00:00At bago tayo magtungo sa ating talakayan, humingi muna tayo ng updates sa Department of Justice muna kay Undersecretary Marsh Kutcheres Yusek.
00:07Malaki ang nag-i-papel ng DOJ sa ligtas na pag-uwi at pagsalubong sa mga Pilipinong biktima ng human trafficking mula sa Cambodia.
00:15Ano ang detalyo muna dito?
00:16Kay Joshua, naka-uwi ng ligtas sa bansa ang mahigit 200 mga kababayan natin mula Cambodia
00:22matapos ang isang malawakang operasyon laban sa human trafficking at online scam hubs na pinungunahan ng pamahalaan ng Cambodia.
00:31Sa ulat ng mga otoridad, biktima ng human trafficking at illegal recruitment ang mga napawing Pinoy.
00:37Ang iba sa kanila ay kusang tumakas at personal na humingi ng tulong sa embahada.
00:43Pinuri ng iyakat ang Philippine Embassy, Department of Migrant Workers at ang Cambodian Government
00:49sa mabilis na koordinasyon na nagbigay daan sa agarang pag-uwi ng mga Pilipino.
00:55Kabilang ang pagkansala ng mga bayarin at multa sa immigration.
01:00Ayon sa Undersecretary in Charge ng iyakat na si Nicholas Felix LT,
01:04hindi natatapo sa repatriation ang trabaho ng pamahalaan.
01:08Kasama rin dito ang pagtugis sa mga sindikato at human trafficker na nasa likod ng kasong ito.
01:15Samantala, sumailalim din ang mga nagbalikbansa nating mga kababayan sa medical, psychosocial, legal at reintegration assistance
01:24at pinuri rin ni iyakat Executive Director Hanna Manalili
01:27ang dedikasyon ng NAIA Task Force Against Trafficking na pinamumunuan ni SASP Jengki de Dumo
01:34sa pagiging SUSI sa koordinasyon ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan
01:38para mapabilis ang pagproseso at pag-abot ng tulong sa mga biktima.
01:42Tinayak naman ang DOJ Action Center o DOJAC
01:46ang patuloy na pagbibigay ng libreng legal na servisyo sa mga biktima
01:50kabilang ang legal counseling, representation at paghahanda ng mga legal na documents.
01:56Hata Yusek, we heard damas pinalakas ang hanay ng DOJ matapos manumpa bilang Undersecretary
02:02ang dalawang batikang abogado. Ano ang marching order sa kanila?
02:06Okay Joshua, formal na pinakilala ng Department of Justice
02:11ang dalawang bagong Undersecretary sa isinagawaan nitong flag-raising ceremony kahapon
02:16sa DOJ Main Office sa Maynila.
02:19Pinangunahan ni Justice Secretary Frederick A. Vida ang panunumpa
02:23ni na Undersecretary Ian Norman Evaristo Dato
02:26at Undersecretary Garney Martinez Candelaria
02:29bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng pamunuan sa DOJ
02:34para makapagbigay sa taong bayan ng katarungang efektibo at mabilis.
02:38Sa kanyang mensahe, binigyan din ni Secretary Vida ang misyon at plataporma ng kagawaran.
02:45Ang hustisya ay dapat mabilis, patas at ramdam ng bawat Pilipino.
02:50Nagpasalamat naman ang dalawang bagong Undersecretary at sinabing tatapatan ng husay
02:54at dedikasyon ang tiwalang ipagkaloob sa kanila ng sambayanang Pilipino.
02:59Ang kanyang pagkakahirang ay kasunod ng promosyon ng 6 na opisyal ng DOJ noong isang linggo
03:05bilang bahagi ng kampanyang Real Justice for All sa ilalim ng bagong Pilipinas.
03:12Maraming maraming salamat Undersecretary Marge sa mga updates na ipidahagin mo sa amin mula sa Department of Justice.
03:18You're welcome Joshua.
03:19Thank you, Usec.
Comments