00:00Hindi naman napigilan ni DPWH Secretary Vince Lison na madismaya
00:05ng personal na makita na hindi lang ghost projects, kundi non-existent.
00:11O wala talaga ang ilang flood control projects sa Oriental Mindoro
00:15na kabilang sa mga pinunduan ngayong taon.
00:18At pag titiyak pa ng kalihim, paapanagutin.
00:21Ang mga nasa likod nito, pati na ang iba pang inerereklamong proyekto
00:27si Bernard Ferrer sa Sentro ng Balita.
00:31Where is the dike? Where is it? Where is the flood control?
00:35Itong dismayadong tanong ni DPWH Secretary Vince Lison matapos madiskubring hindi matagpuan
00:41ang tatlong flood control projects nakasaad sa 2025 General Appropriations Act para sa Oriental Mindoro.
00:49Ang purpose ng daa na specific na ganyan is parang na malaman natin kung saan yung proyekto.
00:58Kaya tayo may line item budgeting. Para may detalya dyan, enough na para makita ng tao, malaman na mayroon ba o wala.
01:07Non-existent o walang aktual na estruktura ang mga proyekto sa Panggalan River, Tubig River at Katwiran River sa Bayang Nawhan.
01:14Guni-guni to. Huwag ang proyekto na ako nakikita dito. Siguro naman, huwag ang nag-hallucinate sa atin dito.
01:20Baka mayroon may third eye sa inyo na may nakikita ang blood control dito.
01:24Lalo pang nadismaya sa Secretary Dison, nang matuklasan agad na sira ang 1.5 na kilometrong megadike project sa Barangay Tagumpay.
01:33Hindi ba man tumatagal ang isang taon simula na makumpleto ang konstruksyon?
01:37Basa sa plano, dapat ay may lalim na labindalawang metro ang naturang dike.
01:42Ngunit sa aktual na inspeksyon, tatlong metro lamang ang lalim nito.
01:45Sa panig ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, inihag niyang bukod sa pagiging substandard ng proyekto,
01:52tila hinati-hati pa ito upang magkaroon ng iba't ibang kontraktor sa harip na isang bidding lamang.
01:57Ang mga kontraktor niyang nasabing proyekto ay ang St. Timothy Construction Corporation,
02:02Elite General Contractor and Development Corporation, at Sound West Construction and Development Corporation.
02:08Dahil dito, ipinag-utos sa Secretary Dison ang agarang pagpapatigil sa konstruksyon ng proyekto sa Barangay Tagumpay.
02:14Anya kailangang i-review muli ang plano upang matiyak na hindi maasayang ang pondo ng gobyerno.
02:19Pinatawag din ang kalihim ang dating DPWH Regional Director na sangkot sa proyekto upang magpaliwanag sa nangyari.
02:25Kasabay nito, iniutos na rin ang imbesigasyon at paghahain ng kaso laban sa mga opisyal at kontraktor na sangkot sa umano'y railroaded na proseso ng bidding,
02:34issuance ng notice of proceed at mabilis sa pagbabayad ng proyekto.
02:37Mayroon tayo lang pattern na nakikita natin halos pare-pareho yung mga dates na sinasabi ni GOV ngayon.
02:46Yung magkakasunod na araw, magkakasunod na notice to proceed, magkakasunod na payment.
02:53May pattern tayo nakikita.
02:54Ayon sa DPWH, umabot na sa halos isang daang reklamo ang kanilang natatanggap kaugnay sa mga GOES o substandard projects
03:01sa iba't ibang panig ng bansa na agad na aksyonan sa pamamagitan ng paghahasampan ng kaso.
03:07Samantala, humiling sa Secretary Dizon sa Department of Justice na agad maglabas ang Immigration Lookout Billitian Order
03:12laban kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
03:16Ayon sa kalihim, napakahalaga ng agarang paglalabas ng ILDO,
03:20lalo na sa hiling ng mga mamabatas na nagsasagawa ng investigation in aid of legislation
03:24at nais na maimbitahan si dating Yusik Bernardo.
03:28Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.