00:00Bumalo na sa mahigit 20,000 Pilipino ang namatay dahil sa lung cancer.
00:05Ayon niyan sa World Health Organization. Yan ang ulat ni Bien Manalo.
00:1116-a-taong gulang pa lang ang tricycle driver na si Arnel Pongyana nang magsimulang manigarilyo.
00:17Aminado siya na araw-araw ang kanyang pag-yoyosi,
00:20400 piso ang kanyang nagagastos kada araw sa yosi,
00:23na sapat na aniya na pambili ng pagkain para sa hapuna ng kanyang pamilya.
00:27Hanggang noong 2023, karamdam siya ng matinding pag-ubo at hirap sa paghinga
00:33dahilan para itigil na niya ang paninigarilyo.
00:36Natakot siya na baka humantong ito sa lung cancer.
00:57Sa huling tala ng Global Cancer Observatory ng WHO,
01:02pumalo na sa mahigit 20,000 Pilipino ang nasawi dahil sa lung cancer.
01:07Pabata rin ng pabata ang tinatamaan nito.
01:10Ang lung cancer ang nangungunang uri ng cancer na nagiging dahilan ng pagkasawi ng mga Pilipino.
01:16Noong 2022, mahigit 23,000 ang naitalang bagong kaso ng mga nagkaroon ng lung cancer sa Pilipinas
01:24o katumbas ng 12.6% ayon yan sa World Health Organization
01:29at karamihan sa mga tinamaan ay pawang mga lalaki na umabot sa mahigit 16,000
01:35o katumbas yan ng 20% ng kabuwang kaso.
01:39Ayon sa oncologist na si Dr. Herdy Glorian C. Luna ng Philippine Cancer Society,
01:45maaaring pang karaniwang ubo at respiratory illnesses lang sa una
01:49ang mararamdamang sintomas kaya huli na nalalaman na may lung cancer na pala sila.
01:54Sabi pa ni Dr. Luna, maaaring namang maagapan ang paglala ng sakita
01:58kung agad nasa sa ilalim sa early detection at screening,
02:02lalo na ang mga naninigarilyo at exposed sa second-hand at third-hand smoke.
02:06Ang paninigarilyo o first-hand smoking ang pangunahing sanhin ng pagkakaroon ng lung cancer.
02:27Nariyan din ang third-hand smoke kung saan nalalanghap ang usok ng sigarilyo at vapor
02:32kasama rin ang air pollution, kabilang rin sa risk factors sa pagkakaroon ng lung cancer,
02:37ang family history at magingang edada at ang matagal na pagkakababad sa mga lasong kemikala
02:43sa mga lugar paggawa kaya hinihikayat ang mga kumpanya at establishmento
02:47na magkaroon ng early screening programa.
02:50Teach our young generation to make it normal, to avoid smoking, to stop smoking.
02:55We really need to act now. That's the campaign of the Philippine Cancer Society to act now.
03:00Samantala, isinaman na rin ng Philippine Health Insurance Corporation of PhilHealth
03:04sa kanilang yakapa o yaman sa kalusugan program ang konsultasyon at cancer screening tests,
03:10kabilang narito ang lung cancer na nagsusulong ng prevention at early disease detection.
03:16Bien, Manalo. Para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.