00:00Nagbitiw na bilang kongresista si Jacob Bicol Partilist Rep. Elizaldeco.
00:06Pero kasabay niyan, muli niyang itinanggi mga paratang laban sa kanya.
00:10Ito ang ulat ni Mela Lesmora.
00:13Sa gitna ng kabikabilang aligasyong ibinabato sa kanya
00:18ukol sa budget at flood control projects,
00:21formal ng nagbitiw bilang kongresista si Jacob Bicol Partilist Rep. Elizaldeco.
00:26Sa ipinadala niyang sulat sa kamara, sinabi ni Ko na napilitan na siyang maghain
00:31ng irrevocable resignation effective immediately
00:34dahil sabanta sa buhay niya at kanyang pamilya
00:37at umano'y kawala ng due process para sa kanya.
00:41Kamakailan lang, naghain na rin si Navota City Rep. Toby Tiangco
00:45ng ethics complaint laban kay Ko.
00:47At bago siya magbitiw, isa-isa niyang sinagot ang mga paratang ni Tiangco
00:51sa nasabing complaint.
00:53Una, patungkol sa umano'y questionabling insertions at realignment
00:57sa 2025 General Appropriations Act na siya umano'y mastermind.
01:02Marin ito'y itinanggini Ko at nanindigang lahat ng items sa gaa,
01:06sumalang at inaprubahan sa plenaryo at hindi lang naman siya ang nagpasa nito.
01:11Ikalawa, kaugnay sa kanyang leave of absence at umano'y extravagant display of wealth,
01:16giit ni Ko may sapat na dokumento ang kanyang mga biyahe
01:19at kahit nasa labas siya ng bansa, hindi naman siya tumitigil sa paghatid
01:23ng public service. Nanindigan din siya na hindi naman nagbago ang lifestyle
01:28ng kanyang pamilya nang siya'y maging pampublikong opisyal at hindi sila namumuhay
01:33ng higit pa sa kanilang kapasidad.
01:35Ikatlo, ukol sa kanyang umano'y personal na interes, sa gitna ng paglilingkod sa gobyerno,
01:40maring iginit ni Ko na pawang espekulasyon lamang ito.
01:44Sa ngayon, wala pang pahayag ang ako-bicol party list kung sino ang ipapalit nila kay Ko
01:49bilang kinatawan sa kongreso.
01:51Bukod kay Ko, isa pang naharap ngayon sa iba't ibang aligasyon ukos sa budget
01:55at flood control projects si dating House Speaker at later Representative Martin Romualdez.
02:00Pero muling iginit ni Romualdez na hindi ito totoo at guni-guni lamang,
02:05gayon din ang isa pang bagong paratang na tumatanggap din umano siya ng pera mula sa iligal na sugal.
02:11Tiniyak din niyang patuloy siyang makikipagtulungan sa investigasyon ng mga otoridad
02:15dahil wala naman siyang itinatago kasunod ng naging talumpati ni Sen. Francis Escudero laban sa kanya.
02:22Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.