Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
MMDA, nagpapatupad ng zipper lane sa Commonwealth Avenue kasabay ng SONA ni PBBM | ulat ni Bernard Ferrer

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, sa puntong ito, alamin natin ang mga pangyayari dyan sa labas.
00:04Ang MMDA mahigpit na nakatuto sa trapiko, particular na sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
00:11Ang zipper lane ipatutupad.
00:14Ang detalyo niyan, alamin natin mula kay Bernard Ferrer ng PTV.
00:18Bernard?
00:21Asek Alan, asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue.
00:28Ngayong hapon, kasabay ng ika-apat na State of the Nation address ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:35kung saan inaasahan ang pagdating ng maopisyal ng pamahalaan maging ng mga panauhin para saksihan ang ulat sa bayan ng Pangulo.
00:44Kiniyak naman ang MMDA na nakamonitor sila sa mga pangunay lansangan, particular dito sa Commonwealth Avenue.
00:50Nagpapatupad na ang Metropolitan Manila Development Authority MMDA ng zipper lane o counterflow sa Commonwealth Avenue
01:02para bigyan daan ang mga sakyan ng opisyal ng pamahalaan.
01:06At mga panauhin na dadalo sa ika-apat na State of the Nation address o Sona ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
01:14sa batasang pambansa sa Quezon City.
01:16Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong daan upang maiwasan ang inaasang mabigat na trapiko sa Commonwealth Avenue at IBP Road.
01:26Kung manggagaling ng northbound mula elliptical road, dumaan sa North Avenue, kumanan sa Mindanao Avenue, pagkatapos ay kumanan sa Sauyo Road o dumaan sa Kerino Highway patungo sa destinasyon.
01:39Kung manggagaling naman ang southbound mula Commonwealth Avenue, kumaliwa sa Sauyo Road o Kerino Highway, kumaliwa sa Mindanao Avenue, pagkatapos ay kumaliwa sa North Avenue.
01:51Para naman sa mga light vehicles, mula C-5 Road, maaaring kumaliwa sa Magiting Street, kumanan sa Maginhawa Street, kumaliwa sa Mayaman Street patungo sa Kalayan Avenue.
02:03Para sa mga track, ang mga track na mula C-5 sa Katipunan Avenue ay maaaring dumaan sa Luzon Flyover at kumaliwa sa Congressional Avenue.
02:13Pinukanan mismo ni MMDA Chairman Romano Don Artes naman ang pag-inspeksyon sa MMDA Mobile Command Center upang tutukan ang sitwasyon sa mga lansangan.
02:24Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang untoward incident ang MMDA.
02:29So far, wala. May mga pocket rallies pa lang yung nakikita natin. Mukhang yung malaki ang rally ay after lunch pa.
02:38Especially siguro dahil kanina umaga, medyo malakas yung ulan.
02:41Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, nasa 1,129 na personnel mula sa iba't ibang unit ang naitala o naitalaga upang magmando sa daloy ng mga sakyan at pedestryan.
03:02Tumugon sa mga emergency at maglinis sa mga kalsada at tumulong sa crowd control.
03:07Ipinatupad din ang no-day-off, no-absent policy para sa mga field traffic personnel.
03:14Nakahanda rin ang mga ambulansya, tow truck, fire truck, mobile patrol units, motorcycle units, flood mitigation equipment at iba pang kagamitan para sa mga itinalagang ruta at staging area.
03:27Naglagay na rin ng mga traffic advisory signages sa mga alternatibong daan upang gabaya ng mga motorista.
03:32Magkakaroon din ang mga plastic barriers at traffic cones sa mga zipper lane at mga apektadong kasada.
03:40Samantala, sinimulan din ang MMDA Special Operations Group Task Force ang road at sidewalk clearing operations sa paligid ng batas ng pabansa upang matiyak na walang illegal parking at sidewalk vendors sa mga alternatibong daan.
03:55Narito naman ang pahayag ni Chairman Artes, kaugnay ng Sona, ni Pangulong Martes Jr.
04:01Ano natin yung positibo rather than yung negative kasi ang nangyayari sa atin, lalo sa social media, kahit accomplishment na ang hinahanap ng ating mga kababayan ay yung pagkukulang, pagkakamali, hindi yung bigger picture na may nagagawa ang pamahalaan.
04:17As ikala, nandito tayo sa Commonwealth Avenue.
04:24Ito yung lane papunta sa Elliptical Road kung saan nandito rin yung zipper lane, yung pinatutupad na zipper lane para sa mga VIP, para sa mga diplomat, para sa mga official ng pamahalaan na dadalo sa ikaapat na Sona ni Pangulong Martes Jr.
04:40Sa mga oras na ito, yung mga sasakyan patungong Elliptical Road ay maayos pa, mabilis pa yung takbo, pero sa kabilang lane naman, yung mga patungong IDP Road hanggang purview, may pagbabagal na sa daloy ng mga sasakyan.
04:55Lalo't yung ilang lane doon ay okupado naman ng mga otoridad para magbantay at iyakin ang siguridad ng ikaapat na Sona ni Pangulong Martes Jr.
05:05Balik sa iyo ang ASEC Alan.
05:07Maraming salamat, Bernard Ferrer ng PTV.

Recommended