00:01Inaghahandaan ngayon ng mga residente sa Eastern Visayas ang papalapit ng Bagyong Tino na inaasahang tatama sa region sa loob ng susunod na 24 oras.
00:11Kaninang umaga ay nagconvene ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council upang ilatag ang mga hakbang sa paghahanda.
00:30Sa mga bayan na nasa landslide at flood-prone areas, nagsimula nang magpalikas ang mga lokal na pamahalaan.
00:44Kansilado na rin ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan simula ngayong araw hanggang bukas.
00:50Sa lungsod ng Tacloban, iniutos ni Mayor Alfred Romualdez ang evacuation sa mga pamilyang nakatira sa mga danger zones.
01:00Yung lakas ko ng bagyo, huwag na natin isipin kung kasing lakas ng Yolanda ito o hindi.
01:15Kasi ang bagyo, bagyo pa rin. At sinasabi ko sa inyo na hindi talagang napipredik ito. Kaya talagang kailangan mag-ingat tayo.
01:25Ayon naman sa DSWD Eastern Visayas, mayroon ng 121,331 family food packs, 20,664 non-food relief items, 18,473 ready-to-eat food boxes at 4,950 bote ng tubig na nakapreposition sa mga strategic locations sa buong Region 8.
01:48Ang mga ito ay handang ipamahagi bilang augmentation sa mga LGUs na mga ngaailangan.
01:54Patuloy na binabantayan ng mga otoridad ang galaw ng bagyong Tino, inaasahan pa ang mga pagulan sa mga susunod na oras,
02:02kaya't muling panawagan ng mga opisyal, lumikas kung kinakailangan, makinig sa mga abiso at manatiling ligtas.
02:09Mula rito sa Tacloban City, para sa Integrated State Media, Jane Sanyanogay ng Philippine Information Agency.