00:00Magtatayunan ang bagong footbridge sa EDSA na mag-uugnay sa Kamuning Backway Station
00:05at magkabilang panig ng EDSA Northbound at Southbound.
00:09Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:13Araw-araw kinakailangan akyatin ni Mirakel ang tinaguri ang Mount Kamuning
00:17upang makarating sa kanyang trabaho sa kabilang bahagi ng EDSA Kamuning sa Quezon City.
00:23Ito kasi ang pinakamalapit na daan para sa kanya,
00:25kaya't kahit matarik ay nagtatiyaga siyang dumaan sa footbridge.
00:29Sobrang hassle po, lalo po ngayon na may period po ako,
00:33so sobrang challenging po talaga umakit sa ganito kataas.
00:37Nakakapagod po, tsaka sobrang init din po.
00:39Ngunit may sabi na hindi para sa lahat ang pag-akyat dito,
00:43lalo na para sa mga kabilang sa vulnerable sector.
00:46Sa taas na siyam na metro, challenge is real ang pag-akyat sa Mount Kamuning.
00:51Kaya naman hindi biro para sa ilan nating kababayan ang pagdaan dito,
00:54lalo na para sa mga matatanda, buntis at may mabibigat na dalang gamit.
01:00Sa wakas, ang matagal ng sulananin ng ilan nating kababayan ay magkakaroon na ng solusyon.
01:05Magtatayo kasi ng bagong footbridge alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr.
01:11Pang masiguro ang mas maginhawa, ligtas at inklusibong daan para sa publiko.
01:16Ang bagong footbridge ay mag-uugnay sa Kamuning Busway Station patungo sa magkabilang panig ng EDSA Northbound at Southbound.
01:24Magkakaroon ito ng dalawang elevator at dalawang manlift o wheelchair lifter
01:28na mahalaga para sa komportabling pag-access ng lahat,
01:31kabilang ang mga persons with disabilities at senior citizens.
01:34Hindi na siya matare. At sabi nga nung ating mga designers, fully compliant siya sa mobility and accessibility standards.
01:44We are very grateful to the DOTR and especially our president na sinasagot nila,
01:48tinutugon na nila yung mga hinahing ng mga mamamayan ng lungsod, Quezon,
01:52at iba pang mga lungsod na nahihirapan talaga sa paggamit ng footbridge na yan.
01:57Kasabay nito, sisimulan na rin ang rehabilitasyon ng ELSA Busway Kamuning Station.
02:01Kabilang sa mga gagawing pagbabago ang pagpapalawak at pagpapaganda ng station platforms,
02:07pagpapalit ng mga lumang waiting shed at railings,
02:09relokasyon at pagsasayos ng mga kagamitan gaya ng maorasan.
02:13Gayun din ang pagtatayo ng guard, janitor at traffic officer station post,
02:18paglalagay ng vertical lovers, tack tiles at floor tiles,
02:22at pagkakaroon ng malinaw na station name at wayfinder signages,
02:26kabilang ang transit map at fair matrix standee.
02:28Ang dalawang proyekto ay nagkakalaga ng 89 million pesos,
02:32kung saan halos 54 million pesos ang inilaan para sa bagong footbridge,
02:37at mahigit 33 million pesos para sa rehabilitasyon ng busway at sa iba pang gastusin.
02:43Inaasahang matatapos ang konstruksyon sa Desyembre ngayong taon.
02:47Tiniyak naman ang DOTR na mananatiling maayos ang operasyon ng busway
02:50habang isinasagawa ang mga proyekto.
02:53Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.