00:00Itinanggi ni dating House Speaker Martin Romualdez na may transaksyon sila ng mga diskaya.
00:07Ito'y matapos sabihin ni Sen. President Pro Tempore Panfilo Lacson na kabilang sa mga tatalakain sa pagdinig ng Sen. Blue Ribbon Committee sa lunes
00:16ay ang ulat na ginamit umanong front ni Romualdez ang mga diskaya para bumili ng property sa Makati City.
00:25Si Luisa Erispe sa sentro ng balita.
00:27Representative Romualdez has no knowledge nor involvement in the purported transaction.
00:37Representative Romualdez has not met the diskayas and has only heard of them based on what is being said in the media.
00:47Hindi kilala at walang anumang transaksyon o koneksyon sa mga diskaya.
00:52Ito ang sagot ng kampo ni Leyte Representative at dating Speaker Martin Romualdez
00:57sa aligasyon na bumili-umano siya ng property sa isang plush subdivision at ginamit na front ang mga diskaya.
01:05Tinawag din ang kampo ni Romualdez na walang basihan ang mga akusasyon.
01:11The claim in the report about using the diskayas as a front in a property purchase is outright baseless.
01:18Gigit pa nila sa sinumpang salaysay ni Curly Diskaya noong September 2025 sa pagdinig sa kamera,
01:25sinabi niya mismo wala siyang direktang transaksyon o koneksyon kay Romualdez.
01:30Mr. Curly Diskaya categorically declared, I quote,
01:37Gusto ko lang po linawin na wala po akong direktang transaksyon.
01:44Hindi po ako nagkaroon ng anumang klaseng transaksyon kay Speaker Martin Romualdez.
01:51End of quote.
01:52Matatandaan na si Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairman Pan Filolaxon mismo
01:57ang nagbulgar na may nakuha siyang impormasyon na ginamit ni Romualdez ang mga diskaya para makabili ng bahay.
02:05Pero wala pa siyang matibay na ebidensya na magpapatotoo rito.
02:09Nung mapanood ng mga maid, sinadiskaya rito,
02:13Ma'am, yan yung bumili ng bahay mo ah.
02:18Ganon. Yan yung konting detalya no.
02:20But these are, of course, hindi galing sa so-to-speak yung horse's mouth.
02:26Kaya gusto natin maimbitan mismo yung former owner na siya na mismo magsabi na ang kausap niya mga diskaya.
02:34But hindi lang isang source ito, maraming sources ito.
02:37I've spoken to at least three sources na pare-pare yung sinasabi.
02:40Kung sakali man anyang totoo, ito na ang magpapatunay na may direktang koneksyon si Romualdez sa mga diskaya.
02:48At the very least, yung direct connection or link niya with the diskayas.
02:53Kasi hindi lang ganon. Hindi naman siguro nag-ahenti si diskaya.
02:58Kung siya yung front, siya yung lumalabas na bumili,
03:02ganon na lang kalaki ang tiwala kung totoo ha,
03:06ni speaker, former speaker kay diskaya.
03:09So hindi ganon kababaw yung kanilang pagsasak, yung kanilang samahan.
03:14Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa lunes,
03:17posibleng dumalo ang dating may-ari ng bahay kung papayag itong tumistigo.
03:22Samantala, bukas din naman anya ang komite para kay Sen. Amy Marcos
03:26kung may ilalatang itong ebidensya laban din kay dating Speaker Martin Romualdez,
03:31taliwas sa pahayag dati ng senadora na pinagbawalan umano siyang pumunta at magtano.
03:36Kung meron siyang mayaambag na ebidensya para madiin ang kanyang pinsan,
03:41sumali siya sa pagdinig. Walang pipigil sa kanya at walang magbabawal sa sasabihin niya o gagawin niya.
03:49Pero sumagot naman muli ang senadora na balato na umano niya sa komite ang oras niya.
03:54Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.