Nagpaliwanag ang nag-viral na kongresista na na-hulicam na nanonood ng sabong sa cellphone sa gitna ng sesyon ng Kamara noong Lunes.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Nagpaliwanag ang nag-viral na kongresista na nahuli cam na nanonood ng sabong sa cellphone sa gitna ng sesyon ng kamera noong lunes.
00:09Sa social media post ng pahayagang Daily Tribune, sinabi nilang nanonood daw ang kongresista ng e-sabong habang nagbobotohan kung sino ang magiging house speaker.
00:19Kanina, nagsalita ang nasa video na si Aga Partylist Representative Nicanor Briones.
00:25Anya, hindi siya nagsasabong sa mga oras na iyon.
00:28Ang kanya raw pinapanood ay ang video clip sa mensaheng pinadala ng kanyang pamangkin na i-invita sa kanyang maging sponsor sa sabong.
00:38Tingin ni Briones, may gustong manira sa kanya.
00:41Gayunman, humingi pa rin siya ng tawad sa kamera at sa publiko.
00:45Pinatawad na rin daw siya o pinatawad na rin daw niya ang kumuha ng kanyang video kahit anyay labag ito sa Data Privacy Act.
00:53Hininga namin ang pahayagang ang Daily Tribune para, pero hindi lang muna sila magkokomento habang di pa nakikita ang pahayag ng kongresista.
01:03Kung sino man ang gumawa sa akin, kung ano man ang motibo mo, pinatatawad na kita.
01:11Ang akin lamang masasabi, huwag mo nang uulitin dahil baka sa susunod ay makakulong ka na.
Be the first to comment