00:00Maring iginiit ni House Deputy Speaker at La Union First District Representative Paolo Ortega
00:05na walang ghost flood control project sa kanilang distrito.
00:09Paalala niya sa publiko, maging mapanuri sa mga nababasa at napapanood online.
00:14Ang detalya sa report ni Mela Les Morales.
00:19Wala pong ghost project sa First District ng La Union.
00:23Bilang pagtatama sa lumabas na isang ulat na nindigan si House Deputy Speaker at La Union First District Representative Paolo Ortega
00:31na walang ghost flood control project sa kanilang distrito.
00:35Ayon kay Ortega, nasa 68 ang flood control project sa kanilang lugar at lahat ng ito napatunayan ng nage-exist at wala ni isang ghost project.
00:46Tulad na lang nitong rehabilitasyon sa Baroro River Control sa barangay dangdangla, San Juan, La Union.
00:52Sa ilalim ng project profile nito, as of November 20, 2025, nakasaad na nagkakahalaga ang proyekto ng higit 48 milyon pesos at nakalagay rin na kumpleto na ito.
01:04May isang maliit na bahagi lang nitong napinsala dahil sa bagyong Emong noong Hulyo.
01:09Yung sinabi po dun sa report ng PTV na nasira po yung isang flood control structure sa San Juan, totoo po na nasira yun.
01:19It was a 2018-2019 project na na-complete po nung 2020 na nasira po nung nakaraang bagyong Emong.
01:28People also need to see, at saka I think people know na tinamaan po kami ng dalawang super typhoon na magkasunod na signal number 5.
01:40And nasira po yung flood control na yun, portion, a portion of that flood control, nasira po nung 2025.
01:47Pero nakaano naman po siya for repair na rin.
01:51Gate pa ni Ortega, na-inspeksyon na ang mga proyektong ito ng matataas na opisyal ng gobyerno.
01:57Kaya't sana'y huwag na itong gamitin sa malasyosong post.
02:01Validated na po yan actually.
02:03More than 5 government agencies have been validating the, not only in my district, but sa buong Pilipinas yan actually.
02:13Nag-umpisa po na nag-validate dyan, saka umipot.
02:16NEDA, DNR, PNP, CIDG.
02:20And of course, yung DPWH na sa regional office, saka sa district office.
02:26Sabi ni Ortega, tuloy-tuloy naman ang kanilang pag-aksyon sa pangailangan ng ating mga kababayan.
02:32Sa gitna ng issue sa flood control na sinabayan pa ng mga usaping pampolitika,
02:37nanawagan ang kongresista sa publiko na maging mapanuri sa mga nababasa at napapanood online.
02:43Kailangan, ano, you have all the facts.
02:45Kailangan mag-research ka rin talaga.
02:47Kasi minsan, ang fake news kasi para sa akin, digital chismis yan eh.
02:51Digital intriga.
02:52So, we're doing our best.
02:54Alam nyo naman po na yung previous congress, we were the ones fighting fake news.
03:00Sa mga tricom dati, inumpisa na po natin yan.
03:02And tuloy pa rin po, kasi nga po, ang social media ngayon is nakaabuso na rin at nagagamit for fake news.
03:09So, we will continue to battle fake news with more information.
03:13Melales Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.