00:00Sub-standard na iniwan pa!
00:03Ganyan ang mga dinatna ni na DPWH Secretary Vince Dizon
00:07at Independent Commission for Infrastructure Special Advisor Benjamin Magalong
00:12sa mga ininspeksyon na flood control project sa La Union.
00:16Git ni Dizon may mananagot sakaling mapatunayan na may irregularidad sa mga ito.
00:23Si Janice Dennis ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:27Manipis na bakal at simento, walang pipe at sira-sira ang proyekto.
00:35Yan ang inabutan ni DPWH Secretary Vince Dizon
00:40sa kanyang inspeksyon sa isang dikes sa Bawang La Union
00:43kasama si Independent Commission for Infrastructure o ICI Special Advisor Benjamin Magalong kaninang umaga.
00:52Ayon kay Dizon, sub-standard ang proyekto at walang maipakitang engineering design.
00:58Iginiit rin niya na tila minadali ang proyekto
01:02dahil super sub-standard ang mga materyales na ginamit sa proyekto.
01:07Well, nakaka-dismaya talaga kasi sa mata pa lang nakikita na natin na marami na namang problema.
01:15Kaparehas din ang mga problema na nakikita natin sa Burakan, sa Mindoro, nakikita din natin dito.
01:20Nakita din ni Dizon na hindi pa tapos at ginagawa pa ang proyekto
01:25pero na-report na itong completed noong Marso.
01:29Ayon pa kay Dizon, aabot sa 180 million pesos ang pondo ng naturang proyekto.
01:36Sunod naman nilang ininspeksyon ang flood control project sa Barangay Anduyan at Rizal sa Tubao La Union.
01:43Ayon kay Dizon, magsasagawa sila ng structural assessment sa proyekto sa Barangay Anduyan
01:49kung naaayon ito sa specification.
01:53Ayon naman kay ICI Special Advisor Benjamin Magalong,
01:57kwestyonable ang mga teknolohiyang ginamit sa proyekto.
02:01Tama yung sinabi ni Secbins kasi nga dapat may feasibility study, may technical study
02:06at on the basis of the technical study, do'ng gagawa yung plano mismo, yung design.
02:12Engineering design?
02:13Engineering design.
02:15So kung wala, ibig sabihin, di natin alam.
02:19Siguro si Secbins lang makakasagot niyan.
02:21Tila inabando na naman ang flood control project na ito sa Barangay Rizal, Tubao La Union.
02:28Sa kanilang inspeksyon, nakita nilang nasimulan na at may mga nahukay na rin na mga lupa.
02:34Nakatanggap umano si Magalong ng sumbong sa komunidad.
02:38Ayon pa kay Dizon, posibleng ghost project ang proyekto.
02:42Sa mga nakikita natin either ghost o substandard, pag nagtanong ako may plano ba dito, may plano ba akin ng plano, nasa ng plano,
02:50ang sagot lagi, noong mga dinadatna natin doon, eh, walang plano.
02:55Iginiit pa niya na tila pare-pareho ang mga proyekto na substandard at walang mga kaplano-plano.
03:02Nagbabala rin siya sa mga kontraktor ng mga proyekto na posibleng maharap sila sa karampatang parusa,
03:08kung mapatunayang ghost project ang mga ito.
03:12Janice Dennis para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.