Hindi lang maanomalyang flood control projects ang sisiyasatin ng binuong independent commission sa bisa ng utos ng Pangulo. Sisilipin din nito ang iba pang uri ng infrastructure projects sa nakalipas na sampung taon. Samantala, nagsampa na ng reklamo ang DPWH sa Ombudsman kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan. May Report si Joseph Morong.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:06Di lang maanumalyang flood control projects ang sisiyasati ng
00:11ibinoong Independent Commission sa bisa ng utos ng Pangulo.
00:14Sisilipin din ito ang iba pang uri ng infrastructure projects na nakalipas
00:19sa sampung taon. Samantala nag zampana ng reklamo ang DPWH sa
00:23Ombudsman kaugnay sa Maanumalyang Flood Control Projects sa Bulacan.
00:27May report si Joseph Moro.
00:30the most important thing is to make it happen.
01:00Lamo, Sinasali Santos ng Sims Construction Trading, Mark Alan Arevalo ng Wawa Builders, Robert Imperio ng IAM Construction Corporation, Maria Roma Angeline Rimando at Sara Diskaya para sa St. Timothy Construction Corporation.
01:14Nakita sa investigasyon ng DPWH Internal Audit Service na may sabwatan sila at paulit-ulit na scheme para palabasing tapos na mga proyekto at singili ng gobyerno sa siyam na proyekto.
01:26Di bababa sa P249M ang halaga ng mga proyekto. Dahil si Sara lamang ang umamin under oath na siya ang beneficial owner ng St. Timothy, hindi kasama sa inereklamo ang asawang si Pasifiko.
01:39Huwag po tayong mag-aagara, kagaya ng sinabi ko, marami pa ito at una pa lang ito.
01:46Hiniling din ang DPWH sa ombudsman na magsagawa ng forfeiture proceedings at makipag-ugnayan sa Anti-Money Laundering Council para sa iba pang posibleng paglabag.
01:56Ang importante dito, maibalik ang pera ng tao.
02:01Sinusubukan naming makuha ang panig ng mga inereklamo.
02:04Ang abogado na Hernandez magkukomento lamang daw kapag nabasa na ang reklamo.
02:09Bukod sa flood control projects, iimbestigahan na rin ang lahat ng infrastructure projects sa buong bansa sa nakalipas na sampung taon.
02:18Gagawin niya ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na binoo sa visa ng Executive Order 94 ni Pangulong Marcos.
02:27Isang chairperson at dalawang miyembro ang bubuo nito at mismong Pangulo rao mag-aanunsyo kung sino.
02:33Tututukan ng ICI ang mga paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials at iba pang mga batas para makapagrekomenda ng kasong kriminal, sibilo at binistratibo.
02:47May kapangyarihan itong magsagawa ng pagdinig, maglabas ng sabpina at magrekomenda ng pagsasailalim sa State Witness Protection Program.
02:56Makakahingi rin ito ng report ng investigasyon ng mga komite ng Kamara at Senado, court records ng Sandigan Bayan, pati mga libro, kontrata at bank records.
03:05Pwede rin itong magrekomenda na maglabas ng whole departure order, magpa-uwi ng nasa abroad at magpa-freeze ng mga ari-arian.
03:12Kaya rin itong magrekomenda ng agarang suspensyon sa public officials at parusa para sa mga di makikipagtulungan sa investigasyon, pati pribadong individual pwedeng maparusahan.
03:23Bambuang mag-uulat ang ICI sa Pangulo na nangako namang walang sasantuhin at pananaguti ng sino mang nagnakaw sa kabanong bayan.
03:32Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment