Skip to playerSkip to main content
Inulan ng batikos ang pahayag ni Cong. Bong Suntay sa Kamara tungkol sa aniya’y naisip niya nang makita si Anne Curtis.


Humingi na ng paumanhin si Suntay pero nanindigang “taken out of context” ang kaniyang sinabi at hindi siya nagsisisi sa pagkukumpara.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inula ng batikos ang pahayag ni Congressman Bong Suntay sa camera
00:04tungkol sa anya'y naisip niya nang makita si Ann Curtis.
00:09Humingi na ng paumanhin si Suntay pero nanindigang taken out of context
00:14ang kanyang sinabi at hindi siya nagsisisi sa pagkukumpara.
00:19Mula sa camera, nakatutok live si Mark Salazar.
00:23Mark!
00:26Ama, Vicky, tama, sa maghapong ito, mas nagliyab pa ang mga opinion
00:31laban kay Quezon City Representative Bong Suntay at sa hirit niya kay Ann Curtis.
00:37Bagamat kagaya ng sinabi mo, nagsori na siya, hindi ba?
00:41Pero marami pa rin ang hindi kumbinsido.
00:48Kontrobersyal ang sinabi ni Quezon City 4th District Representative Bong Suntay
00:52sa hearing ng House Justice Committee.
00:55Nakita ko si Ann Curtis. Ang ganda-ganda pala niya.
00:59You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga.
01:03Na-imagine ko na lang kung anong pwedeng mangyari.
01:05Pero siyempre, hanggang imagination na lang yun.
01:08Pero hindi naman siguro ako pwedeng kasuhan dahil kung ano-ano'y na-imagine ko eh.
01:14Agad inalmahan na mga miyembro ng komite ang anilay mga salitang offensive sa kababaihan
01:20na walang kinalaman sa tinatalakay na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
01:27Kinundin na rin ito ng Philippine Commission on Women.
01:30Ang mga sinabi raw ni Suntay ay sexual objectification o pagtrato sa kababaihan
01:36bilang isang bagay para lamang sa pagnanasang sekswal
01:39na hayagang ginawa ng isang taong may katungkulan at dapat pinagtitiwalaan.
01:44Insulto daw ito hindi lang sa aktres na si Ann Curtis
01:48kundi sa bawat babaeng Pilipino na nakaramdam na hindi sila ligtas
01:52dahil sa pananalita na mga nasa kapangyarihan.
01:55Isa raw itong seryosong betrayal of public trust
01:59at isang paglabag sa Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act.
02:05Public apology naman ang hinihingi ni Gabriela Partelis Representative Sara Ilago
02:10dahil ang pagbabahagi daw ni Suntay ng kanyang imahinasyon
02:14tungkol sa isang babae ay tahasang pambabastos.
02:17Ang mas nakakadismay raw, sabi ni Quezon City Joy Belmonte.
02:21E, majority floor leader pa naman daw si Suntay ng Konseho ng Lungsod
02:25noong ipinasan nila ang bawal bastos ordinansa
02:29laban sa mga mahalay, malisyoso at mapanlait na salita at gawa.
02:34Ang sabi ni Suntay kahapon,
02:36wala raw malisya ang kanyang mga sinabi tungkol kay Curtis
02:39at inilarawan lang niya ang kanyang punto sa pagtanggol kay Vice President Sara Duterte
02:45na nahaharap sa impeachment complaint kung bakit hindi pwedeng parusahan
02:49ng isang tao dahil lang sa kanyang iniisip.
02:52Matapos sa mga pambabatikos, nag-sorry kanina si Suntay kay Curtis.
02:57Pero nanindigan siyang taken out of context ang kanyang sinabi.
03:00Kaya, that analogy was not meant maliciously.
03:06It was an analogy based dun sa konteksto ng pandinig dito.
03:10It may have been in bad taste.
03:12For some, I apologize kung meron tayong mga sensitivities na tinamaan.
03:20But that was not the intention.
03:21The intention was to make a point.
03:24Now, usually, oftentimes, statements are taken out of context
03:30and conclusions are made.
03:32It was a fictitious situation.
03:35Hindi ko pa nga nakikita si Ann in person na panood ko lang siya sa TV.
03:39Dagdag di Suntay, pinagsisisihan niyang merong nasaktan
03:42pero hindi niya raw pinagsisisihan ang ginawa niyang pagkukumpara.
03:46Wala pang pahayag si Ann Curtis sa ngayon.
03:49Pero ang kanyang ina, tinawag na sick man at foul si Suntay.
03:53Ang kapatid naman ni Ann Curtis na si Jasmine Curtis Smith
03:57sinabing, hindi lang ito tungkol sa isang female celebrity
04:01kundi tungkol sa lahat ng mga babaeng minamaliit na mga lalaking nasa kapangyarihan.
04:06Kapag ang isang congressman daw ang nagsalita tungkol sa kanyang pagnanasa
04:10at imagination tungkol sa isang babae,
04:13pinalalakas daw nito ang kultura kung saan tinatrato ang mga babae
04:17bilang isang bagay na ginagamit,
04:19pinagpapantasyahan at ginagawa ng komentaryo
04:22sa halip na isang buong tao na may kakayahang magdesisyon,
04:27mag-isip at pamahalaan ng sarili.
04:29May paalala naman si House Speaker Boji D.
04:32sa mga mambabatas ngayong Women's Month.
04:34Bilang mga mambabatas,
04:36may bigat ang ating mga salita at hakbang.
04:39Responsibilidad natin na tiyakin ng bawat Pilipina
04:43ay ginagalang pinakikinggan at pinoprotektahan.
04:53Sabi rin ni Gabriella,
04:55Partylist Representative Sara Ilago,
04:57isa daw sa mga options na kanilang tinitingnan
05:00ay yung mag-file ng ethics complaint laban kay Suntay
05:03para daw mag-iwan naman ito ng leksyon sa mga mambabatas.
05:06At sabi niya, dapat daw siguro mga mambabatas
05:10ay sumailalim din doon sa Gender Sensitivity Seminars
05:13para naman hindi nang maulit na ito.
05:16Vicky?
05:17Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
Comments

Recommended