Skip to playerSkip to main content
  • 3 months ago
Ilan pang pamilihan, ininspeksyon ng DA; mga hindi sumusunod sa MSRP, inisyuhan ng ‘notice to explain’ ng DA | ulat ni Vel Custodio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kabila ng paghina ng supply ng sibuyas at pagtaas ng demand sa karneng baboy ngayong holiday season,
00:06patuloy ang paginspeksyon ng Department of Agriculture sa pagsunod sa MSRP,
00:12kung saan may ilan na rin na na-issuehan ng Notice to Explain dahil sa paglabag sa itinakdang presyo.
00:19Si Veltos Tojo sa Sentro ng Balita.
00:30Isa lamang ang pwesto na ito sa labing dalawang gulayan sa Munoz Market na in-issuehan ng Department of Agriculture ng Notice to Explain matapos ang hindi pagsunod sa maximum suggested retail price.
00:45Ang naturang gulayan, kahit imported ang binibentang sibuyas,
00:48dineclare nila itong lokal dahil na ibibenta ang lokal na sibuyas ng P250 kada kilo,
00:55habang hanggang P150 lang ang MSRP sa imported red onion at P120 naman sa white onion.
01:03Sinasabi natin sa mga consumers ngayon, dati kasi pag imported, yung malalaki.
01:07Alam na alam mo imported, malalaki yun.
01:10Ngayon, may dumadating na pong mga maliliit kasi yun yung medium.
01:14Yun po kasi usually na itsura ng lokal at yun po yung binibili na ating mga mamimili na pinapass off nila na lokal pero important po talaga siya.
01:24Magkapares na ang sukat ng lokal at imported na sibuyas.
01:29Pero ayon sa Department of Agriculture, hindi hamak na mas mahal ang lokal na sibuyas,
01:35lalo na ngayong manipis na ang supply nito sa mga cold storage facilities.
01:38Kaya para hindi maloko ang ating mga consumers sa pagkakaiba ng quality ng lokal at imported na sibuyas,
01:46ang lokal na sibuyas ay di hamak na mas tuyong-tuyo ang quality.
01:50Hindi pares itong imported na medyo basa.
01:53At kung makapansin nyo ay madali itong tubuan ng dakon dahil mas maikli yung shelf life nito.
02:00Sa pag-iikot ng DA sa Palengke, nasa P180 pesos ibinibenta ang ilang mga imported red onion.
02:09Pero kahit na tumaas ang presyo ng sibuyas, hindi pa rin daw ito titipirin ni Hector.
02:15Sa budget talaga nag-adjust kasi masarap talaga yung pagkain natin, di ba?
02:19Usually tayo mga Pinoy, pagkag-gisa-gisa natin talagang sibuyas talaga ang panlaban natin,
02:26sa aroma, sa lasa, kaya adjust, budget ng adjust.
02:30Nagre-ready na kami for Christmas. Tsaka kasi mag-Christmas party kami.
02:35Discarte naman ni Suzy para makatipid.
02:38Hahatiin na lang ang isang sibuyas para sa dalawang putahe.
02:41Magbabawas ng bilhin kapag ano. Parang pagkasya.
02:46Bawa yung ano, yung pinagkakasya na lang yung sa sibuyas.
02:50Hahatiin yung tiray sa next meal, parang gano'n.
02:54Kaya kasi, inaangkat lang din namin.
02:58Wala ba ako sa balintawa, 120 o 150.
03:01Siyempre kailangan naming tumubo, gawa ng malaki din ang binabayaran namin dito eh.
03:05Sana, itong Pasko na to, mas mababa pa ng konti.
03:10Isa pa raw sa nagpapalugi sa mga retailer ay ang pagbili ng bultuhan.
03:15Kung minsan kasi, kahit na mas mura ang pagbili ng maramihan,
03:18na ahaluan nito ng isang kilong reject o pabulok ng sibuyas,
03:23na hindi agad napapansin ang mga humahango.
03:25Kaya kami, ang binibili lang namin, yung tingi lang talaga, yung mga kilo-kilo lang.
03:31Samantala, dalawampung pwesto ng karning baboy ang hinainan din ang DA ng Notice to Explain
03:37dahil sa hindi pagsunod sa MSRP.
03:40Hanggang P340 lang dapat ang kilo ng Kasim at Pigue,
03:44habang P370 naman sa Liempo, pero ibinibenta ito sa mas mataas sa presyo.
03:50Kasi sinasabi nila lagi, inahango lang nila yung kanilang mga produkto.
03:54Eh kasama naman po natin sila during mga stakeholders meeting, consultation.
03:59So kapag tayo po naman ay naglalabas sa MSRP,
04:03kinukonsult natin sila eh.
04:04So gusto natin malaman kung bakit po hindi sila nakakasunod lagi.
04:08Bagamat bahagyang nakakaapekto ang mataas na demand sa presyo ng karning baboy ngayong holiday season,
04:14ayon sa DA, hindi pa rin daw ito sapat na dahilan para lumabag sa MSRP,
04:20lalo na't may sapat na supply ng karning baboy.
04:23Pinoproseso na ng DA ang pagpasok ng mga produktong karne ng Food Terminal Incorporated
04:28para may murang opsyon ng mga mamimili
04:31at mapababa rin ang presyo ng ibang produktong karne sa merkado.
04:36Sinusuri na ng DA ang kabuuan ng value chain,
04:39mula importer hanggang retailer,
04:41para malaman kung anong reklamo ang pwedeng ihain
04:43sa mga mauhuling nagnamanipula sa presyo ng mga produktong agrikultura.
04:48Profiteering, kung balakihan yan,
04:51pwedeng hoarding, pwedeng kartel.
04:53Kasi sabi nga natin,
04:55ang dating ng imported na onions ngayon,
04:57nasa 50 to 60 pesos lang.
05:00Vel Custodio,
05:01para sa Pambansang TV,
05:03sa Bagong Pilipinas.

Recommended