00:00Samantala po, bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga guro at poll workers nitong 2025 midterm elections,
00:08dinagdagan pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang honorarya.
00:13Ayon kay Palace Press Officer Yusek Claire Castro,
00:16inaproobahan ng Department of Budget and Management ang dagdag na 2,000 piso na honoraryum para sa mga nagsilbi nitong halalan.
00:24Ibig sabihin ito, tataas na sa 12,000 pesos ang makukuha ng electoral board chairperson,
00:31habang nasa 11,000 ang poll clerk at third member, habang 8,000 pesos sa mga support staff.
00:41Ito ay bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa maayos na pagsasagawa ng 2025 national and local elections.
00:50Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, nakalaan ang 7.4 billion pesos na pondo para sa higit 758,000 poll workers sa bansa.