Skip to playerSkip to main content
Bagyong #NandoPH, nakalabas ng bansa; isa pang bagyo, binabantayan ng PAGASA | Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala patuloy na binabantayan ng pag-asa ang bagyong opong na nasa karagatan pa ng bansa.
00:05Naasahan ng mga pagulan bukas dahil po sa bagyo.
00:08Si Denise Osorio sa Detalye Live. Denise.
00:15Daya nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong nando.
00:21Pero huwag tayong kampante dahil mayroon pa rin itong epekto sa hilagang bahagi ng Luzon
00:27dahil nahahatak nito ang hanging habagat.
00:31Bukod pa dyan, mayroon pa tayong isa pang binabantayang panibagong bagyo
00:35na kapapasok lamang kahapon ng hapon sa Philippine Area of Responsibility.
00:40Kung kaya't makakaranas pa rin tayo ng masabang panahon at pabugso-bugso ng pagulan.
00:46Dayaan kasama natin ngayong umaga si Sir Benison Estereja, Pag-asa Weather Specialist
00:52para bigyan tayo ng mga update tungkol sa bagyong opong.
00:58Magandong umaga, Sir Benison.
01:00Sir, ano po yung ating panibago o pinaka-latest update tungkol po sa bagyong opong?
01:07Sa ngayon itong si bagyong opong ay nasa gitna pa rin po ng Philippine Sea
01:10sa may silangan po ng northeastern Mindanao around 880 kilometers
01:14at kumikilos generally west-northwest sa susunod po ng dalawang araw.
01:19So possibly Friday po ng madaling araw, nasa may silangan na ito ng Summer Island.
01:23At simula po Friday hanggang Saturday, dyan na babagtasin ang bagyo.
01:27Ang Eastern Visayas, Southern Luzon, and that includes Bicol Region, Calabar Zone, Mimaropa,
01:33hanggang dito po sa Metro Manila, and Central Luzon.
01:36Hanggang pagsapit po ng Sabado ay makalabas dito sa may West Philippine Sea.
01:40Sir, saan po inaasahang dadaan ng bagyo?
01:43Ano po yung track nito?
01:44At saan rin po siya magla-landfall?
01:46Madadaanan po ba ang Metro Manila?
01:48Kung yung pag-uusapan natin ay yung landfall point, medyo tumataas pa yung chance.
01:52Tumataas pa yung ating uncertainty dahil medyo marami pa tayong senaryo na nakikita.
01:56Possibly, mag-landfall ito somewhere dito sa may pagitan po ng Bicol Region and Summer Island.
02:02Then magkakaroon din ang possible landfall sa natitirang bahagi pa po ng Kabikulan.
02:06Pag-sapit ng Friday morning up until afternoon.
02:09And then afterwards, babagtasin itong Calabar Zone at hilagang bahagi ng Mimaropa.
02:14Hindi rin natin inaalis yung chance na pagsapit ng ating gabi hanggang madaling araw po ng Sabado.
02:19Ay malapit na ito sa may National Capital Region.
02:21And then afterwards, dito sa may kandurang parte po ng Central Luzon.
02:24Sir, kung yung super typhoon nando po, sobrang lakas ng hangin.
02:28Ito pong kay Bagyong Opong, ano po yung mararanasan natin kung sakaling manalasa po itong bagyo sa atin?
02:36Compare dito kay Bagyong Nando na naging super typhoon nga, which is more than 215 kilometers per hour.
02:41Yung naging lakas ang hangin.
02:42Yung forecast natin for a tropical storm Opong sa ngayon, lalakas pa ito.
02:47Sa ngayon, 65 kilometers per hour.
02:49Possible na umabot siya hanggang more or less 100 kilometers per hour.
02:52So kahit sabihin natin, comparative din dito kay Nando, hindi ganun kalakas.
02:56So balik, yung dala niyang hangin, malakas pa rin po.
02:59Equivalent sa parang tumatakbong mabilis na susatyan sa expressway.
03:02At posible pa rin makasira ng mga ilang structures.
03:04At yung mga puno at poste ng kuryente.
03:08Sir, meron po ba tayong rainfall forecast?
03:10Kung aling mga lugar po ang makakaranas ng mabigat na rainfall or matinding pagulan?
03:16Sa ngayon, yung nakikita natin na heavy rainfall.
03:18Magsisimula po pagsapit ang Friday at magpapatuloy up until Saturday.
03:22Magsisimula yan dito sa may eastern portion po ng Visayas.
03:25Hanggang sa makarating po dito sa may kabikulan.
03:29Yun pa rin, yung pa rin mga mismong dadaanan po ng bagyo.
03:31Yung Southern Luzon, itong NCR plus Central Luzon.
03:34Naasahan po natin yung mataas sa chance na ng pagulan.
03:36And that could range between 100 millimeters or more dun sa mga areas po na dadaanan itong bagyo.
03:44So mataas ang chance na pa rin ng mga flash floods or landslides.
03:46Sir, ano po ang mensahe natin para sa ating mga kababayan na madadaanan po ng bagyo para mapaghandaan po nila ito?
03:53Yes, sa ngayon pa lamang dapat paghandaan na po nila itong paparating po na bagyo.
03:57Dahil dalawang araw na lamang yung binibilang natin at mararamdaman muli ng ating mga kababayan
04:02yung malakas na hangin at ulan na minsan bumabagyo nga po.
04:05So posible talaga makasira ito ng mga structures, makapagpalipad ng mga bubong.
04:09Possible po na magkaroon po muli ng mga flash floods.
04:13At pag-apaw ng mga ilog doon sa mga bulubundukin na lugar, possible naman yung pagbuho ng lupa.
04:18So lagi tumutok sa ating mga updates.
04:20Maraming salamat po, Sir Benny.
04:22Salamat.
04:23Daya para naman sa update ng ating mga dam.
04:26Kasalukuyang nakabukas pa rin ang limang gate ng Ambuklao Dam,
04:33anim na gate ng Binga Dam, isang gate ng Ipo Dam,
04:36at tatlong gate ng Magat Dam.
04:39Dahil pa rin ito sa pagragasa ng Bagyong Nando.
04:41Halos 750 meters ang tinaas ng Ambuklao Dam at 570 meters naman ang Binga Dam.
04:48Kung kaya't kinakailangan, panatilihing nakabukas pa rin ang mga gate nito
04:52para hindi umapaw ang ating mga dam.
04:55Payo naman ang pag-asa para sa mga LGU.
05:00Patuloy ang pag-a-update nila at patuloy natin tutukan ang mga advisory ng ating mga LGU
05:06para matatili tayong safe, lalo nang meron pagdating ng bagong bagyo.
05:09Yan ang pinakahuling update mula rito sa pag-asa.
05:12Balik sa iyo, Diane.
05:14Maraming salamat, Denise Osorio.

Recommended