos ng Bagyong Uwan,
10:45posibleng itong maglandfall o tumama sa Taiwan ngayong gabi.
10:49Tuluyan na itong hihina at posibleng maging tropical depression
10:53hanggang sa maging low pressure area na lamang.
10:56Samantala, nakakapekto na rin sa bansa
10:59ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
11:03Posibleng magkaroon ng localized thunderstorms.
11:07Base sa datos ng Metro Weather,
11:09umaga bukas magiging maaliwala sa malaking bahagi ng bansa,
11:14maliban sa eastern portions ng Visayas at Mindanao,
11:18pati sa Sulu Archipelago.
11:20Sa hapon, may pag-ulan na rin silang sa ilang bahagi ng Central Luzon,
11:24Mimaropa, at halos buong Visayas at Mindanao.
11:29Matikinding ulan na pwedeng magpabaha
11:31ang dapat paghandaan lalo sa summer at native provinces,
11:35sa Buhol, sa Negros Island Region,
11:38Karaga, Davao Region, at Soxargem.
11:41Maayos na panahon ang mararanasan sa Metro Manila.
11:45Pero mag-monitor pa rin
11:46sakaling magkaroon ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
11:51Pinag-dugtong-dugtong na kawayan muna
11:55ang nagsisilbing tulay ng ilang taga Santa Fe
11:58habang hindi pa naayos ang nasirang bahagi ng
12:00Pangasinan-Nueva Vizcaya Road.
12:03Pusibleng abutin pa kasi ng isang buwan
12:05bago malagyan niya ng pansamantalang one-way na daan.
12:09Nakatutok live, si Rafi T.
12:11Dito nga sa aking kinaroronan email ay makikita.
12:18Dito sa aking likuran yung putol na bahagi
12:20nitong Pangasinan-Nueva Vizcaya Road
12:23dito sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.
12:25Hindi lang natabunan kundi yung mismong kalsada
12:28yung tinangay ng landslide.
12:29Kaya naman hindi ito madadaan sa simpleng
12:31clearing operation lang para ito ay mabuksan.
12:33Mula sa himpapawid, kita ang uka sa bahagi ito
12:41ng Pangasinan-Nueva Vizcaya Road.
12:43Ilang metro ng kongkretong daan ng putol
12:45at nahulog sa ilog sa iba ba ng kalsada.
12:48Sa kabutiang palad, walang kabahayan
12:50sa ibabang bahagi ng guho.
12:52Pero malaki raw ang epekto ngayon
12:53ng pagkaputol ng kalsadang nagdurugtong
12:55sa Santa Fe, Nueva Vizcaya,
12:57patungong Tayog at Santa Maria sa Pangasinan.
12:59Kaya nito, imbis na lalapit ang travel
13:03ng mga sasakyan papunta ng Manila
13:05dahil ng Pangasinan, wala na.
13:08Paano na kami?
13:09Bukod sa mas mabilis na daan ito,
13:10patungo sa TIPLEX para sa mga manggagaling
13:12ng Isabela, Kalinga at Kagayan,
13:15marami rin ang nakatira sa apat na barangay
13:16ng Santa Fe na wala nang magawa
13:18kundi tumawid sa pinagdugtong-dugtong
13:20na kawayang nagsisilbing pansamantalang tulay.
13:23Na-inspeksyon na raw ito ng isang lokal na kontraktor
13:25ng lokal na pamahalaan.
13:27Bato ang gilid ng bundok,
13:29kaya posibleng abutin daw na isang buwan
13:31para malaga nito ng pansamantalang
13:32one-way na daan.
13:33Kung mabilis tayo,
13:36hindi aabutin ng isang buwan.
13:38Ganun po.
13:39Lalo kung tutulong ang highways,
13:44kung kukutungin, wala na naman.
13:49Kukutungin na po.
13:51Humigit kumulang 20 landslide paraw
13:53ang hindi pa nabubuksan
13:54sa kahabaan ng kalsadang ito.
13:56Maging mga bahagi ng bundok
13:57na may slope protection,
13:58gumuhurin matapos masira
14:00ang net na harang.
14:01Sa bahaging ito naman ng ilog
14:03na bumabaybay sa kalsada,
14:05bumagsak din ang isang bahagi
14:06ng konkretong retaining wall
14:07dahilan para abutin ng tubig
14:09ang bahay nila Nanay Maria Teresa.
14:11Sa kabutiang palad,
14:12nag-evacuate sila bago ito mangyari.
14:15Sira ang kanilang kusina
14:16at malapit ang gumuho
14:17ang kanilang buong bahay.
14:20Pero hindi nakalis
14:20ang isang alagang aso
14:21sa kabilang pampang.
14:23Nahulog din ang isang sasakyan.
14:24Nakita ko nga po
14:25yung bahay ko na
14:27nauna na po yung kusina
14:28na bumagsak.
14:29Wala na po ah.
14:31Hindi po namin alam
14:32kung saan nga po kami pupunta.
14:33Pati yung kabuhayan nga po
14:35namin patay.
14:36Wala po kaming...
14:37Naisalba lang po namin
14:38yung mga gamit namin
14:40na iba.
14:41Yun nga lahat
14:41wala na kami matitira.
14:42Pakiusap ngayon ng mga residente dito
14:50ay madali naman sana
14:51yung pagkukumpani
14:52dito sa kanilang nasirang kalsada
14:54para naman hindi sila magtsaga
14:55dito sa maliit at delikadong tulay
14:58dito sa may landslide area.
15:00Samantala,
15:00para sa ating mga kababayang
15:01na isa nang mapaikli
15:02yung kanilang biyahe
15:03mula dito sa Vizcaya
15:04patungo sa Pangasinan,
15:06balik-maharli ka highway
15:07po muna ulit kayo
15:07hanggat hindi pa naisa sa ayos
15:09ang kalsadang ito.
15:10Yan ang latest mula dito sa Santa Fe
15:12Nueva Vizcaya.
15:13Emil,
15:14maraming salamat
15:15at ingat kayo.
15:16Rafi Tima.
15:18Kabi-kabilang pagguho
15:20ang naranasan
15:21sa Banawi sa Ifugao
15:22ng Manalasa
15:23ang Superbagyong Uwan.
15:27Kabilang sa nasira
15:28ang UNESCO World Heritage Site
15:30na Batad Rice Terraces.
15:33Ilang bahay sa gilid ng bundok
15:35ang gumuho at natabunan.
15:36Nasira rin
15:37ang isang covered court
15:38pati na
15:39ang ilang view decks
15:40sa lugar.
15:41May bahagi rin
15:42ang isang kalsadang natabunan.
15:44Humingi ng aggarang pondo
15:46at tulong ang komunidad
15:47para maisaayos
15:49ang mga pinsala.
15:52Iimbestigahan na
15:53ng DNR
15:54ang high-end residential project
15:56sa isang burol sa Cebu
15:57na isa sa mga sinisisi
15:59sa malawakang pagbaharoon.
16:01Mahigit pitong daang puno
16:03ang pinutol
16:04para sa proyekto
16:05na nakakuha
16:06ng tree cutting permit.
16:08Nakatutok si Dano Tingcunco.
16:13Ito ang The Rice at Monterasas,
16:15isang high-end residential project
16:17na sinimula noong 2024
16:19sa may barangay Guadalupe
16:20sa Cebu City.
16:22Kakaiba ang proyekto
16:23dahil nasa burol mismo
16:24ang development
16:25at ginawang malabanawe
16:27rice terraces
16:27ang gilid nito
16:28para matayuan
16:29ng mga bahay.
16:30Sa Facebook page
16:32ng The Rice at Monterasas,
16:34pinakita na
16:34ang tatlong ektaryang property
16:36na may mga luxury villas.
16:38Ngayon,
16:39isa ang Monterasas project
16:40sa sinisisi
16:41sa malalang pagbaha
16:42noong nakaraang linggo
16:43sa Cebu City.
16:45Ang baha noon,
16:46munti ka nang umabot
16:47sa bubunga
16:47ng mga bahay.
16:48Ayon sa mga residente,
16:49ito ang unang pagkakataong
16:51nangyari ito
16:51sa kanilang lugar.
16:53Baka raw dahil
16:53pinutol ang mga puno
16:55at nawala ang forest cover
16:56kaya dire diretsyo na
16:57ang tubig ulan
16:58pababa sa mga kabahayan.
17:00Kinatatakutan nila
17:01baka lumalapa ang problema
17:02kung hindi ito maagapan.
17:04Sa inyong gilidahan
17:05sa tugikan to tubiga, sir?
17:06Dito,
17:07ginas babaw,
17:07gigikan ma'am.
17:08Magsabukin yung nagigikan.
17:08Kaya na ilaging
17:09ng mga mantirasas?
17:10Possible.
17:11Kaya wala may lain,
17:12kaya direts ako na lupi,
17:12kaya na mung dalang
17:13the street,
17:13kaya igo,
17:14ginasamu agil niya.
17:15Bumuuna ang Department
17:16of Environment and Natural Resources
17:18ng isang team
17:19para magsagawa
17:19ng masusing imbesigasyon
17:21ng proyekto.
17:22Kapag daw may nakitang
17:23paglabag sa kanilang
17:24Environmental Compliance
17:26Certificate
17:26o iba pang regulasyon,
17:28hindi mag-aatubili
17:29ang DNR
17:29na magpataw
17:30ng mga parusa
17:31gaya ng suspension,
17:32penalties at iba pa.
17:34Sinabi rin ang DNR
17:35na kahit may
17:36tree cutting permit
17:37ang developer,
17:38malaki daw ang nabawas
17:39sa mga puno
17:39sa lugar
17:40sa loob ng tatlong taon.
17:41Sinimula na rin
18:01ang Cebu City LGU
18:02ang imbesigasyon
18:03sa proyekto
18:03dahil sa mga reklamong
18:04dulot ng baha.
18:11Para sa kayuhan
18:12sa syudad
18:13o sa mga tao
18:14na nasa ubos
18:15then we will
18:15let them do that.
18:16Iniingan pa namin
18:17ang pahayag
18:18ang developer.
18:19Pinuntahan din namin
18:20ang tanggapan
18:20ng Monterasas de Cebu
18:22pero ayon sa gwardya doon
18:23walang pwedeng humarap
18:24sa team.
18:25Para sa GMA Integrated News,
18:27Dano Tinkongko
18:28Nakatutok 24 Horas.
18:30Bukod sa dami
18:31ng mga bahay
18:32na tuluyang nawasak
18:33dahil sa taas
18:34ng daluyong,
18:35problema pa rin
18:36sa aurora
18:36ang mga nasirang daan
18:38kabilang
18:39ang isang nabistong
18:40wala palang bakal.
18:42Nakatutok si Ian Cruz.
18:47Ganito kalaki
18:48ang daluyong
18:49o storm surge
18:50na naranasan
18:51sa coastal area
18:51sa bayan ng
18:52San Luis Aurora
18:53pasado ala 5 ng hapon
18:55noong linggo
18:56dahil sa superbagyong uwan.
18:58Wala rin nangahas
18:59sa bagsik
19:00ng nangangalit na alon
19:01sa Sicho Alansay
19:02sa barangay
19:03di Manayat.
19:04Sa buong bayan
19:05ng San Luis,
19:0695 ang totally
19:07damaged na bahay.
19:0865 dito
19:09ang nasa coastal area.
19:11Pero kung susumahin
19:12sa buong probinsya,
19:14alos 700
19:15ang tuluyang
19:15nasirang tirahan
19:16ayon sa DSWD.
19:19Gayunman,
19:20laking pasasalamat
19:20ang otoridad
19:21dahil walang
19:22naitalang nasawi.
19:23May 33 residente lang
19:25na nasugatan.
19:26Meron nga pong
19:27mga na-injured po
19:28due to storm surge
19:29dahil bumalik po sila
19:30doon sa mga
19:30sinisecure po nila
19:32ng mga gamit.
19:33Ayon sa DSWD,
19:355,000 pesos
19:36ang maaaring matanggap
19:37ng mga residenteng
19:38bahagyang nasira
19:39ang bahay.
19:4010,000 pesos
19:41naman
19:41kung totally damaged.
19:43Gaya nila
19:44Samson
19:44na nawala ng bahay
19:45at kabukayan
19:46dahil sa storm surge.
19:47Ganitong tulong
19:48makakatulong pa rin
19:51po sa amin.
19:52Sa simple
19:53bagay na ganito,
19:54ako'y nagpapasarapat na.
19:56Kanina,
19:56nagpulong
19:57ang mga stakeholder
19:58sa Kapitulyo
19:59kasama na
20:00ang mga LGU
20:01at World Food Program.
20:03Nagtungo rin sila
20:04sa Gupa Covered Court
20:05sa Dipakulaw
20:06para maghatid
20:07ng ayuda.
20:08Pabalik kami
20:09yung financial assistance
20:10naman.
20:10Samantala,
20:11malaking problema rin
20:12sa probinsya
20:13ang mga nasirang daan.
20:15Ang nagkadurog-durog
20:17na bahagi
20:17ng National Road
20:18sa pagitan
20:19ng Situ Amper
20:20at Barangay Detale
20:22na bistong
20:23walang bakal.
20:24May wasak ding
20:25bahagi sa dinadyawan
20:26na kilalang
20:27beach destination.
20:28Depende kasi
20:29kung papaano nila
20:30ginawa yung disenyo
20:31kasi yun naman
20:32yung matagal na yata
20:33ang nagawa
20:33prior years.
20:36Pero
20:36in a way
20:37kailangan din kasi
20:38kahit papaano
20:39hindi pwedeng
20:40totally walang bakal.
20:41Ang unang tanong
20:42kasi na natin
20:42lagi dun
20:43bakit walang bakal
20:44and ang reply po nila
20:45sa atin
20:45pag concrete pavement
20:46daw po ay
20:47tie bar lamang
20:48ang nilalagay
20:48at hindi concrete
20:49hindi bakal.
20:51So let's wait and see
20:53until Friday
20:53pasalamat na lang tayo
20:55Secretary Vince
20:56will be here
20:56and I think
20:57those questions
20:58will be answered
20:58once they get here.
21:00And pag natapos po yun
21:01then if we need to be
21:03kaya na kailangan
21:03ng congressional inquiry
21:04then so it be.
21:07Sinikap naming
21:08makausap
21:08ang district engineer
21:10ng Aurora
21:11District Engineering Office
21:12pero
21:13nag-inspeksyon daw ito
21:14sa isang site.
21:16Ayon naman
21:16kay Public Works
21:17Secretary Vince Dizon
21:18nagpadala na siya
21:19ng mga engineer
21:20sa Aurora
21:21para magsiyasat.
21:23Para sa GMA
21:23Integrated News
21:25Ian Cruz
21:25nakatutok
21:2624 oras.
21:27Do you know what's going on?
21:29Do you know what's going on?
21:30Do you know what's going on?
21:31Do you know what's going on?
21:32Do you know what's going on?
21:33Do you know what's going on?
21:33Do you know what's going on?
21:34Do you know what's going on?
21:34Do you know what's going on?
21:35Do you know what's going on?
21:36Do you know what's going on?
21:36Do you know what's going on?
21:37Do you know what's going on?
21:38Do you know what's going on?
21:38Do you know what's going on?
21:39Do you know what's going on?
Be the first to comment
Add your comment

Recommended