00:00Itinuro ng dalawang testigong humarap sa Senate Blue Ribbon Committee ang kontraktor na si Curly Diskaya.
00:07Si Diskaya Umano ang nagpangalan kay dating Speaker Martin Romualdez bilang bagong may-ari ng isang property sa South Forbes Park.
00:17Nakatutok live si Sandra Aguinaldo.
00:19Vicky, humarap nga po sa Senado ang dalawang testigo na nag-uugnay kay dating Speaker Martin Romualdez sa kontratistang si Curly Diskaya.
00:33Agad naman pong naglabas ang pahayag ang kampo ni Romualdez at ayon sa kanila, sabi-sabi lamang ang mga pahayag ng mga ito.
00:40Naka-mask at naka-baseball cap nang humarap sa Senate Blue Ribbon Committee, sina Maria at Joy, hindi nila tunay na pangalan.
00:53Anila, empleyado sila ng negosyanteng si Rico Ocampo sa inuupahan nilang lugar sa South Forbes Park.
01:00April 2023, naibenta raw ito at sinabihan silang kailangan na nilang umalis.
01:05January 2024, sinabihan daw sila ng kanilang boss na i-evict na sila.
01:11Kasunod daw nito, nakilala nila ang isang kontratista na kalaunay nakilala umano nilang si Curly Diskaya.
01:19Si Diskaya umano ang nagsabing si Noy Speaker Martin Romualdez na ang bagong may-ari ng lugar.
01:25How long did you talk to Mr. Diskaya?
01:27It's less than 5 minutes po pero kasi natandaan namin siya because he was the one manning the people.
01:34And he also mentioned to us, nakontraktor ako dito eh, meron din kaming deadline.
01:40And then we both asked, baka pwede po namin pakiusapan yung may-ari, yung bagong nakabili ng bahay.
01:48And then he also mentioned that si Romualdez ang nakabili.
01:53Tinanong ni Lakson sa dalawang testigo kung kaya nilang ituro ang kontraktor na tinutukoy nila.
01:59Pareho kayo na ina-identify nyo na siya mismo yung kaharap ninyo, na sinasabing ang may-ari ng bahay si Speaker Romualdez at kailangang umalis na kayo?
02:13Kindly answer, use the microphone.
02:15Tama po, sir.
02:21Pero pumalag si Diskaya.
02:23Your Honor, okay lang po ba't nanggali nila yung face mask nila?
02:26Kasi sa totoo lang po, talagang hindi ko sila naaalala kahit sa panaginip ko na nananaginip ako ng bahay.
02:31It's not for you to identify them, it's for them to identify you.
02:35No?
02:36Your Honor, wala po kasi ang maalalang transaction.
02:39What we are establishing here is the fact that there are two witnesses present here under oath na sinasabing nagpunta ka doon at nininemdrop mo, totoo man o hindi, si Speaker Romualdez na sinagmamay-ari, bagong may-ari.
02:57Sinang ayunan ng Department of Justice si Lakso na hindi kailangan mag-alis ng takib sa muka ng dalawang witness sa ngayon.
03:04Giit naman ni Diskaya.
03:05Kahit na minsan po, hindi pa po ako nakakapasok sa South Forbes Park.
03:09Hindi ko pa nga alam kung anong mga uri ng mga bahay meron doon.
03:13So, malabong-malabong po talaga at wala po akong inuutusan na kahit sinong mong broker.
03:19Sa pagtatanong sa witness, lumabas na ang nasa deed of sale ay ang Golden Feasant Holdings Corporation.
03:26Sa isang statement, sinabi ng kampo ni Romualdez na ang aligasyon ng dalawang witness ay logically and physically impossible.
03:33Dahil sinabi na raw ni Diskaya na hindi ito kailanman nakapasok sa South Forbes Park.
03:39Kaya imposible raw na may nakausap siyang sino man doon.
03:42The claims come solely from the staff of an evicted tenant, unsupported by any document,
03:51while Martin Romualdez's name appears in no deed, contract, or payment record related to the property.
04:00There is no evidence, only hearsay, and possibly perjured statements, and therefore nothing to answer.
04:10Humarap din sa pagdinig si dating DPWH Region 4B Regional Director Gerald Pakanan na pinunan ang mga senador dahil may takip ang mukha nito.
04:20Bakit po kailangan nakahood kayo at saka nakatakip?
04:27Yes, Mr. Chairman, because this might set a precedent for all other witnesses we will call here.
04:33They will request that their faces be covered.
04:37He is a public government employee.
04:41Bakit siya nagtatago?
04:43For my protection po.
04:47And security po.
04:48Pero hindi umobrah sa mga senador ang katwiran ni Pakanan.
04:53That's the ruling of the chair.
04:55Kindly expose your face.
05:01Si Pakanan ay nakakulong ngayon matapos kasuhan ng ombudsman sa Sandigan Bayan Kaugnay sa Flood Control Project sa Nauhan, Oriental Mindoro.
05:10Naging matipid na ang pagsagot ni Pakanan sa tanong ng mga senador at paulit-ulit na nag-invoke ng right against self-incrimination.
05:19Natanong naman ni Sen. Rodante Marcoleta ang tukos sa restitution o pagbabalik ng mga naibulsang pera ng ilang personalidad.
05:28Hindi raw kasi ito dapat gawing kondisyon para maging state witness ang isang tao sabay tanong kung may hiningiring ganito ang Department of Justice kay Diskaya.
05:37Paano sabi nila? Magkano daw?
05:40Ako po, hindi ko po masabi kung magkano po. Kasi para sa akin po, parang kami po ang nanakawan.
05:45Parang ibig sabihin, parang modern day na pag nanakaw, ibig sabihin yung nakaw ba?
05:49Siya pa ang magbibigay ng pera dun sa nanakawan niya. Parang ganun.
05:53Pinaalala naman ni Senadora Riza Ontiveros ang pangako ni Diskaya sa Senado na isusumiti ang ledger ng mga proyekto nila maging mga joint venture projects.
06:03Your Honor, nung nakalabas po ako yung honor nung nakaraan po, ay hindi po kami pinapasok halos nung mga taga City Hall.
06:09Kasi po yung mga taga City Hall po, pinasarado po nila yung office namin.
06:13Kasi po, ni-revoke po nila yung business permit po namin dahil sa kakulangan po ng occupancy permit.
06:18Ngayon po, wala na po kaming empleyado. Lahat po sila ay iniwan na po kami o yung iba po ay separated na po kasi sarado na po yung kumpanya namin.
06:28Parang kanina, lahat po tayo physically naghitla dun sa sinabi ni Mr. Diskaya na parang sila pa yung nanakawan.
06:37I would like to request the good chair to please reiterate yung utos ng komite kina Mr. Diskaya.
06:44I-submit yung ledger na sinabi ni Ms. Diskaya noon, mayroon sila ng mga proyekto pati joint venture projects mula 2016 hanggang 2022.
06:55Huwag po nilang sisisihin ang City Hall.
06:58I-submit yung marap din sa Senate Blue Ribbon Committee si Representative Leandro Leviste kaugnay sa Cabral Files.
07:10At gate niya, hindi niya ito sa pilitang kinuha kundi ibinigay sa kanya ng pumanaw na si Undersecretary Cabral.
07:17Sa panayam ng media, matapos nga po ang pagdinig ay sinabi rin ni Leviste na wala naman daw tutol na ilabas niya ang Cabral Files kaya balak niyang ilabas na ito ng buo.
07:28Yan muna po ang pinakahuling ulat mula dito sa Senado. Vicky, maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
Comments