00:00Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kawaninang gobyerno, first responders at volunteers na tumulong sa mga biktima ng Super Typhoon 1.
00:09Ang detali sa report ni Clizel Pardelia.
00:13Sa kabila ng matinding ulan at malawakan pagbaha, hindi nagdalawang isip ang mga kawaninang gobyerno, first responders at volunteers na tumulong sa mga biktima ng Super Bagyong 1.
00:27Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kabayanihang ito.
00:34Naging malaking tulong aniya ang maagang pagkilos at mabilis na paglikas para maabatan ang mas malaking pinsala kung hindi ito nagawa.
00:44Kalahating milyong pamilya ang inilikas dahil sa Super Bagyong 1.
00:49Inatasan ni Pangulong Marcos ang mabilis at patuloy na pagbibigay ng tulong ng mga ahensya ng gobyerno.
00:56Ipinagutos ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development o DSWD sa pangungunan ni Sekretary Rex Gatchelian ang tuloy-tuloy na pagbibigay tulong sa lahat ng mga sinalanta ng bagyo.
01:09Ipinagutos din ang Pangulo sa lahat ng ahensya ng pamahalaan ang walang humpay na pagbabantay sa lagay ng panahon mula ngayong araw hanggang bukas.
01:17Nasa 6 milyon at 400 libong pisong halaga ng mga family food pack, hygiene at sleeping kit ang naipamahagi na ng DSWD.
01:27Bago pa tumama ang Bagyong Tino, bago pa itong Bagyong Yuan, meron tayong halos 2 milyon na family food packs na nakakalat sa buong bansa.
01:36So yung mga preposition goods na yan, iba pa yan dito sa pinuproduce kada araw.
01:41So kung tatanungin tayo kung may sapat na food packs para sa ating mga kababayan, meron at hanggang handang-handa ang DSWD na tumulong sa ating mga local government units para marespondihan ang pangangailangan ng kanila mga mamayayan.
01:54Ipinagutos din ni Pangulong Marcos ang pagdideploy ng medical teams sa mga biktima ng kalamidad.
02:00Papalo na sa 6.7 milyon pesos na halaga ng medical supplies ang naipamahagi sa mga evacuation center sa Nueva Ecija.
02:10Sumailalim naman sa libreng check-up at nakatanggap ng mga bitamina at gamot ang mga biktima ng bagyo sa Aurora.
02:17Puspusa na rin ang rehabilitasyon ng mga kalsada para agad na makapaghatid ng tulong.
02:2324-7 na ang clearing operations ng Department of Public Works and Highways sa mga naglalakiang kalsada sa Luzon at Mindanao.
02:32Layo nitong agarang makapaghatid ng servisyo ang pamahalaan sa mga hinagupit ng bagyong uwan.
02:37Samantala, pinaiimbestigahan na ng Malacanang ang mga alkalde na wala sa kanilang mga nasasakupan
02:44nang manalasa ang bagyong tino na nagdulot ng matinding baha at pagkasawi ng buhay.
02:51Umani ng batikos ang UK trip umano ng mga local chief executives bagaman hindi pa dumarating ang bagyong tino nang mapagplanuhan ng pagalis sa bansa.
03:02Nag-abiso naman anilang pag-asa sa pagdating ng kalamidad.
03:05Pero itinuloy pa rin umano ito ng mga punong bayan na inaasahang popronta sa preparasyon at tutugon sa mga sakuna.
03:14Kailangan muna ito ma-assess ano ba talaga ang kanilang pakay papunta sa ibang bansa
03:18at kung ito po ba talaga inaka-apekto sa mabilisang pag-aksyon para sa mga kababayan natin na nakaranas ng hagupit ng bagyo.
03:32Hindi po natin agad-it-gad ito masasabi na sila ay may sala na. Kailangan po pag-aralan muna.
03:36Kaleizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.