00:00Malaki ang posibilidad na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.
00:06Kung bakit, alamin natin sa ulat ni Isaiah Mirafuentes, live.
00:11Isaiah.
00:15Dominic, tama ka dyan. Hindi pa man pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
00:20Pero inaasahan ng hindi matutuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na inaasahan sana sa December 2025.
00:27Yan ang kinumpirma sa atin ni Komalic Chairman George Irwin Garcia.
00:34Ayon kay Chairman Garcia, inaasahan sa August 12, pipirmahan na ni PBBM ang pagpustpone ng BSKE na inaasahan sana sa December 2025.
00:44At posibleng na itong isagawa sa November 2026.
00:48Kung titignan kasi, ang mga Barangay at SK Official na nanalo noong 2023 ay dalawang taon pa lamang nanunungkulan.
00:55Maliban dito, lamang din ang panukalang inaasahan pipirmahan ng Pangulo ang pagbabago sa term ng mga mananalong opisyal.
01:02Mula sa tatlong taon, magiging apat na taon na ang panunungkulan ng mga Barangay at SK Officials.
01:08Magiging dalawang term na rin ang mga Barangay Officials at isang term sa SK Official.
01:13Pero sa kabila ng posibleng pagkaantala ng BSKE election, tuloy pa rin ang voters registration ng Komalic.
01:20Bumukos sila ng Special Registration Anywhere Anytime Sites kagayal sa mall, parke at iba pa.
01:27Bukod sa mga regular ng tinatayuan ng registration sites ng Commission on Election, sa kanilang mga local committee office,
01:33bukas na rin ang mga Special Registration Anywhere Anytime Program Sites o SRAPs sa mga matataong lugar.
01:39Dito ay pwedeng magparehistro ang mga new voter at mga dating butante na napasuna ang kanilang rehistro.
01:46Kabilang sa mga Special Registration Sites ay mga transport hubs, mga terminal, mga mall, hospital at ilang mga call center company.
01:55Mayroon din sa ilang istasyon ng tren at dito sa Ninoy Aquino International Airport.
02:00Alam mo daw minikagandahan dito, mayroon din itatayong mga Special Registration Sites sa mga call center company.
02:06Sila yung mga empleyado nga na tulog sa umaga at gising sa gabi pero binibigyan sila ng pagkakataon ngayon ng Comelec.
02:13Ito yung Special Registration Sites dito sa Terminal 3.
02:17Kung makikita mo Dominic sa aking likuran, nakalatag dito yung mga upuan ng Comelec, yung mga tables at para dito lumapit yung ating mga kababayan
02:26na gustong magparehistro o gustong magpa-change status ng kanilang registration ng pagiging butante.
02:35Nasaan, Dominic, to naaabot sa 1 million voters ang madadagdag sa bilang ng mga butante.
02:40At ayon kay Chairman Garcia kanina nang makausap natin, umabot na.
02:45Sa 497,000 ang nagpunta sa mga Special Registration Sites, 75% dito ay mga bagong butante.
02:53Pitong araw nilang isasagawa ang mga Special Sites, habang sampung araw naman ang registration sa mga local Comelec offices.
03:02Dominic.
03:03Alright, maraming salamat, Isaiah Mirafuentes.