Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Mananagot ang mga nangurakot sa mga palyado at guni-guning flood control project. Babala iyan ni Pangulong Bongbong Marcos, matapos bahain ng batikos ang pamahalaan sa gitna ng malawakang baha kamakailan. Ang iba pang iniulat ng pangulo sa ika-apat niyang state of the nation address, sa report ni Ivan Mayrina.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:00Mananagot ang mga nangurakot sa mga palyado at guni-guning flood control project.
00:14Pabalaya ni Pangulong Bongbong Marcos matapos bahain ng batikos ang pamahalaan sa gitna ng malawakang bahakamakailan.
00:22Ang iba pang iniulat ng Pangulo sa ikaapat niyang State of the Nation address sa report ni Ivan Mayrina.
00:31Kakabit ang tadhana ng Pilipinas tuwing tagulan ang malunod sa kabikabilang baha.
00:36Ngunit tila lumalayan sa mga bagyo at habagat kamakailan.
00:39May mga pinondohan namang proyekto para panlaban sa baha.
00:42Pero sa pag-iikot daw ni Pangulong Marcos sa mga nagdaang araw,
00:45naging malinaro sa kanyang may flood control projects na kahit bilyong-bilyong piso ang pondo ay palpak naman o kaya tila guni-guni lang.
00:54Sa kanyang State of the Nation address isinumbat ng Pangulo ang korupsyon sa mga nasabing proyekto.
00:59Sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamaya.
01:07Mahiya naman kayo sa inyong kapo Pilipino.
01:10Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha.
01:27Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo na binuksan nyo lang ang pera.
01:36Inatasan ng Pangulong DPWH na magsumitin ang listahan ng lahat ng flood control projects sa nakalipas sa tatlong taon.
01:45Ilalathala ang listahan para malaman ng publiko kung sino ang mga dapat managot.
01:50Sa mga susunod na buwan, makakasuhan ang lahat ng mga lalabas na may sala mula sa investigasyon.
01:57Pati na ang mga kasabwat na kontratista sa buong bansa.
02:02Kung sa 2025 national budget, ilang flood control projects na isiningit ang binito o tinagal ng Pangulo.
02:09Sa 2026 budget, mas magihigpit daw ang Pangulo.
02:12For the 2026 national budget, I will return any proposed general appropriations bill
02:20that is not fully aligned with the national expenditure program.
02:24And further, I am willing to do this even if we end up with a re-enacted budget.
02:47Bukod sa problema sa tubigbaha, pinalutang din ang Pangulo ang problema ng ilang water customer.
02:52Titiyakin ng luwa na may lalagay na sa ayos ang servisyo ng tubig
02:58ng milyong-milyong nating mga kababayan at gawin mas abot kaya naman ang presyo.
03:04Higit sa lahat, titiyakin natin mapapanagot ang mga nagpabaya
03:08at nagkulang sa mahalagang servisyong publiko na ito.
03:14Sa kaso ng mga nawawalang sabongero, tiniyak din ang Pangulo na pananagutin ang nasa likod nito.
03:19Ha-habulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot si billion man o opisyal.
03:25Kahit malakas, mabigat o mayaman, hindi sila mangingiwabaw sa batas.
03:41Positib siya bo.
03:43Sa kanyang administrasyon naman daw, mas nakatoon ang kampanya kontra-droga
03:47sa mga naaresto at nasasamsam na kontrabando.
03:50Sa tatlong taon lamang, halos mapantayan na ang kabuwang huli nung nakaraang administrasyon.
03:57Sa kabila ng mga ito, tila nagbabalikan daw ang mga pusher.
04:02Kaya patuloy ang ating mga operasyon laban sa mga drug dealer,
04:06sila man ay big time o small time.
04:09Binanggiti ng Pangulo ang pinalawak ng mga programa ng PhilHealth
04:12at ang mga pasyenteng magpapagamot sa mga ospital na hawak ng Department of Health,
04:18wala na raw mabayaran.
04:19Itinuloy na po natin ang zero balance billing. Libre po.
04:30Ibig sabihin, ang servisyo sa basic accommodation sa ating mga DOH na ospital,
04:38wala nang babayaran ang pasyente dahil bayad na ang bill ninyo.
04:45Mas pinigting din daw ang suporta ng administrasyon sa sektor ng sports
04:50at matapos ibida ang mga atletang Pinoy.
04:53Sumut-sunood sila sa yapak ng ating mga kampiyon at world-class na atlet
04:58tulad ni Sen. Manny Pacquiao, ni Heideline Diaz, ni Caloy Yulo.
05:04Naisingit pa ng Pangulo ang boxing match sana ni na PNP Chief Nicolás Tore
05:09at Davao City Acting Mayor Baste Duterte.
05:12Sama na rin natin yung bago nating kampiyon si PNP Chief Eran Niktora.
05:16Ang bunga ng Pangulo sa kanyang talumpati.
05:42I-pinarating ng mga botante sa eleksyon 2025 ang kanilang disgusto sa mga nanunungkulan.
05:49Ang leksyon sa atin ay simple lamang.
05:52Kailangan pa natin mas lalong galingan.
05:55Kailangan pa natin mas lalong bilisan.
05:58Sa mga matitinding hamon na binabato at hinaharang ng ating mundo ngayon,
06:03nasa likod ninyo ang pamahalaan.
06:06At huwag tayong matakot.
06:08Huwag tayong titiklo.
06:09Huwag tayong mawawalan ng pag-asa.
06:13Dahil ang Pilipino ay likas na matapang, magaling, masipag, matibay at mabuti.
06:22Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:27Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
06:30Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
06:33Hamid Store
06:45Huwag gates
06:46Huwag
06:47Ga-subscribe na sa하겠습니다.
06:48Huwag
06:48Ta-t

Recommended