00:00Si Dating House Speaker at Leite First District Representative Martin Romualdez na kahit kailan,
00:06hindi siya nagnakaw sa pondo ng bayan.
00:08Itong sagot niya sa pagkakadawit sa kanya sa umano'y maanumalyang flood control project sa bansa.
00:14Samantala, ang iba pang kongresista, umalag din sa pagkakadamay sa issue.
00:19Ang detalya sa report ni Melales Moraz.
00:21Mariing iginiit ni Dating House Speaker at Leite First District Representative Martin Romualdez na kahit kailan,
00:32hindi siya nagnakaw sa pondo ng bayan at lubos niyang ikinagulat ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
00:40Ang naging akusasyon kay Romualdez, baga-bagahe umano ng malitang naglalaman ng pera mula sa flood control projects ang na-deliver sa kanyang bahay.
00:50Git ng kongresista, imposibleng mangyari ito dahil ang tinukoy na bahay niya, matagal nang nakasarado dahil nire-renovate hanggang ngayon, simula pa noong January 2024.
01:02Malinaw na pamamulitika lamang umano ito at hindi niya hahayaang dungisan ni naman ang kanyang pangalan,
01:09lalo pat kahit kailan, hindi naman siya nakatanggap ng anumang kickback sa mga proyektong pang-imprastruktura.
01:16Nabanggit din sa Senate hearing si Benguet Representative Eric Goyap.
01:20Pero nanindigan din siya na hindi siya tumanggap o nag-deliver ng anumang pera na may kaugnayan sa flood control projects.
01:28Muli rin nabanggit sa pagdinig ng Senado si Ako Bicol Partilist Representative Saldico,
01:34pero dati na niyang itinanggi ang mga aligasyon laban sa kanya.
01:38Mela Lasmoras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.