00:00Mariing igidiit ni House Deputy Speaker at La Union 1st District Representative,
00:05Paulo Ortega, na walang ghost flood control project sa kanilang distrito.
00:10Paalala niya sa publiko, maging mapaduri sa mga nababasa at napapanood online.
00:15Yan ang ulat ni Bella Lesboras.
00:18Wala pong ghost project sa 1st District ng La Union.
00:23Bilang pagtatama sa lumabas na isang ulat na nindigan si House Deputy Speaker
00:28at La Union 1st District Representative, Paulo Ortega, na walang ghost flood control project sa kanilang distrito.
00:35Ayon kay Ortega, nasa 68 ang flood control project sa kanilang lugar
00:40at lahat ng ito na patunayan ng nage-exist at wala ni isang ghost project.
00:45Tulad na lang nitong rehabilitasyon sa Baroro River Control sa Barangay Dangdangla, San Juan, La Union.
00:52Sa ilalim ng project profile nito, as of November 20, 2025,
00:56nakasaad na nagkakahalaga ang proyekto ng higit 48 milyon pesos at nakalagay rin na kumpleto na ito.
01:04May isang maliit na bahagi lang nitong napinsala dahil sa Bagyong Emong noong Hulyo.
01:09Yung sinabi po dun sa report ng PTV na nasira po yung isang flood control structure sa San Juan,
01:17totoo po na nasira yun.
01:19It was a 2018-2019 project na na-complete po nung 2020 na nasira po nung nakaraang Bagyong Emong.
01:27People also need to see, at saka I think people know na tinamaan po kami ng dalawang super typhoon na magkasunod na signal number 5.
01:40And nasira po yung flood control na yun, portion, a portion of that flood control, nasira po nung 2025.
01:47Pero nakaano naman po siya for repair na rin.
01:51Gate pa ni Ortega, na-inspeksyon na ang mga proyektong ito ng matataas na opisyal ng gobyerno.
01:57Kaya't sana'y huwag na itong gamitin sa malisyosong post.
02:00Validated na po yan actually.
02:03More than 5 government agencies have been validating the, not only in my district, but sa buong Pilipinas yan actually.
02:13Nag-umpisa po na nag-validate dyan sa kaumipot.
02:16NEDA, DNR, PNP, CIDG.
02:20And of course, yung DPWH na sa regional office, saka sa district office.
02:25Sabi ni Ortega, tuloy-tuloy naman ang kanilang pag-aksyon sa pangailangan ng ating mga kababayan.
02:31Sa gitna ng issue sa flood control na sinabayan pa ng mga usaping pampolitika,
02:36nanawagan ang kongresista sa publiko na maging mapanuri sa mga nababasa at napapanood online.
02:43Kailangan, ano, you have all the facts.
02:45Kailangan mag-research ka rin talaga kasi minsan ang fake news kasi para sa akin, digital chismis yan eh.
02:51Digital intriga.
02:52So, we're doing our best.
02:54Alam nyo naman po na yung previous Congress, we were the ones fighting fake news.
02:59Sa mga tricom dati, inumpisa na po natin yan.
03:02And tuloy pa rin po.
03:03Kasi nga po, ang social media ngayon is nakaabuso na rin at nagagamit for fake news.
03:09So, we will continue to battle fake news with more information.
03:13Melales Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.