Sisimulan na bukas ang pagtatayo ng detour bridge sa tabi ng bumagsak na tulay sa Alcala, Cagayan. Sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon, kulang sa maintenance ang bumigay na tulay na isang beses lang isinailalim sa retrofitting, mula nang itayo noong 1980! May report si Jasmin Gabriel-Galban ng GMA Regional TV.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Sisimula na bukas ang pagtatayo ng detour bridge sa tabi ng bumagsak na tulay sa Alcala, Cagayan.
00:06Sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon, kulang sa maintenance ang bumigay na tulay na isang beses lang isinailalim sa retrofitting mula noong itayo noong 1980.
00:16May report si Jasmine Gabrielle Galban ng GMA Regional TV.
00:21Lumipad pa Alcala, Cagayan si DPWH Secretary Vince Dizon para inspeksyonin ang bumagsak na pigatan bridge.
00:28Bumagsak ang tulay nitong lunes nang sabay-sabay dumaan ang tatlong truck na lagpastig limampung tunelada ang karga.
00:35Sobra-sobra sa labing walang tunelada ang kapasidad ng tulay.
00:38Pakiusap ng isa sa mga driver.
00:40Wala namang kaming kasalanan dyan kasi nakikimaneho lang kami para sa pamilya namin.
00:48Dapat di naman kami kasuhan.
00:52Kailangan dapat ang boss namin ang kausapin nila doon.
00:55Hindi naman kami nagpapatupad sa karga namin dyan.
00:58Pero tingin ni Dizon at ng alkal din ng Alcala, hindi lang overloading ang dahilan kaya tuluyong bumigay ang tulay.
01:05Kung makikita nyo, maraming mga dugtungan medyo kalawang na.
01:12At dahil dyan, talagang yung bakal na yan, pagka talagang mabigat,
01:16yan nga ang kumakapit doon sa buong bridge.
01:19E talagang bibigay yan.
01:21Hindi lang ito simple ang kaso ng overloading na we will shift all the blame doon sa dumaan na trucks and yung mga owners ng trucks.
01:311980 pa'y tinayo ang Pigatan Bridge na isa ilalim sa retrofitting.
01:35Sabi ni Dizon, malinaw na may pagkukulang sa maintenance ng tulay at dapat anyang may managot sa nangyari.
01:41Since 1980, nung natayo siya, ang unang retrofit ay 2016 lang.
01:47Sinabi sa akin ni R.D.
01:49At nakita ko yung budget noong 2016, 11.7 million lang. Ang liit noon.
01:55So sabi ko nga, saan napunda yun?
01:57Bilang tatay ng kagayan, responsibilidad ko, sana nakita ko yan na kailangan na ng repair.
02:05Gagawa raw muna ng detor bridge sa tabi ng bumagsak na tulay na may kakayahang bumuhat ng hanggang 40 tonelada.
02:12Para hindi naman matenga ang kita ng libu-libong magsakat farm helpers.
02:16Simula bukas ay sisimulan na ang konstruksyon ng detor dito sa barangay Pigatan sa bayan ng Alkalat.
02:21Ayon sa DPWH, posibleng tumagal doon ng halos dalawang buwan bago matapos ang detor at pwede nang madaana ng lahat ng uri ng mga sasakiyana.
02:29Magpapatupad din ang traffic plan para hindi sabay-sabay ang pagdaan ng mabibigat ng mga sasakiyan.
02:34Hindi ako magtataka kung yung sitwasyon ng bridge na ito, yun din ang sitwasyon ng apat pang critical bridges natin dito sa kagayan.
02:42May ikpiting babantayan ang apat pang lumang tulay sa probinsya para hindi na mault ang desigrasya.
02:48Plano rin ang DPWH na gumawa ng kaparehong detor bridge para sa mga ito.
02:52Ang lokal na pamahalaan ng lalo, naglagay na naglalaki ang safety signage sa magapit suspension bridge.
02:58Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment