00:00Iniuugnay ni Vice President Sara Duterte sa election 2028 ang impeachment case laban sa kanya, pati ang pagresto sa kanyang ama.
00:09Ang pinagdaraanan daw ng kanyang pamilya ngayon paraan ng Administrasyong Marcos na pahinain siya bilang frontrunner sa presidential elections.
00:18Ang sagot niya ng Malacanang sa report ni Ivan Mayrina.
00:24Wala pang anunsyo si Vice President Sara Duterte ng kanyang plano para sa election 2028.
00:29Pero para sa kanya, ang pagiging frontrunner daw niya ang dahilan ng kinakaharap niyang impeachment case at pagpapaaresto sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:39Sa parayam sa kanya ng Russian state-owned media na Russia Today na ipinamahagi ng kanyang tanggapan,
00:44sinabi ni Duterte na intention daw ni Pangulong Marcos na panatilihin ang sarili o kanyang pamilya sa kapangirihan.
00:51At dahil siya raw ang frontrunner sa 2028 presidential elections, gusto nilang alisin siya sa laban.
00:57Sabi ng Vice, niisip daw nilang hihina siya kapag nakulong ang dating Pangulo dahil iisang pamilya sila.
01:04Sagot na Malacanang.
01:05Nawawala po yung issue patungkol sa kanyang accountability,
01:11tungkol sa confidential funds at iba't iba pang mga complaints na napapaloob sa articles of impeachment.
01:19Siguro po, nais din po natin malaman ang katotohanan at huwag lang pang magtago sa narratibo na siya yung frontrunner para sa 2028 presidential election.
01:32Nagpatutsada rin ang Malacanang sa Vice.
01:34Kasunod ng pagbatikos ito sa pangunguna kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagsira ng nasabat na floating shabu.
01:41Trabaho ba ng Presidente ang sirain ng ebidensya?
01:46Hindi ang trabaho ng...
01:48Hindi trabaho ng Presidente ang mag-photo-op sa nahuli na drugs at mag-photo-op sa pagsira ng nahuli na drugs.
02:00Mas maganda po siguro talaga na pasinayaan at makita mismo ng Pangulo ang pagsira sa mga iligal na droga na ito
02:12kesa po walang gawin sa mga nawalang iligal na droga sa magnetic lifter.
02:20Kailan nga po ito nawala?
02:222018?
02:23Hindi po ito pang photo-ops lang.
02:26Ito ay nagsisilibing babala sa mga kriminal.
02:30Hirit pa ng Malacanang, mismo si dating Pangulong Duterte, dati rin nanguna sa pagsira ng mga nasabat na droga noong 2020.
02:38Baka nakalimutan po ito ni B.C. Presidente.
02:44So ang pagtatrabaho po naman ay hindi dapat itago, dapat nakikita ng taong bayan.
02:49Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:00So ang pagtatrabaho po naman ay hindi dapat itago, dapat nakikita ng taong bayan.
Comments