00:00May bwelta naman ang ICI sa kampo ni dating Congressman Zaldico.
00:05Matapos itong kwesto din ang pagdawit sa dating kongresista sa Flood Control Scam,
00:10yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:14Nanindigan ng Independent Commission for Infrastructure
00:17na ang rekomendasyon nilang kasuhan si resign Congressman Zaldico
00:21hinggil sa manumalyang flood control projects
00:24ay nakabatay sa malalimang investigasyon at mga nakalap na ebidensya.
00:29Ito ay matapos sabihin ng abogado ni Ko na walang ebidensyang magpapatunay
00:34na may nagawang krimen ang kanyang kliyente, kaya't hindi raw ito dapat kasuhan.
00:38We are in fact acting on the basis of our investigation,
00:45on the basis of the testimonies and on the basis of the evidence given to us.
00:51Sa interim report na isinumite ng ICI sa Ombudsman,
00:54nakasaad na humihingi umano si Ko ng porsyento
00:57sa bawat flood control project na kanyang ipinapasok sa national budget
01:01at ang pera ay ibinabagsak umano sa parking lot ng isang high-end hotel sa Taguig City
01:07kung saan umano may pag-aaring penthouse ko at sa kanyang mansyon sa Pasig City.
01:13Samantala, nanindigan ng abogado ni Ko na ang ghost projects ay hindi congressional insertions,
01:18kundi parte ng National Expenditure Program na inihanda ng Executive Department.
01:25Pero ayon kay Budget Secretary Amen na pangandaman,
01:28ang nilalaman ng NEP ay nakadepende sa proposals ng kaukulang mga ahensya,
01:33kaya't mas mainam umanong tanungin na lamang ang Department of Public Works and Highways
01:37hinggil sa ghost projects.
01:39Sinabi rin ang abogado ni Ko na may natatanggap na pagbabanta sa buhay ang kanyang kliyente
01:44kaya't hindi ito makauwi ng bansa at nanindigan ito na walang pag-aaring aeroplano o choppers ni Ko
01:51dahil ang mga kinequestong air assets ay pagmamayari humano ng kumpanyang Misibis Aviation.
01:57Pero ayon sa ICI, natural na ang mga ganitong pahayag bilang depensa ng isang abogado sa kanyang kliyente.
02:06Samantala, inanunsyo rin ang ICI na alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:12inaprobahan na ng DBM ang paglalabas ng mayigit 41 milyon pesos na pondo para sa komisyon.
02:19Kukuni ng pondo sa 2025 Contingent Fund.
02:22Sa ilalim nito, aprobado ang paglika ng 172 contractual positions, kabilang na ang para sa mga abogado.
02:31This approved budget covers the ICI's operational requirements and capital outlay until the end of 2025.
02:40This approvals will definitely enable the Commission to now efficiently and effectively
02:49carry out its core mandate and functions under Executive Order 94.
02:55Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.