Skip to playerSkip to main content
Posibleng ihain sa Senado sa mga susunod na araw ang isang resolusyong nagpapabasura sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte nang hindi dumaraan sa paglilitis. Kasunod iyan ng pag-amin ni Senator Ronald "Bato" Dela Rosa na galing sa kanya ang kumakalat na draft resolution sa Senado. Tinutulan iyan ng ilang senador at house prosecutors. May report si Mav Gonzales.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pusibleng iain sa Senado sa mga susunod na araw ang isang resolusyong nagpapabasura sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte nang hindi dumaraan sa paglilitis.
00:24Kasunod yan ng pag-amin ni Sen. Bato de la Rosa na galing sa kanya ang kumakalat na draft resolution.
00:30Tinutulan niya ng ilang senador at House prosecutors. May report si Mav Gonzalez.
00:37May nakita na kayong ganong reseser?
00:41Noong una, patay mali siya pa. Pero kalaunan, kinumpirma ni Sen. Bato de la Rosa na sa kanya nang galing ang draft resolution na usap-usapan ngayon sa Senado.
00:51That's my own initiative. Hindi tayo ngayon sa akin.
00:54Ang laman nito, pagpapabasura sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte nang hindi dumaraan sa paglilitis.
01:02Sa draft resolution na walang pirma at pangalan ng may akda, nakasaad na dahil hindi maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment trial ng BICE,
01:11wala na oras ang kasalukuyang Senado para talakay ng articles of impeachment dahil pa-adjourn na sila sa June 13.
01:18At dahil sa timing ng pag-transmit ng kamera sa kanila ng impeachment complaint, dapat nang ideklara ng Senado ang de facto dismissal ng impeachment case.
01:27Tiwala si de la Rosa na makakakuha ng suporta ang resolusyon. Kung kailan niya ito ihahain?
01:32Meron bang gusto mag-input eh. Kung hindi kayon, baka next week.
01:38Ang iba mga kasama namin, may ibang draft. So siguro i-incorporate yun kung anong magagandang provision doon sa kanila mga draft
01:47para mapaganda yung final version at magiging acceptable sa lahat kung pwedeng makuha ang suporta ng lahat ng karamihan.
01:58Sabi naman ni Sen. President Cheez Escudero,
02:02Ano mang kumakalat na resolusyon na wala namang author na pinakita lamang din sa akin na media,
02:07ay ika nga mere scrap of paper unless may mag-file niyan, unless may mag-author niyan, unless pagdibatihan niyan, at unless pagbotohan niyan.
02:17Agad nilinaw ni de la Rosa, walang kinalaman dito si Vice President Sara Duterte.
02:22Si Sen. Aimee Marcos nabasa na raw ang mga draft resolusyon at humihiling siya ng kokos o pribatong pag-uusap ng lahat ng senador.
02:32There's so many options and so many malabo. Kaya gusto natin yung pinakasangayot sa batat at yung pinakamabilis din.
02:44Kaya dapat pag-isapan ng maigi.
02:45Sa oras na maihain ang resolusyon at madala na sa plenaryo, pagbabotohan ng mga senador kung tatanggapin ito o hindi.
02:53Nauna ng sinabi ni Escudero sa anumang mosyon, masusunod ang kagustuhan ng mayorya na labing tatlo o higit pang senador.
03:00Kung may kwestiyon, maaari itong iakyat sa Korte Suprema.
03:04Pero para kina Sen. JV Ejercito at Alan Peter Cayetano, kailangang dinggin ng Senado ang impeachment case na mandato ng saligang batas.
03:12Walang choice ang Senado. We have to carry out our constitutional duty.
03:18Ang resolusyon, tinutulan ng ilang House prosecutors, tulad ni Batangas 2nd District Rep. Jervil Luistro,
03:25bukid nun 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores at Manila 3rd District Rep. Joel Chua.
03:31That is unconstitutional. They are violating their constitutional mandate.
03:36Mensahin naman ni incoming Partialist Rep. Laila Dilima na kasama rin sa House prosecutors.
03:41To the Senators, enough with the dribbling. You are not the spectators. You are the court. Let the trial begin. And let the evidence be laid bare.
04:03Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng kampo ng vicepresidente tungkol sa resolusyon.
04:09Pero sabi ni VP Sara, pinag-aaralan na raw ng kanyang mga abogado ang pag-question kung pwede bang ipagpatuloy sa 20th Congress ang kanyang impeachment trial na nagsimula sa 19th Congress.
04:20Kina-question din natin yan. Yung pag-crunk over from the 19th to the 20th Congress.
04:27Ang pagkakaintindi ko ay madaming procedural lapses na nangyari na labag sa Constitution.
04:35Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:50Hãy subscribe cho kênh Ghiền Mì Gõ Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments

Recommended