00:00Pagbaba ng underemployment rate noong December 2025 at ang mga hakbang para tugunan ang unemployment rate sa bansa,
00:08ating tatalakain kasama si Director Patrick Patriwaran Jr. ng Bureau of Local Employment ng Department of Labor and Employment o DOLE.
00:16Director Patrick, magandang tanghali po.
00:20Magandang tanghali po, Yusek Marge and Sir Joshua, maraming salamat po.
00:24Sir, ayon po sa PSA, bumaba ang underemployment rate sa 8% noong December 2025 mula sa 10.4 noong November.
00:34Ano po ba yung interpretation po ng DOLE dito? At ibig sabihin po ba nito ay dumami na ang dekalidad at full-time na trabaho po sa bansa?
00:43Maraming salamat po, Yusek Marge. Ang underemployment rate po ay isa sa binabantayan po natin sa Labor Force Survey ng PSA.
00:53At importante po na makita natin, yung pagbaba po nito ay tumutukoy sa bilang ng mga kababayan natin naghahanap ng additional na trabaho.
01:03Kaya po, sa pinakalitas na datos nito, masasabi natin dumami o bumaba yung bilang ng mga kababayan natin hindi na po naghahanap ng additional pa na work hours o trabaho po.
01:14So, kasabay po niyan, Yusek and Sir Joshua, binabantayan din po natin yung wage and salary workers na indicator po.
01:23Ibig sabihin yung mga kababayan natin sumasahod po at employed sa regular na employment.
01:29At kasama po nito, yung pag-titingin natin kung ang kondisyon ng labor market ay nagbibigay ng tinatawag nga nating dekalidad, full-time na trabaho para sa ating mga kababayan.
01:41Okay. Director, habang bumaba itong underemployment, nanatili naman sa 4.4% yung unemployment rate o katumbas ng 2.26 million na walang trabaho.
01:52So, ano po yung mga particular na hakbang ng Bureau of Local Employment para tugunan ng patuloy na bilang na walang trabaho?
02:00Yes, Sir Joshua, maraming salamat po.
02:02Isa po sa ating mandato sa Bureau of Local Employment ay magbigay ng access po sa ating mga kababayan sa ilalim ng Labor and Employment Plan at sa trabaho para sa Bayan Plan.
02:13Ang particular na programa po nito ay nabibilang sa ating mga Public Employment Service Offices.
02:18Ang ating mga peso ang naghahatid ng employment opportunities kaya po sila ay kumakalap ng mga vacancies sa mga employers natin kung saan ito naman po ay ipinaabot natin sa ating mga kababayan naghahanap ng trabaho.
02:32Ang mga pesos din po natin ay nagbibigay ng career development support.
02:36So, tinutulungan po nila yung mga nais pong maghanap ng trabaho katulad po ng mga first-time job seekers, mga returning OFWs, kasama na rin po dyan yung mga displaced workers po natin.
02:46At kabilang po sa mga programang iniimplementa din po namin ay ang mga job fair activities na sinasagawa natin nationwide.
02:56Sa ilalim po ng direktiba ng ating Pangulo, importante po na mapalapit natin ang oportunidad na ito sa ating mga kababayan.
03:03Kaya po patuloy po ang dole sa pagmamonitor po ng pagsasagawa ng mga monthly job fairs po sa buong bansa.
03:09Sir, ayon po sa datos ng PSA, malaki ang naidagdag na trabaho ng ITBPM sector, particularly po sa call centers at back office activities.
03:20Meron po bang mga programang ang dole upang ihanda at imatch ang mga job seekers sa mga industriyang ito?
03:26Yes, you said, Marge. Kabilang po dyan yung ating mga youth employability programs.
03:34Ang tinututukan po natin ay yung mga kababayan nating papasok po sa labor market, yung mga youth workforce po natin.
03:41At sa ilalim po niyan, nabibilang ang mga programa natin katulad ng government internship program,
03:47ang special program for employment of students at ang job start program.
03:51Sa job start program po, nakipag-ugnayan po tayo. Nagkaroon po tayo ng partnership with IBPAC kung saan magiging partner po ang mga BPO companies sa pag-implement po ng ating job start program.
04:03At kabilang po nito, yung pagsisiguro na yung mga job start beneficiaries natin ay magkaroon po ng mga ICT skills na makukuha nila sa kanilang employment.
04:12Okay. Director, sa datos pa rin po ng PSA, mahigit kalahating milyong trabaho po ang nawala sa construction sector noong December 2025.
04:23Ano po yung konkretong tulong ng Dole sa mga construction workers na naapektuhan ng paghinaan itong sektor?
04:31Maraming salamat sa Joshua. Katulad po ng mga naranasan ng mga kababayan natin, in general, yung mga nawawalan po ng trabaho,
04:38ang unang-una po nating binibigay na tulong dyan or assistance ay yung pag-facilitate po ng kanilang unemployment insurance or benefit.
04:47Sa pamamagitan po nito, magkakaroon sila ng short-term na pang-tustos o pang-gastos kabilang na po yung pang-gastos paghanap ng trabaho.
04:56Kaya po, patuloy natin nililink o nilalapit sa ating mga kababayang nawala ng trabaho ang mga employment opportunities sa pamamagitan po ng ating mga Public Employment Service Offices.
05:07Okay. Director Patrick, binanggit na ang pagbaba po ng employment sa construction ay konektado daw, di umano, sa infrastructure scandal at mabagal na disbursement.
05:18May agarang employment o emergency job programs po ba ang Dole para sa mga manggagawang nawalan po ng hanap buhay dahil po dito?
05:25Yes po, USEC Marge. Mayroon po tayo. Alam po natin yung ating mga short-term employment programs at ang mga ikinakabit po natin ng mga long-term engagements or programa po dyan.
05:38Sa mga short-term po, nandyan po yung mga kababayan nating nais magkaroon ng puhunan sa negosyo o sa livelihood.
05:46Meron po tayong DILP, Dole Integrated Livelihood Program. Pwede po kaya ay ang tupad po o para sa mga displaced workers naman po natin.
05:56Mga short-term engagements po kung saan magkakaroon po sila ng pagkakataon na magkaroon ng panandaliang trabaho upang magkaroon po ng pantustos sa mga panahong hindi po magbigyan ng panggastos yung kanilang pamilya.
06:11Kaya po, pagkatapos po ng intervention po na ito, ang ating sinisiguro ay maitawid sila sa mas pangmatagalang engagement or employment.
06:20Kaya po, nandyan po ang ating mga pesos na tumutulong sa kanila sa pamamagitan po ng pagkahanap, pag-a-assist ng mga, anong mga opportunities ang nababagay sa ating mga workers,
06:32lalong lalo na dito sa construction sector na nawala ng trabaho para mabigyan po ng pangmatagalan po na employment.
06:38Dito naman, Director, sa restaurant, accommodation at education sector, medyo tumaas po ang employment dito.
06:47In terms of, particularly sa mga first-time job seekers or job lookers,
06:52paano po sinusuportahan ng Bureau of Local Employment ang paglago ng mga sektor na ito para magpatuloy at hindi lang pansamantala yung kanila mga trabaho?
07:00Kasi minsan ang ginagawa, pumapasok sila sa sektor na ito, pagkatapos ay lumilipat din sa ibang industriya.
07:08Yes, Sir Joshua, tama po kayo dyan sa observation po na iyan.
07:13Actually po, kapart na po natin ang Department of Tourism,
07:16lalong lalo na sa pagsisiguro na yung mga kababayan natin ay may kasanayan.
07:20Tama po ang kasanayan para po sa sektor ng restaurant, accommodation at education sectors.
07:25Kasama po niyan, particular sa Department of Tourism,
07:28ay yung ating sinasagawang turismo, trabaho, negosyo,
07:32o yung ating yearly na job fair, sectoral or special job fairs para sa tourism sectors.
07:37At mahalaga pong inisyatiba ito ng DOLE at ng DOT dahil natutulungan natin targetin yung mga talagang gustong pumasok
07:45sa tourism sector, lalong lalo na yung may kinalaman po sa mga occupations na may kinalaman sa sektor na ito.
07:51Kasama rin po dyan, sa education sectors naman po,
07:54mayroon din po tayong partnership with the Department of Education sa ilalim po ng aral program
08:00kung saan yung mga education graduates po natin ay nagkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng trabaho
08:07sa pamagitan po ng government internship program.
08:09Nabibigyan po sila ng posisyon at nagkakaroon po sila ng opportunity na ma-practice po na yung kanilang pagsasanay.
08:16At of course, ang importanteng aspeto nito ay maitawid natin sila sa professional na aspeto at na level
08:23at para masiguro na mapataas ang kanilang employability.
08:28Sir, ang average employment rate noong 2025 ay bahagyang bumaba po sa 95.8% mula 96.2 noong 2024.
08:38Ano po ba yung interpretation ng Dolly dito at paano ninyo sisiguraduin na mas maraming Pilipino
08:43ang magkakaroon po ng matatag na trabaho ngayong taon?
08:46Yes, USEC March actually po patuloy po yung pag-monitor natin noong yearly employment rates po natin
08:55na tama po sa mula sa observation po or sa datos ng PSA no, makikita natin bumaba nga po ang employment level for 2025 no.
09:04So balit pagsusuriin natin sa target na inilaan natin para sa taong 2025 no,
09:11ang ating pong ibinigay na unemployment target ay 4.8 to 5.1.
09:16So roughly nasa 95 to 96% employment rate po ang counterpart po nito.
09:22At nakikita natin nandoon pa rin po tayo sa loob ng itinakdaan nating target para sa taong ito
09:27at masasabi natin nasisiguro natin stable pa rin po ang ating labor market.
09:33Kasabay po niyan, sinisiguro natin sa ilalim po ng direktiba ng ating mahal na Pangulo
09:37na palakasin po ang mga programa natin na may kinalaman sa pagpapalapit ng mga oportunidad
09:42para sa ating mga kababayan, kabilang na po dyan ang pagsasagawa ng ating mga monthly job fairs,
09:48pagpapalakas po ng ating mga youth employability programs
09:51para po yung mga kabataan nating papasok sa labor market ay maging handa at mas maging employable po.
09:57Maliban po sa mga nabanggitin nyo, Director, nabanggitin po ng Deptev,
10:01yung pagpapalawak ng training, reskilling, at paggamit ng digital technologies.
10:06Ano-ano po yung ginagawa ng Bureau of Local Employment ng DOLE
10:09para masiguro na yung mga training program na ito ay sigurado magbibigay ng trabaho?
10:16Yes, Sir Joshua. Actually po, meron po tayong batas para dito,
10:20yung Digital Workforce Competitiveness Act,
10:22kung saan kabilang po ang DOLE at ang Deptev na tumututok po
10:26sa pag-monitor ng mga tinatawag nating digital skills.
10:29Ang isa po sa mga mandato natin dyan ay makapagpagsagawa po tayo ng digital skills mapping
10:36at mula po sa digital skills mapping na yun ay maiuugnay natin yung mga training programs na nararapat
10:42para sa ating mga kababayan, lalong-lalong na yung may mga skills gap po sa digital or sa sektor po na ito.
10:49Kasama po dyan yung partnership po natin sa TESDA
10:52kung saan inilalapit po natin yung mga tinatawag nating near-hires sa tuwing nagsasagawa tayo ng job fair.
10:58So itong mga near-hires po natin ay inilalapit natin sa TESDA
11:01para alamin tiyakin ano yung training program na nararapat sa kanila
11:05para sila ay maging hired na agad o mapataas ang kanilang employability.
11:11Sa ganitong paraan po, nakakatulong tayo sa pagpapalawak ng mga digital skills
11:15para sa ating mga kababayan at yung mga opportunities po.
11:20Lalong-lalong na nakikita natin yung digital technologies ay nagbibigay ng maraming opportunity,
11:26lalong-lalong na yung mga highly skilled or specialized na mga occupations or positions.
11:31Director Patrick, mensahin niya na lang po sa ating mga kababayan na nanonood po sa programang ito.
11:37Maraming salamat po, Yusek Marge.
11:41Inaanyayan po natin ang ating mga kababayan na bisitahin po at magtungo
11:46sa inyong pinakamalapit na public employment service offices sa inyong munisipyo, sudad at probinsya.
11:52At alamin po kung ano ang mga latest na trabaho, mga skills development programs at job fair activities sa inyong lokalidad.
12:00Kabilang kasabay po niyan, bisitahin niyo po ang ating online job matching portal,
12:04ang philjobnet.gov.ph para po sa latest vacancies at sa mga job fair schedules po.
12:12Maraming salamat po, Yusek Marge and Sir Joshua.
12:15Maraming maraming salamat din po sa inyong oras at sa impormasyon,
12:18Director Patrick Patrick Wirawan, Jr. ng Bureau of Local Employment ng Dole.
Comments