00:00Six-six sa aktividad ang buong linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:04Kabilang po dyan ang pagtatakda ng floor price sa bilihan ng palay
00:08para maiwasan ang pangaabuso sa mga magsasaka.
00:12Atin pong balikan.
00:15Nagsimula ang linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:18sa personal na pag-alam sa lagay ng panahon sa harap ng naging banta ng bagyong opong.
00:23Pinangunahan niya ang situation briefing sa NDRRMC
00:26kung saan inatasan niya ang lahat ng kaukulang ahensya na ipagpatuloy ang mga hakbang sa pagtulong,
00:32paibtingin ng kahandaan at maglaan ng mga kinakailangang pundo
00:36at kagamitan para sa agarang tugon ng pamahalaan sa mga nagdaang kalamidad at sa epekto ng bagyong opong.
00:43Kinilala naman ang Pangulong naging serbisyo ni Outgoing Chinese Ambassador to the Philippines,
00:47Wang Silian, sa isang farewell call sa Malacanang.
00:51Binigyang diin ng kanilang pag-uusap sa pulong ang lalim ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas sa China
00:56na pinagtibay ng diplomasya at dayalogo sa pamamahala ng bilateral issues
01:00at sa pagpapaiting ng makabuluhang ugnayan.
01:03Bagamat hindi umanugaanong umusad ang pag-resolba sa mga isyo sa West Philippine Sea,
01:08binigyang diin ng punong ehekutibo na nananatiling maayos ang ugnayan
01:11at naiwasan ang mas malalang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
01:15Sa isang pulong, iniutos ng Presidente ang pagtatakda ng floor price sa bilihan ng palay
01:21upang hindi maabuso ang mga magsasaka ng mga tiwaling trader tuwing ani.
01:26Iniatas din niya ang pagpapatupad ng Sagip Saka Act of 2019 at ang Benteng Bigas Program.
01:32Kasabay nito, nais din ng Pangulo ang pagsusuri ng charter ng NFA
01:35at mga amyenda sa Agricultural Tarification Law para mapalakas ang suporta sa mga magsasaka.
01:41Binigyang diin din nito ang pagbuo ng Congressional Commission on Agriculture, Fisheries and Food Security o Agri-Com
01:48na mag-a-assess sa kalagayan ng agrikultura at magre-rekomenda ng mga reporma.
01:54Pinangunahan naman ng Pangulo ang isang aktibidad na kumikilala sa mga pamilyang benepisyaryo
01:58ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o For Peace na nagawang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
02:04Dito binigyang diin ng Pangulo na patuloy na paiigdingin ang pamahalaan ng mga programa para sa mga Pilipino.
02:09Mga kapabayan, kinalulugod ko, ibahagi sa inyo ang halos 36 na bilyong piso na pondo
02:18galing sa DPWH na nakuha natin sa Plug Control Project.
02:26Itong halagang ito ay ilalaan natin sa mga programa ng DSWD.
02:33Kasama na rito ang tinatawag na Assistance to Individuals in Crisis Situations
02:44o ang pagkakilala ng karamihan ay yung AICS at saka yung Sustainable Livelihood Program.
02:52Pag-aaralan na rin ang pag-amienda sa For Peace Act upang mas matugunan ng wasto ang sitwasyon ng mga benepisyaryo.
02:58Ang balak po nila ay matanggal ito, itong 7 taong period na ito at magkakanulaman po at i-strengthen yung case management
03:06at kung halimbawa po hindi pa po nila kayang gumraduate sa katapusan ng 7 taon,
03:13ay mananatili pa rin po ang pagtulong sa ating mga kababayan na nasa ilalim po ng For Peace.
03:18Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.