00:00Una po sa ating mga balita, tapos na ang maliligayang araw nyo.
00:05Ito ang matapang na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:09matapos ilatag ang update sa pagtugon sa katiwalian sa flood control projects.
00:14Sa katunayan, ayon sa Pangulo, ang ilan sa mga sangkot dito sa kulungan na magpapasko.
00:20Si Kenneth Pasyente sa Sentro ng Balita.
00:25Makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas.
00:28Before Christmas, makukulong na sila.
00:31Iyan ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa issue ng maanumalyang flood control projects.
00:37Ang tinutukoy niya, ang mga umano'y sangkot sa korupsyon sa mga proyekto kontrabaha.
00:43Kasunod yan ang isinagawang report ng Pangulo sa kung ano na ba ang itinatakbo ng investigasyon mula ng i-anunsyo niya ito sa kanyang huling zona.
00:51Paglalahad ng Pangulo, sa 20,078 na report sa Sumbong sa Pangulo website,
00:56Noong September 8 ay sinampana ang mga unang kasong kriminal laban sa ilang proyekto ng DPWH batay sa Special Audit Reports ng COA.
01:05Kabilang sa mga kinasuhan ng mga dating opisyal ng DPWH Bulacan First District Engineering Office na sina Henry Alcantara,
01:12Bryce Hernandez, JP Mendoza, John Michael Ramos at Ernesto Galang.
01:16Kasama rin sa mga inire-reklamo ang ilang pribadong individual mula sa St. Timothy Construction,
01:22Wawaw Builders, Sims Construction Trading at IM Construction Corporation.
01:27Nagsumiti na rin anya ang Independent Commission for Infrastructure o ICI ng 37 pang case referral sa Ombudsman.
01:34Nagsumiti na ang ICI sa Office of the Ombudsman ng criminal at administrative cases laban sa 37 individual na konektado sa mga manumaliyang FCPs.
01:46Kabilang dito, mga kasong graft and corruption, malversation, falsification, plunder, paglabag sa code of conduct for public officers.
01:56Hindi naman kasama rito si dating House Speaker Martin Romualtes, pero pagtitiyak ng Pangulo.
02:01Not as yet. If something else comes out, then he might have to be answerable for something.
02:07Patungkol naman sa pagkansela ng pasaporte ni dating Akobicol Partylist Representative Zaldico,
02:12punto ng Pangulo na hindi pa kasi anya siya nasasampahan ng kaso, kaya hindi pa ito maaaring gawin.
02:19Pero,
02:19When that time comes, we will immediately cancel his passport.
02:25It's a, it's a, you, you, I'm not a lawyer, so I cannot, maybe I'm not the best person to explain it.
02:31But that's the procedure.
02:33Hindi mo maka, you have to give grounds for the cancellation of the passport.
02:38And those grounds will be based on, will be based on the cases that will be filed against him.
02:46Sinabi rin ng Pangulo na laging opsyon ang pagiging state witness ng isang akusado,
02:51basta't hindi ito ang most guilty sa isang kaso.
02:54Pero naniniwala nga ba ang punong ehekutibo na si Ko ang most guilty?
02:59I don't want, and then pag sinabi ko, sasagutin kita, sasabihin nyo pre-judge.
03:05Let the courts do their work. Let the judges do their work.
03:09Muli namang binigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. na mabusisi ang ginagawang investigasyon
03:13sa usapin ng korupsyon sa mga proyekto kontrabaha.
03:17Ayaw-a niya kasing masayang ang pagsasampa ng kaso na mababasura lang kalaunan.
03:22Giit niya, mas mabuti na ang sigurado.
03:24Pinakatakutan namin na yung mga alam natin na talagang kasabwat dito sa kawalanghiyang ito
03:33ay makakalusot sa kaso dahil because of a legal technicality.
03:40Dahil nagkamali tayo sa pagbuo ng ebidensya,
03:44dahil hindi maganda ang ating pagpresinta ng kaso,
03:47o nakalimutan natin pumirma sa isang dokumento,
03:51yung mga maliliit na bagay na ganyan,
03:53nanalaglag ang kaso dahil dyan.
03:54Kayo, mga reporter, alam na nyo, nangyayari talaga yan.
03:58Kaya tinitiyak namin na pagka kami ay sumampan ng kaso,
04:04yung kasong yan ay hanggang sa dulo ay matibay ang kaso
04:09at kung sino man ang mga guilty,
04:12ay sila naman talaga ay mananagot.
04:14At kung kailangan, at kung huhusgahan sila ng korte,
04:20ay makukulong sila.
04:22Pero magtagal man ng kaunti, sabi ng Pangulo,
04:25isa lang ang sigurado.
04:27Yung mga taong yan, na kasabwat dyan,
04:30eto, mga walanghiyang ito,
04:33sa na nagnanakaw ng pera ng bayan,
04:37tapos na ang maliligayanin yung araw.
04:40Hahabulin na namin kayo.
04:42Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV
04:46sa Bagong Pilipinas.