00:00Posible na makapagreklamo ng mas mabilis ang publiko sa anumang ahensya ng pamahalaan sa tulong ng Artificial Intelligence.
00:08Sa pamamagitan yan ng inilunsad ng Anti-Red Tape Authority o ARTA na Mas Pinadaling Electronic Complaint Management System o ECMS.
00:18Kung paano yan alamin sa sentro ng balita ni Ron Lagusa.
00:23Mas mabilis, walang pila at kahit anong oras ay pwedeng magreklamo.
00:29Sa tulong ng Artificial Intelligence, mas pinadali ng Anti-Red Tape Authority na makapagreklamo ang publiko sa anumang ahensya ng pamahalaan.
00:38Ito ay sa pamamagitan ng inilunsad na Electronic Complaint Management System o ECMS.
00:44Isa itong digital platform na binoo para mapadali ang proseso pagating sa pagresolba sa mga reklamo laban sa mga mabagal o korup na bureaucratic practice sa pamahalaan.
00:54Ayon kay ARTA Director General Secretary Ernesto Perez, dahil dito, inaasahan nila na mas tataas pa ang bilang ng mga reklamong kanilang matatanggap,
01:04lalo 24x7 ang pwedeng magreklamo.
01:07Kumpara ito sa kasulukuyan ng office hours lang makakapagreklamo.
01:10Nire-require natin yung mga government agencies kasama yung local government unit. Meron silang committee yung anti-red tape.
01:17So pag iibinato natin yung concern complaint sa kanila, mabilis sila na aksyonan.
01:21Kaya nga, on record, more than 99% yung resolution ng concern kasi inaaksyonan nila kagad eh.
01:28Kasama sa feature nito ay ang AI-assist service na siyang makakausap na nagre-reklamo.
01:32Dito ay kaya nito ma-analyze kung ano ang gagawing aksyon sa isinumiting reklamo.
01:37Ito rin mismo ang mag-fill out ng form sa system.
01:40Maaari rin na mamonitor real-time ng complainant ang status ng kanyang reklamo.
01:45Sa bahagi ng Department of Information and Communications Technology,
01:49ang ECMS ay integrated o kasama sa EGOPH app.
01:53Pag nakolekta niya lahat ng mga detalye, eh, pag natapos yung isa nilang project, may dashboard na.
01:59Siguro lahat ng sekretary, meron dapat nung pati si P, di ba?
02:02Oo, sana.
02:03Oo.
02:03Makikita nila ngayon, etong mga nagre-reklamo saan ang gagaling,
02:07sino ba yung nasa-service na mabilis, sino yung mabagal.
02:11Rod Lagusad, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.