00:00Nagsimula ng maglagay ang government facilities sa tapangko bilang proteksyon sa epekto ng bagyong nando.
00:11Si Rodeline Amboy, Radio Pilipinas, sa Sento ng Balita. Rodeline.
00:18Puspusan ang isinasagawang paghahanda ng mga ahensya ng pamahalaan sa lalawigan ng Batanes
00:23dahil sa inaasahang pananalasan ng bagyong nando.
00:27Sa Pre-Disaster Risk Assessment o PIDRA ng PDRMC Batanes,
00:32natalakay ang maagang paglalagay ng mga tapangko sa government facilities bilang proteksyon sa nasabing bagyo.
00:39Sa isinagawang pag-iikot ng RP Batanes kanina, makikita ang ilang government agencies na abala
00:45sa paglalagay ng mga tapangko na kilala bilang isa sa mga epektibong paraanang seguridad sa mga tahanan tuwing malalakas ang mga bagyong.
00:53Sa pribadong sektor ay wala pang nahikitang nagkakabit ng mga tapangko o nagtatali ng mga bubong.
00:59Pinayuhan naman ang mga residente na lumapit sa kanilang mga LGU upang matulungan sila sa paglalagay ng lubid,
01:06lalo na sa higit dalawang libong mga bahay na gawa sa lightweight materials sa bayan ng Basko.
01:11Sa ngayon, maayos pang panahon sa lalawigan ng Batanes at nananatiling maayos pa rin ang lagay ng karagatan.
01:18Mula Batanes para sa Integrated State Media, Rodeline Amboy ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
01:25Maraming salamat, Rodeline Amboy ng Radyo Pilipinas.