00:00Una po sa ating mga balita, muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05ang pinaigtig na suporta sa mga magsasakang agrarian reform beneficiary.
00:09Ayon sa Pangulo, paigtingin din ang kaalaman at kakayahan sa ating mga kababayang nasa sektor ng agrikultura
00:16na mahalaga sa pagkamit ng food security.
00:20Si Kenneth Pasyente sa Setro ng Balita.
00:24Bilang pagbibigay pugay sa mga magsasaka,
00:27mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna sa pagkilala sa mga natatanging agrarian reform beneficiary o ARBs
00:34sa ginanap na Gawad Agrario 2025.
00:37Sila yung mga ARB at agrarian reform organizations at agrarian reform communities
00:42na naging malaki ang papel sa pagunlad ng reformang pangsakahan ng pamahalaan.
00:46Ngayong taon, labing pito ang awardee na maingat na pinili mula sa 44 na finalist.
00:51Ang Most Outstanding ARBs tumanggap ng plake at cash award na nagkakahalaga ng 20,000 piso bawat isa.
00:58Habang plake at mga proyekto na nagkakahalaga ng 70,000 pesos ang natanggap ng Most Progressive ARBOs at ARCs.
01:06Sa ating awardee, kayo po ang huwaran ng pag-asa.
01:11Kayo ang nagpapatunay na hindi natitinag ang Pilipino sa harap ng pagsubok.
01:18At kayo ang nagsisilbing gabay sa mga kababayan nating na ayos din magtagumpay kagaya ninyo.
01:26Maraming salamat sa inyong mga sakripisyo upang mapatatag ang pundasyon ng ating lipunan.
01:33Giit ng Pangulo, hindi natatapos sa ganitong pagkilala ang pagkilos ng pamahalaan para sa mga magsasaka.
01:39Dahil ipinatutupad naan niya ang mga hakbang para mapagaan ang buhay ng mga ARB.
01:43Kabilang na riyan ang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award at Certificates of Condonation with Release of Mortgages
01:50na nagbubura ng pagkakautang ng mga benepisyaryo.
01:53Ang halagang dapat sana'y ibabayan sa gobyerno, maaari nang ilaan sa bagong benhe, makinarya o higit pa sa mas maayos na buhay para sa inyong mga pamilya.
02:04Muli namang hinikayat ng Pangulo ang mga pinepisyaryo na patuloy na pangalagaan ang lupang kanilang sinasaka.
02:10Palalalimin niyo ang inyong kaalaman hinggil sa industriya at gamitin ninyo ang makabagong teknolohiya upang mapalawak pa ang inyong karanasan.
02:21Sama-sama nating itanim ang benhe ng pagbabago upang mas marami pang kwento ng pag-asa at tagumpay ang ating matunghayan sa Bagong Pilipinas.
02:33Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.