00:00Mag-uumpisa na sa Setiembre ang hiwalay na investigasyon ng Kamara sa umano'y palpak na flood control projects.
00:06Yan ang ulat ni Nela Les Morax.
00:10Inaasahang magsisimula na sa Setiembre ang hiwalay na investigasyon ng House Tricomitee o Infracom
00:16ukol sa umano'y maanumaliang flood control projects sa bansa.
00:20Ayon kay Tricom Co-Chair Joel Chua, bukod sa pagpapanagot sa mga dawit sa issue,
00:25target din nilang bumuo na mga bagong panukalang batas para maiwasan na ang baha at mapigilan na ang korupsyon sa mga proyekto ng gobyerno.
00:34Kung ano yung makikita po natin ng mga loophole sa mga kasalukuyang batas natin, e yun ang dapat na punan natin.
00:42Diba? Kasi bakit may mga nakakalusot na ganitong klaseng mga programa? Bakit may mga ghost project? Diba?
00:50Mungkahi pa ni Chua, napapanahon na rin para magkaroon tayo ng flood control master plan.
00:55Lubos itong makatutulong lalo na ngayong sunod-sunod ang bagyo.
00:59So sa akin po paniniwala, dapat magkaroon talaga ng isang malaking master plan.
01:03Nang sa ganun, malaman talaga kung ano talaga ang kailangan at magiging solusyon.
01:08Kasi kung gagawa lang tayo ng mga programa, tapos hindi naman talaga masusolusyonan ng matindi,
01:16e baka nagsasayang lang tayo ng pondo.
01:19Pero hindi pa man nagsisimula ang imbestigasyon ng Kamara,
01:23may ilan ang tumututol dito dahil sa umano'y conflict of interest.
01:27Sagot naman dyan ni House Deputy Minority Leader Antonio Tino.
01:31Sa halip na pigilan ang Kongreso,
01:33mas mainam na ituloy ito at i-maximize kung ano ang pwedeng malantad sa issue ng flood control.
01:47This does not preclude yung investigation mismo ng whether it's a ombudsman or a co-special audit ay kailangan pa rin gawin ang mga yan.
02:02Mula sa magiging pagsiyasat ng Kamara,
02:04nag-iisip na rin si Tino ng mga bagong panukalang maaaring buuin ukol sa issue.
02:09Ang mga pwedeng arali dito, i-review ay yung mga anti-corruption laws natin basically.
02:20Giit ng mga kongresista sa huli, tanging katotohanan lamang ang nais nilang mapanaig.
02:25Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.