00:00Nasa pangalawang araw na ang 2025 International Day for Universal Access to Information na isinagawa sa Pasay City.
00:08Si Gab Villegas at Italia Live. Gab?
00:15Joshua, ilang mga paksa ang inaasahan tatalakayin dito sa pagpapatuloy ng mga aktividad para sa 2025 International Day for Universal Access to Information dito sa Pasay City.
00:30Pamayang alas 9 ngayong umaga ay magkakaroon ng opening session kung saan ay magbibigay ng kanyang mensahe si Inter-American Court of Human Rights Judge Ricardo Perez Manrique.
00:41Susundan ito ng isang far side chat at panel na tatalakay sa papel ng Open Government Partnership sa paggamit ng open data transparency at public participation sa climate at environmental issues.
00:55Dalawang magkasunod na panel na may breakout sessions naman ang gagawin kung saan tatalakayin ang regional perspectives pagdating sa access sa environmental information at ang papel ng civil society sa pagsusulong ng access sa environmental information.
01:10Joshua, mamaya sa closing ceremony ay inaasahan magiging keynote speaker.
01:15Si Budget Secretary Amena Pangandaman at mamaya rin ay inaasahan na ilalabas ang 2025 Idoaya Manila Statement na ihimok sa mga bansa na pabilisin ang pagpapatibay sa access to information legislation
01:33bilang mahalagang hakbang sa pag-abot ng Sustainable Development Goal 16.10 na pagsapit ng taong 2030.
01:43At yan muna ang update mula rito sa PASA City. Balik si Joshua.
01:47Maraming salamat, Gab Villegas.