00:00Labis na pinsala ang dulo ni Bagyong Tino nang mag-landfall ito sa Silago, Southern Leyte.
00:06Sa katunayan, nananatiling walang kuryente at supply ng tubig sa buong bayan
00:11dahil sa landslide na sumira sa isa sa mga water pipelines.
00:15Si Rayan Arinto ng Philippine Information Agency sa Sentro ng Balita.
00:22Malalakas na hangin at buhos ng ulan ang humugupit sa mga lalawigan ng Leyte at Southern Leyte
00:27matapos ang unang landfall ni Bagyong Tino sa Silago, Southern Leyte bandang alas 12 kaninang hating gabi.
00:33Sa report ng Silago MDRRMO, walang kuryente at supply ng tubig sa buong bayan
00:39dahil sa landslide na sumira sa mga water pipelines.
00:43Mahirap pa rin marating ang bayan sa ngayon dahil sa mga natumbang poste ng kuryente at mga punong kahoy.
00:50Sa rapid damage assessment na isinagawa ng Silago LGU,
00:54ay wala namang naiulat na namatay at nasugatan dahil sa forced evacuation na ipinatupad ng LGU.
01:01Naramdaman din sa Tacloban City ang hagupit ni Bagyong Tino.
01:05Sa video nito, ipinakikita ni Mayor Alfred Romaldes ang malalakas na alon na humahampas sa tide embankment.
01:12Nagsagawa naman ng clearing operations sa malaking bahagi ng Tacloban
01:16matapos magsibagsakan ang mga punong kahoy.
01:19Samantala, sa situational report ng RDRRMC, may 8,883 pamilya o 29,160 na individual
01:29ang apektado ng bagyo sa buong regyon.
01:33Aabot naman sa 10,977 na individual ang nagsilikas sa 114 na mga evacuation centers sa iba't ibang LGUs.
01:42Ang ilan sa kanila ay nananatili pa rin sa mga evacuation centers habang hindi pa ibinababa ang storm warning signals.
01:50As of this time, initial information pala natin na re-receive, may na natin na mga identified kung mga number of affected families
02:02and may na natin na mga disruption to electricity and connectivity ito na itong communication.
02:12But initial pala ito, di-repeto ang kabugusan na sitwasyon kasi as of this time,
02:18gina-advise natin na mga affected local disaster reduction management councils, mga LGUs,
02:26to conduct itong era, tagsatagsang ng mga rapid damage analysis.
02:30Ayon naman sa Philippine Coast Guard, may 764 na mga pasahero at 371 rolling cargos
02:39ang stranded sa Northern Samar, Samar, Leyte at Southern Leyte.
02:44Hindi pa rin pinapayagang pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat
02:48habang nakataas pa rin ang storm warning signals sa buong regyon.
02:53Wala pa rin pasok sa mga pisina at lahat ng antas ng paaralan ngayong araw.
02:58Wala pa rin supply ng kuryente sa karamihang bahagi ng Leyte at Southern Leyte
03:02at pahirapan pa rin ang linya ng komunikasyon.
03:06Ayon sa NGCP, ang pagkawala ng kuryente ay bunsud na mga nasirang poste
03:11at ang sitwasyon mismo sa mga local distribution utilities at electric cooperatives.
03:17Siniguro naman ang DSW din na sapat ang supply ng mga food at non-food items
03:22at lahat ay nakapreposition na bago pa man humagopit si Bagyong Tino.
03:27Sa report naman ng CAAP, bumalik na ang operations ng Katarman at Kalbayog Airports
03:32pero nanatiling canceled pa rin ang mga biyahe ng aeroplano.
03:37Sa Tacloban, operational na rin ang airport
03:40subalit nanatiling kansilado pa rin ang mga flights ng mga aeroplano.
03:45Mula sa lungsod ng Tacloban para sa Integrated State Media,
03:50Rayan Arinto ng Philippine Information Agency.