Skip to playerSkip to main content
Ang bigtime price rollback sa petrolyo noong November 10, posible raw masundan ng isa pang tapyas sa presyo ng diesel at gasolina.

Mula nang manalo ang Democrats sa midterm election ng Amerika, nabuhay ang pag-asa ng consumers na babalik na sa dati ang oil prices.

Magtutuloy-tuloy na nga ba ito? Alamin sa report ni Dano Tingcungco.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Matapos magwagi ng Democrats sa U.S. midterm elections at makuha nila ang control sa Senate at House ng Amerika,
00:07bumulusok agad ang pandaigdigang presyo ng langis.
00:10Ang Brent Crude na International Benchmark o basihan ng presyo bumagsak sa $94.62 per barrel.
00:19Habang ang West Texas Intermediate Crude Oil na isa pang major benchmark naging $88.12 per barrel.
00:27Ayon sa mga analysts, efekto ito ng optimism o inaasahang paghupa ng tensyon sa Middle East,
00:34bunsod ng political pressure kay U.S. President Donald Trump na isang republikan.
00:39Ang pagkakapanalo kasi ng Democrats ay magbibigay sa kanila ng kapangyarihang harangin ng mga gagawing hakbang ni Trump.
00:46Ayon sa Lipo Oil Associates, isang consulting firm sa Houston, Texas,
00:51pwede rin i-restrict ng Democrats ang pondo para sa Middle East War na inilunsad ni Trump noong February 2026.
00:59Ang efekto ng pagkapanalo ng Democrats sa presyo ng langis ay naramdaman natin dito sa Pilipinas ayon sa Department of
01:06Energy.
01:08Ayon sa Oil Industry Management Bureau,
01:11kasabay ng political development na ito sa U.S.
01:14ang inaasahang pagresolba ng sigalot sa pagitan ng U.S. at Iran
01:17at paghupa ng pangamba sa oil supplies mula Middle East.
01:22Nitong November 10, nasa P16.80 per liter ang tapis sa presyo ng kada litro ng gasolina.
01:30Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng double-digit rollback sa gasolina
01:34sumula ng sumiklabang tensyon sa Middle East.
01:38Nasa P4.10 per liter naman ang rollback sa diesel na P3.70 per liter sa kerosene.
01:48Malaking kaginhawaan daw ito sa mga motorista.
01:51Ang tanong ng maraming choper ngayon,
01:54magtutuloy-tuloy na kaya ang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa ating bansa?
02:02Kung si Energy Secretary Sharon Garin ang tatanungin,
02:06posible rao na hindi agad-agad mag-stabilize ang fuel prices,
02:10lalo't hindi rin stable ang palitan ng piso kontra dolyat.
02:14Nauna ng sinabi ng DOE na itong June 2026,
02:17na kung magkakaroon man ang kasunduan ng Amerika at Iran na tuluyan ng itigil ang gera,
02:22posibleng abutin pa ng 6 na buwan hanggang isang taon bago bumalik sa dati ang oil prices sa Pilipinas.
02:28Dahil hindi agad masusolusyonan ang epekto ng kaguluhan sa supply ng langis.
02:36Paliwanag din ang ilang analyst sa January 2027,
02:39pamanunong pa mga bagong miyembro ng US Congress.
02:42Kasunod nito, pipili muna sila ng mga pinuno at ipapinalize ang committee assignments
02:48bago sila makapagpasa ng mga bagong batas.
02:51Bagaman pwedeng i-pressure ng Democrats si Trump na tapusin ang Iran War,
02:56hawak pa rin ni Trump ang veto power.
02:59Ibig sabihin, pwede pa rin niyang harangin o tutulan ang pagpasa ng anumang batas.
03:04Nananatili rin ang kanyang control sa military operations at iba pang executive actions
03:09na pwede maka-apekto sa supply ng langis.
03:12Sa tingin naman ng Dow Jones Energy is ang market intelligence platform.
03:16Oras na matapos ang Iran War,
03:18posibleng bumaba agad ng $20 per barrel ang krudo.
03:22Pero matatagalan bago ito maramdaman sa mga gasolinahan.
03:27Ang mga barko raw kasing na-divert dahil sa tension
03:29ay pababalikin sa kanilang dating ruta at posibleng magdulot ito ng backlog.
03:35Ang dalang langis ng mga barko ay kailangan pang i-refine at i-proseso bago maibaba sa merkado.
03:42Sa refineries ng Russia, nagmumula ang malaking porsyento ng diesel sa global market.
03:48Wala rin daw kasiguraduhan na hindi na magkakaroon ng pag-atake sa Strait of Hormuz bago matapos ang 2026
03:55dahil pwede raw gamitin ang kasalukuyang administrasyon ang window na ito
04:00para isakatuparan ang kanilang layunin bago maupo ang mga bagong halal na mambabata sa Amerika.
04:07In short, may temporary relief man tayo sa mahal na petrolyo
04:11hindi pa natin masasabi na may katiyaka na magtutuloy-tuloy ito.
04:15Pangako naman ng DOE, sisiguruhin daw nilang matatamasa ng mga Pilipino
04:20kung merong bawas presyo sa international oil prices.
04:24Ako po si Dana Tingkungko para sa GMA News.
04:35Do Wella
04:37Do Wella
Comments

Recommended