00:00Pinuna ni Vice President Sara Duterte ang pagbuo ni Pangulong Marcos ng Independent Commission
00:05na sisilip sa maanumalyang flood control projects at iba pang government infrastructure projects.
00:12Samantala si Congressman Zaldico na idinadawit sa isyo ng kurakot na proyekto kontrabaha,
00:18idinawit din sa isyo ng pag-iimport ng isda.
00:21May report si Tina Panganiban Perez.
00:25I waive the privilege.
00:27Is inantabi ni Vice President Sara Duterte ang parliamentary courtesy na tradisyong ibinibigay ng Kamara
00:34sa Office of the Vice President tuwing budget deliberations.
00:38Ibig sabihin, pumayag siyang matanong ng mga mambabatas para sa proposed 2026 budget ng OVP na mahigit 902 million pesos.
00:48Pero nang muling buhayin ng ilang mambabata sa isyo ng 2022 confidential funds ng OVP,
00:54may mga kwestyong hindi sinagot ang bise.
00:57Last August 8, 2024, nag-issue po ng Notice of Disallowance ang COA, Commission on Audit,
01:06sa 73.28 million na halaga ng confidential funds.
01:13Sabi ng COA ay wala raw accomplishment reports na ipakita or sinabmit ang Office of the Vice President para dito.
01:24Ano na po ang status ng Notice of Disallowance?
01:27Madam Chair, I suggest that the congressman ask this during the hearing of the Commission on Audit.
01:34Sabi ng sponsor ng OVP budget na si Palawan 2nd District Representative Jose Alvarez,
01:40iti-check niya ito sa COA at babalikan si Tinio.
01:43Pero inungkat pa rin ni Tinio ang isyo ng Notice of Disallowance
01:47at ang mga kontrobersyal na pangalang nakapirma sa mga acknowledgement receipt
01:52na isinumite ng OVP sa COA para ipaliwanag ang pag-astos nila sa CONFI funds.
01:57Ayon sa investigasyon ay 1,322 out of 1,992 names in the OVP ARs submitted to the PSA have no birth records.
02:15So kasama po dito yung mga pangalang Mary Grace Piatos, Fernando Tempura, meron pang shell joke, no?
02:24The subject confidential funds is a matter in impeachment proceedings which is archived
02:35but there is a pending motion for reconsideration in the Supreme Court.
02:40I cannot discuss defense strategy. I cannot discuss intelligence operations.
02:50Nang matanong naman kaugnay sa mga biyahe niya sa ibang bansa,
02:54iginiit ng bise na lahat ay may travel authority galing sa Office of the President
02:59at hindi galing sa kabanambayan ang ginastos.
03:03Nang si Kabataan Partilist Representative Rene Coe ang nagtanong,
03:07siya naman ang binalinga ng bise kung kaanak ba niya si Representative Elizalde Coe
03:13na idinadawit sa isyo ng flood control projects
03:15at ayon kay Representative Toby Chanko ay nasa likod ng lagpas 13 billion pesos na insertions
03:23sa national budget noong 2025.
03:25Paano po pinapondohan yung pagpunta, flight and accommodations ng staff and security ng OVP?
03:33Madam Chair, may I be allowed to ask a question?
03:38Depende sa nature or Madam Vice President?
03:46Yes. Magpinsan po ba si Congressman ko ngayon at si Zaldi Coe?
03:52I have no familiar relation po to Zaldi Coe or to Representative Zaldi Coe or any of their relatives po.
04:01Kalauna nagpaliwanag ang bise, kaugnay sa gasto, sa ilan niyang international travels?
04:07The total for nine trips for both the security and OVP personnel is 7,473,887.70.
04:24Ang merong chinacharge sa Office of the Vice President ay yung security at disisyon yun ng Armed Forces of the Philippines kung magpapadala ilan at kung sino.
04:37Sa isang punto, nagkainitan ng ilang kongresista.
04:40Parliamentary inquiry. Madam Chair, I thought we're going to accord institutional courtesy to the Office of the Vice President.
04:49Bakit po natin binabanatan? Bakit natin tatalungin?
04:53Wala pong binabanatan dito. I take exception to the use of the term binabanatan. Nagtatanong lang po tayo rito at lihitin mo naman po ang mga tanong.
05:06Pagkatapos ng pagtatanong ng dalawang mababatas, tinapos agad ang hiri.
05:11Sa isang pahayag, bumuelta si Representative Rene Coe sa bise, kaano-ano rao ni Duterte, si Mary Grace Piatos.
05:19Pinuna rin niya ang anyaigalawang pusit at troll behavior ng bise.
05:24Wala pang sagot dyan ang bise.
05:27Pero pinuna niya ang pagbuo ni Pangulong Marcos ng Independent Commission for Infrastructure.
05:32Pag ikaw presidente ba, tapos alam mo na kung anong nangyayari.
05:41Tapos nakikita mo na based on the budget kung paano binaboy yung pera ng bayan.
05:49Mag-aantay ka pa ba ng komisyon o ng truth komisyon o nung kung anong komisyon yan?
05:53A-actionan mo kasi kaagad dapat yan eh.
05:58Nandyan na yung budget, nakikita natin kung paano siya kinuha.
06:05Diba dapat nun ay diretsyo mo na gawin, tanggalin mo na yung speaker mo.
06:09Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng Palacio at ni House Speaker Martin Romualdez.
06:16Sa hearing naman, para sa hinihinging P176.7 billion budget ng Department of Agriculture sa 2026,
06:25nasiwalat na pinilit ni Representative Zaldico ang DA na bigyan ng import permit ang tatlo niyang kumpanya
06:32at damihan ng alokasyon ng isdang pwede nitong ang katid.
06:36We're being forced at that time to give him 3,000 containers of fish, which I did not agree.
06:43Sinisika pa namin kunan ng pahayag si Ko.
06:46Tina Panganiban Teres, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments