00:00Tagumpay ang pagdiriwang ng World Population Day 2025 ng Commission on Population and Development ngayong araw.
00:07Isang forum ang ginawa na dinaluhan ng iba't ibang sektor kasama ang mga ahensya ng pamahalaan.
00:14Isa sa mga tinutukan ng pagdiriwang ang sektor ng kabataan para gabayan sila sa usaping reproductive health.
00:21Isa ito sa mga sinusuportahan natin kasi nais natin ang mga young people ay magkaroon ng mas maraming kaalaman talaga tungkol dito.
00:32Pero meron naman tayong mga website malayaako.ph sa mga tanong na hindi matanong-tanong na ating mga kabataan.
00:38Meron din tayong Facebook page Malaya Akong Maging Doon maraming information na pwedeng kuhanin ating mga young people.