Skip to playerSkip to main content
Hindi na lang anomalya sa mga flood control project ang inuungkat ng Senado kundi maging sa mga farm-to-market roads. Lumabas sa pagdinig kanina na ilan sa mga kalsadang ito ay sobra-sobra ang presyo o idineklarang gawa na kahit hindi pa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi na lang anomalya sa mga flood control project ang inuungkat ng Senado, kundi maging sa mga farm to market road.
00:08Lumaba sa pagdinig kanina na ilan sa mga kalsadang ito ay sobra-sobra ang presyo o diniklarang gawa na kahit hindi pa.
00:18Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:20Habang patuloy na nadidiskubre ang mga flood control project na substandard o hindi talaga naitayo,
00:30lumabas naman sa pagdinig ng Senado na meron ding kahalin tulad na nagaganap sa pagtatayo ng mga farm to market road.
00:38Ito yung mga kalsadang itinayo sa kanayunan para madaling maibiyahe papuntang merkado ang mga produktong pangagrikultura.
00:45Sa paghimay ni Sen. Sherwin Gatchalian, lumabas umanong may mga farm to market road na labis ang presyo.
00:5315 million pesos per kilometer ang dapat na presyo ng ganito ayon sa Department of Agriculture o DA.
01:00Pero may umabot pa rao ng mahigit 300 million pesos per kilometer ang halaga.
01:05Hindi lang ito extremely overpriced. Extremely, extremely, extremely overpriced.
01:10Based on sa nakikita ko na pinapakita niyo, Mr. Chair, medyo shocking.
01:17But I guess siguro magandang itanong dyan, Mr. Chair, yung ating bagong sekretaryong DPWH na matulungan tayo na mahima ito.
01:28Ayon kay Gatchalian na abot sa 10.3 billion pesos ang halaga ng overpriced ng mga kalsadang tinukoy niya.
01:35Equivalent to about 683 kilometers. So yung 683 kilometers, Mr. Chairman, pwede na tayong gumawa ng kalsada from Manila to Apari ng isang kalsada, two lanes.
01:52Ang iba nga, ni hindi nagawa o ghost project. 125 million pesos ang halaga ng ganyan na inireport ng Department of Public Works and Highways o DPWH na gawa na pero hindi pa pala nagagawa.
02:06DPWH ang gumawa ng farm-to-market roads ayon sa DA.
02:10Meron kami nakita sa Davao Occidental na ghost pero 2021-2022 projection na ghost. Meron din sa Sambuanga City na ghost.
02:21Hindi rin umano ito ipinaalam ng DPWH sa DA bago gawin. Kaya aalamin ng DA kung alinsunod sa kanilang roadmap ang naturang mga proyekto.
02:32How does that work? Hindi kayo nag-conquer? Ibig sabihin binay-pass kayo at tinuloy? Gan mo yun?
02:38Yes, Mr. Chair.
02:40So parang plug control. Nagba-bypass, dinediretso dun sa galing itong mga projects na ito.
02:48Ayon kay Gatchelian, tatlo sa malalaking contractors ng farm-to-market roads ay gumawa rin ng malalaking flood control projects at kasama pa sa top 15 contractors na tinungkoy ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:02Sinusubukan pa namin silang hinga ng pahayag. Dagdag niya, Bicol at Eastern Visayas ang mga rehiyong may pinakamaraming farm-to-market roads noong 2023.
03:12Tinignan namin rin yung projects noong 2023, slide 11. Majority of the projects nasa Region 5 and Region 8.
03:26Region 5, Bicol ba yan?
03:27Bicol Region and...
03:28Region 8.
03:29Region 8 ano?
03:30Sa amin po yun.
03:31Takloban?
03:32Takloban Region.
03:35Okay lala po na yun.
03:36Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Oras.
03:42Sa amin po yun.
03:46Inind hikol saradara ina ro na yun.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended